Chapter 3

176 10 12
                                    


Alexie Marie Angeles


"A"

"Iy."

"Mali. A."

"Eiy."

"B"

"Bi."

"C"

"Si."

"D"

"Di."

"E."

"Eh."

"E"

"Ee."

"F"

"Ep."

"Kaloy, ang bulol mo."


May mahihinang bulungan akong naririnig na parang kumikiliti sa tenga ko. Hindi ko pinansin iyon dahil sa antok na antok pa ako. 


Alam kong nakatulog uli ako pero maya maya pa naalimpungatan uli ako dahil naman sa masilaw na bagay na nasa ceiling ng kwarto ko. Pinilit kong mag-iba ng pwesto ng higa pero nanakit bigla ang balakang at buong katawan ko sa unang pagkilos palang na ginawa ko. Doon tuluyang nagising ang diwa ko. Silaw na nanggagaling sa ceiling ang una kong nabungaran. Wala sa wisyo na umupo ako bigla.


Saka ko lang malinaw na nakita ang paligid ko. Nasa sahig ako na karton at manipis na kumot lang ang sapin. May maliit na electric fan sa paanan ko pero hindi naman bukas. Ang dingding na kulay brown ay gawa sa lawanit at halatang lumang luma na.


Saka pumasok sa isip ko lahat ng kalokohan ko kagabi... o kaninang madaling -araw. Lumayas ako. Naligaw. Nanakawan. Ngayon... nakikibahay.


Nahinto ako sa pag-iisip nang may humawi sa kurtinang pinto. Napalingon ako at mula doon ay isang batang babae ang lumitaw. Nahinto ang akma niyang pagpasok nang magkasalubong kami ng tingin.


Mula sa likod niya may isang babae pa ang lumitaw, mas matanda siya kesa sa batang babae na lumitaw. Nang makita niyang gising na ako ay napalingon siya sa mas bata.


"Aydi, ginising mo?"


Napalingon sa kanya ang mas bata.


"Hindi ah, kusa na siyang gising."


Tumayo ako dala ng hiya sa kanila. Kahit hindi ako tumingin sa orasan, alam kong mataas na ang sikat ng araw.


"Hindi niya ako nagising." sagot ko sa mas matanda. Bigla ay nakaramdam ako ng panlalagkit. "Pwede makiCR?" nahihiya kong tanong ko sa malat na boses.


Kakasigaw ko ata kaninang madaling araw kaya nagkaganito ang boses ko.


Tumango ang babae saka sinabihan ang mas bata na samahan ako sa CR, which the younger heeded, itinuro niya kung nasaan ang CR.


Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon