KAGAYA lang din ng ginawa ko kahapon ang ginagawa ko ngayon, ang pinagkaiba lang ay mas ako ang kumikilos ngayon dahil si Abby na ang kasama ko sa pwesto nila at alam kong kakagaling lang niya sa sakit. Ako na ang gumawa ng mabibigat na trabaho, siya nalang yung gumagawa ng mga bagay na hindi ko alam gawin.
Ito na ang pangatlong beses na tumulong ako sa tindahan nila, at kapansin pansin na kumpara sa unang beses, mas marami nga talagang bumibili ngayon. Tuloy ay napapaisip ako kung dahil sa'kin ba 'yon. Pero hindi rin nagtagal iyon sa isipan ko nang dumating ang 1pm at halos sunod sunod ang mga bumibili.
Parang plants vs. zombies lang ang customers na may first wave, second wave, and so on. Minsan kasi ay paisa isa lang ang bumibili tapos maya maya biglang ang dami na nilang naghihintay na maabutan. Ang pinagkaiba lang nito sa laro, dito walang final wave, kaya hindi mo masabi kung tapos na ba o hindi pa.
"Ate ang sarap ng pagkakaluto ng banana cue niyo..." biglang kausap sa'kin ng lalaking nasa gilid ng tindihan, maang na napalingon ako sa kanya. Paisa isang nalang uli ang bumibili kaya napansin ko pa ang sinabi niya. Kanina pa may nagtatangka kumausap sa'kin pero hindi ko napapansin dahil sa ibang tao. "anong pong pangalan niyo?" bigla niyang tanong. Mas lalo akong napamaang. Ngumiti muna ako sa kanya bago tignan ang kabuohan niya. Mukhang isa siya sa estudyante ng university na malapit.
Bigla namang tumabi sa'kin si Abby at kunwaring yumuko pero bumulong siya na alam kong para sa'kin.
"Inuuto ka lang niyan."
Hindi ako sumagot, sanay na ako sa mga ganitong scenario. Ngumiti uli ako sa lalaki.
"Siya ang nagluluto, taga abot lang ako sa customers, so thank her." I said that in my nicest way saka nilingon si Abby at sa kanya naman ngumiti. Umiling iling lang siya saka bumalik sa harap ng kalan para haluin ang nakasalang.
Naramdaman naman siguro ng lalaki na hindi ko ibibigay ang pangalan ko kaya nagpasalamat nalang siya at dala ang binili ay umalis na siya. Natatawang umupo ako.
"Sabi sa'yo malakas talaga ang kita kapag nandito ka eh."
Umiling ako. "Malay mo masarap lang talaga ang tinda niyo kaya binabalikan."
Siya naman ang umiling, natatawa pa. "Iisa lang ang lasa ng banana cue ate, nagkatalo talo lang sa dami ng asukal, kaya nang uuto lang yung lalaki kanina nung sabihin niyang masarap ang tinda natin." she inhaled then exhaled. "Hapon palang pero paubos na yung saging natin, huling salang na 'to at ubos na talaga." malaki ang ngiti niya nang lingunin ako. "Naisip ko lang, ano kayang magandang idagdag dito sa tindahan? Puro shake lang tayo at banana cue eh, dapat nakikipagsabayan tayo sa iba. Hmm, ano kaya?" binalik niya ang atensyon sa ginagawa. Ako naman napaisip din.
Ano nga kaya?
Nawala ang iniisip ko nang may bumili uli, at tuluyan na 'yong nawala sa isip ko hanggang sa maubos namin ang paninda. Ang laki ng pagkakangiti ni Abby dahil malaki raw ang kinita namin. Pagkaayos namin sa mga gamit ay binilang niya agad ang kita. Hindi na ako nakisawsaw at pinanood nalang ang mga taong dumadaan. Pagka mamaya ay tinapik niya ako at inabutan ng 100 peso bill.

BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...