Kinabukasan ay nagising akong nanganagawit ang binti, kahit ilang beses kong igalaw galaw iyon, hindi nawawala ang pangangawit. Hindi nalang muna ako bumangon hangga't hindi nagigising si Anitha. Pinakiramdaman ko uli ang binti ko, siguro nabigla iyon kahapon. Ilang oras din kasi akong nakatayo, kahit nga ang kaliwang braso ko ay nangangawit na parang may naipit na ugat.
Kaya ko namang kumilos, maindahin lang talaga ako sa sakit.
Tumihaya ako ng higa at tumitig sa bubong ng kwarto. Maliwanag na sa labas, tingin ko lampas 6am na, naririnig ko na rin ang yabag at mahihinang usapan ng magkakapatid sa labas ng kwarto. Linggo ngayon kaya alam kong kumpleto sila.
One month and three weeks na ako dito. Isang linggo nalang at dalawang buwan na. Should I go home na ba?
My heart says go, my mind says stay.
Mas tumitibay ang pasya kong huwag nang bumalik ng bahay kapag naiisip kong hindi man lang ako hinahanap ng magulang ko. Magdadalawang buwan na simula nang umalis ako, siguradong tumawag na ang school ko sa bahay. Kung hinahanap nga nila ako, by now dapat nakauwi na ako!
Pero I'm still stuck here. That proves that they're doing nothing.
Mas sumasama lang ang loob ko. Pero pinigilan ko ang sarili.
Alexi, when you left your home, it means you're desperate to escape... to runaway! What's happening to you now? Bakit gusto mo pa atang hanapin ka nila at ibalik sa inyo?
Napabiling ako ng higa, humarap ako sa dingding na plywood.
Okay, it was my decision to runaway, pero dahil sa kanila iyon. Cause I've had enough of them. Pero... hindi ba nila ako hahanapin? Hindi ba sila nag-aalala?
Magulang ko ba sila?
Right now it'll be my pleasure to know na ampon lang nila ako, baka mas gumaan pa ang loob ko kapag ganoon nga ang sitwasyon. At least maja-justify na rin sa wakas kung bakit parang wala silang pakialam sa akin.
Kung sana ganoon nga talaga, kaso imposible.
May kumirot sa dibdib ko, umupo ako bigla para mawala iyon... pero dahil sa ginawa ko, braso ko naman ang kumirot.
"O-Ouch..."
Ano ba naman 'to.
Nagulat ako nang may tumabing sa kurtina sa pinto at sumungaw si Ikoy mula doon.
"May problema?"
Marami.
Umiling ako, ibinaba ko ang braso ko. "Wala. Bakit?"

BINABASA MO ANG
Never Again
Roman d'amourComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...