"Dumating na pala kayo."
He answered, siguro para may masabi lang. Tinigil ni Gab ang pagtapik-tapik kay Anitha.
Inangat ko ang binti ko at pinatong doon ang braso ko.
"You okay?" tanong ko. Sandali niya akong tinignan.
"Alam mo na agad ang nangyari?"
"Sinabi sa'min ni Ina."
Tumango siya. "Buti wala ka dito noong mangyari 'yon. Nakakahiya."
Napailing ako. "Naisip mo pang mahiya sa lagay na 'yon?"
Tumawa lang siya. "Dumating na ba sina kuya Ikoy?"
"Bakit? Nasa'n ba sila?"
"Ah, hindi pa." sagot niya sa sariling tanong. Bahagya akong natawa.
Silence feed us next.
"May I ask about your mom?"
Mabilis siyang sumagot. "Hindi ko kilala ang nanay ko."
Kumunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo eh..." kusa akong natigilan nang may pumasok sa isip ko.
Kapatid nga pala nila si Gab sa ama!
"I'm sorry, nawala sa isip ko."
Tumango siya. "Pero kung may gusto kang itanong tungkol sa kanya, ayos lang din."
Pinag-isipin ko kung magtatanong pa ba ako, at um-oo ang isip ko sa huli.
"Itatanong ko lang kung galit ka rin ba sa kinikilala mong mama ngayon, lalo na sa ginawa niyang pagsulpot kanina."
Natawa siya ng bahagya. "Galit? Hindi. May utang na loob pa rin naman ako sa kanya sa pagpapatira niya sa'kin dito kahit anak ako ng asawa niya sa labas. Pero kung itatanong mo kung masama ang loob ko, oo ang sagot doon. Alam ko wala akong karapatang mainis sa kanya dahil hindi ko naman siya nanay pero sumasama talaga ang loob ko sa kanya dahil sa ginagawa niya sa mga kapatid ko." sandali siyang huminto at tumawa na naman. Parang hindi niya mailabas ang inis sa loob niya kaya dinadaan nalang niya 'yon sa pagtawa. "Kingina kasi, okay lang sana na sumulpot siya, pero 'yung naka-postura? 'Yung sa sasakyan siya bumaba imbes na tricycle at 'yung nakabestidang mamahalin siya imbes na tshirt at pantalon, puta ano 'yon? Naagaw niya yung atensyon ng lahat eh. Tapos noong lumapit siya sa'min, kung makapagkumbaba siya ganon nalang. Kung sinsero talaga siya sa paghingi ng tawad, hindi siya susulpot ng ganoon at gugulatin kami. Iisipin dapat muna niya ang magiging reaksyon namin."
Medyo nagulat ako sa mahabang litanya niya. Hindi ako makasagot dahil wala akong maisip na sabihin.
BINABASA MO ANG
Never Again
RomantizmComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...