Chapter 25

70 5 0
                                    


GAYA ng sinabi ni Ikoy, kinabukasan ay pinakita kong okay na ako. Nagtanong sina Abby at Gab kung anong nangyari sa'kin kahapon pero hindi ako nagsabi ng totoo. Syempre mahirap ipaliwanag sa kanila ang tungkol doon. Thankful nalang ako na nang magkwento ako kay Ikoy ay inintindi niya ako at hindi nangjudge.


Ilang araw lang ay tuluyan nang nawala sa isip ko ang aksidente kong pagkakakita kay Myco, nawala iyon sa isip ko dahil na-occupy ng upcoming first birthday ni Tinay ang atensyon ko.


In a week ay first birthday na niya and her brothers and sisters wanted to throw a party, hindi naman daw kailangang bongga, ang importante iyong mag-eenjoy ang mga kapatid nila.


Kami ni Ina ang umaasikaso sa expenses. 5000 thousand lang ang budget nina Ikoy, para sakin ay barya lang 'yon at kung ibabase sa party na alam ko, pang-tubig palang ang 5k. Pero malaking pera na iyon para sa kanila at kung mababudget daw ng maayos, magkakasya ang pera.


Hinati namin ni Ina ang pera, ang 3k ay mapupunta sa pagkain, ang 2k ay sa ibang kailangan bilhin katulad ng mga pa-prize para sa palaro, giveaways na kahit mumurahin lang daw, at iba pa. 


"3pm na Abby, usually ay paubos na ang mga saging sa ganitong oras. Pero bakit parang marami kang nakaimbak ngayon?" puna ko nang mapansin magsasalang na naman siya ng another batch ng banana cues. Nagtaka lang ako dahil akala ko ay huli na ang kanina, paubos na nga iyon sa bilao eh.


"Nagdagdag ako ng binili ate, alam mo na kailangang kumita ng ekstra ngayon pandagdag gastusin. Tiwala naman akong mauubos 'to eh."


"Ganoon."


"Oo, eh okay lang bang gabihin tayo ng uwi para ipaubos 'to?"


"Got no problem with that."


Nahinto kami sa pag-uusap nang may bumili sa'kin.


"Alam mo ate kinakabahan na naiexcite ako."


"Saan naman?" tanong kong sandali lang siyang sinulyapan.


"Sa birthday ni Tinay."


"Ha? Bakit ka maiexcite o kakabahan eh hindi mo naman birthday 'yon?" I tried my very best para hindi magtunog rude iyon.


"Kasi unang beses 'to na magpaparty kami. Tapos walang tulong ng magulang. Nakakakaba kasi iniisip ko kung magiging maayos ba ang kakalabasan neto. Tapos nakakaexcite kasi, hindi ko alam, basta excited ako."


Natawa ako. "Ikalma mo muna ang sarili mo, may isang linggo pa bago ang big day."


Hindi niya pinansin ang paalala ko. "Naisip ko kung uuwi ba si mama." napalingon ako uli sa kanya. Nakatutok sa kumukulong mantika ang paningin niya pero parang wala naman doon ang atensyon niya. "May parte sa'kin ang gusto siyang makita para makumpleto ang birthday ni Tinay, pero may parte ring natatakot ako na baka nga magpakita siya bigla. Nahuhulaan ko kasing kapag nangyari iyon ay masisira ang sana ay maganda na araw. Hindi matutuwa sina kuya Ikoy na makita siya. Kahit naman ako, siguro hindi rin ako ganoong matutuwang makita siya."

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon