Una sa lahat pasensiya na ilang buwan uli bago ako makapag-update. Believe me every tuesday sinusubukan ko talaga siyang isulat kaso hindi ko matapos. Second, sorry uli kung wala munang update next week, hindi ko pa naisusulat ang kasunod. Third, sorry kung medyo lame itong chapter, babawi ako sa kasunod, hehe.
__________________________
May alinlangan na lumapit ako kay mom, siya naman ay ngumiti sa'kin nang makita ako.
"M-Mom? I thought hindi ka pupunta?" iyon ang sabi niya sa'kin, na hindi siya pupunta dahil alam niyang nandito si Livia. Kaya bigla akong kinabahan ngayon.
"Naisip ko na maraming magtataka kung hindi nila ako makikita sa sariling party ng asawa ko, so at the last minute, I decided to attend. Now, where's your dad?"
Unconsciously ay napalingon ako sa pwesto ni dad, pero bago ko pa siya maabot ng tingin ay nadaanan ko ng tingin sina Ikoy at Abby, pareho silang nakatingin kay mom and they have an unreadable expression on their faces. Ang kay Abby ay may halo pang takot. Pakiramdam ko iisa ang tumatakbo sa isip namin ngayon.
Baka magkaroon ng gulo.
Ibinalik ko kay mom ang paningin at mas lumapit sa kanya.
"Mom, the mistress is here," I informed her though alam kong she's well aware naman. Sa paglapit ko sa kanya ay may faint alcohol smell akong nalanghap dahilan para mas lalo akong kabahan.
Nakainom siya!
"Good." she answered nonchalantly dahilan para mas kabahan ako.
"You're not gonna cause any trouble, you are?"
Nilingon niya ako at nginitian. "The trouble is already here, sweetie." aniya at kasabay ng pagtanaw niya sa malayo ay ang paglaho ng ngiti sa mukha niya. "I'm gonna just shoo her away."
Bigla niya akong nilampasana at wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya ng tingin habang iniisip kung anong ibig niyang sabihin. Nilapitan niya ang pinakamalapit na lamesa kung saan nandoon ang kamag-anak namin sa side ni dad.
Si Ikoy at Abby ay nilapitan ako.
"Iyon ang mama mo, ate?" tanong ni Abby na nakasunod din ng tingin kay mom.
Wala sa sariling tumango ako saka nilingon si Ikoy.
"Kailangan nating bantayan sina mom. Baka anong mangyari kapag nagkaharap sila ng mama mo. What scares me is, she might cause trouble." binalingan ko si Abby. "Abby, balikan mo muna uli ang mama mo. Pupuntahan ko si dad para sabihan siyang nandito si mom."
Akmang pupuntahan ko na si dad nang pigilan ako bigla ni Ikoy.

BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...