Alexi Marie Angeles
Hindi ko napansin ang paglipas ng araw sa pagtira ko sa bahay na ito.
Eksaktong isang buwan na simula nang kupkupin ako ng magkakapatid na De Guzman. Isang buwan simula nang umalis ako sa'min. Isang buwan na pero hindi pa rin ako nakakauwi. Hindi ko alam kung manlulumo ba ako o matutuwa na hanggang ngayon, hindi pa rin ako hinahanap ni daddy.
Gumising ako nang umagang iyon pero wala pa akong balak na bumangon. 4am palang pero halos gising na ang magkakapatid, alam kong dapat na rin akong bumangon pero walang wala akong ganang. Nilingon ko si Anitha sa tabi ko, tulog na tulog pa ang bata, hangga't hindi siya nagigising, hindi na muna ako bumangon.
"Ingat kuya Ikoy, Intoy." rinig kong paalam ni Aliana sa kanila. Hindi pa man sumisikat ang araw nagtatrabaho na sila, hanggang sa lumubog ang araw nasa trabaho pa rin sila. Maging si Abbigail at Gabriel ay nagtatrabaho pero parang kapos na kapos pa rin sila. Hindi ko maintindihan at ayaw ko nalang magtanong kasi baka iba ang maging labas sa kanila.
Kapag nakauwi ako sa'min, sasabihin ko kay daddy na bigyan niya ng scholarship sina Aliana, Heidie, Carl at Nathan, sila kasi ang nag-aaral ngayon sa pamilya nila. Pati na rin pala si Intoy at Abbigail. Hindi magiging mahirap para sa kanya iyon lalo na't stockholder siya sa Amethyst High at ang shares niya ay hindi biro.
Sasabihin ko ring bigyan ng maayos na trabaho sina Ikoy at Gabriel. Irerequest ko iyon, kahit na ang kapalit pa eh ang pagtanggap ko sa Livia niya. Iyon nalang ang pwede kong maging bayad sa pagpapatira nila sakin dito. Aware naman akong nakakadagdag ako sa expenses nila. Tapos hindi naman ako nakakatulong dito maliban sa pag-aalaga kay Anitha at magtingin kina Nathan habang wala pa ang magkakapatid. Ang gaan na bagay lang no'n kumpara sa ginagawa nila.
Sa pagkakaisip sa magulang ko ay may naramdaman akong kirot sa dibdib ko.
Daddy... I miss you, and mom too. Do you feel the same too?
Sumikip ang dibdib ko at nag-init ang sulok ng mata. Agad kong pinigil ang sarili. No way, I won't cry, I mustn't.
Kung ngayon ako manghihina, paano na sa mga susunod na araw?
"Aydi bihisan mo na 'yan si Kaloy. Ala singko na naman, jusko."
"Ate may babayaran kaming project mamaya." si Heidie.
"Anong project 'yan?"
"Sa science 'yon eh, ambagan. Thirty pesos, ate."
Nakinig lang ako sa kanila.
"Trenta? Hala dapat sinabi mo kay kuya Ikoy. Pambaon lang natin yung nandito eh. Nakabudget na yung sa pagkain."
"Eh ate, makakapagsalita ka pa ba matapos mag-away na naman ni kuya Gaboy at kuya Ikoy kagabi?"

BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...