Chapter 21

71 6 2
                                    


"Bakit ganyan ka makatingin kay Intoy?"


Napalingon ako kay Ikoy dahil sa pagbulong niya sa tenga ko. Mabilis din akong napalayo dahil ang lapit ko sa kanya. Nagkusa siyang umupo ng maayos bago ko pa siya sabihan.


"Ano lang..." sinulyapan ko uli si Intoy sa likod. Ang pangit namang pakinggan kung sasabihin kong nakita ko na ang magandang feature ng kapatid niya, at na alam ko na kung paano palalabasin 'yon. Ang weird lang kung ganoon ang isasagot ko. "Nagtataka lang ako kung anong ginagawa niya." humarap ako sa kanya. 


"Nagtatawag ng pasahero, tignan mo may sumasakay na paisa isa."


Hindi ko na kailangang tignan dahil nakita ko na kanina. 


"So ano ba talagang trabaho mo? I thought you were delivering newspaper, akala ko rin nagtitinda ka ng taho. Akala ko rin nagtitinda ka nung ano... 'yung sisiw--"


"Balut?"


Tumango ako. "Right. Tapos akala ko rin kargador ka, so ano ba talaga? Driver?" tumawa siya. "Sagot ang kailangan ko, hindi tawa."


"Lahat 'yon trabaho ko."


I muttered a what


"Sa umaga tagahatid ng dyaryo, umeekstra sa karinderya ni aleng Betty minsan, kapag mamamalengke siya at kilo kilo ang bibilhin niya, sinasama niya ako sa kanya. Tapos no'n babayaran niya ako sa pagdadala ng mga pinamili niya. Tapos sa hapon magtatawag na ako ng pasahero..."


"Katulad ng ginagawa ni Intoy?" singit ko.


"Oo. Sampung piso rin ang bayad twing makakapuno kami ng isang jeep."


"Isang jeep 'yon, sampu lang?"


"Oo. Tapos kapag pagabi na, doon na ako iikot para maglako ng penoy, balut."


Once again ay nakaramdam ako ng paghanga sa kanya. Tao pa ba siya?


"Sabi mo nagtataho ka rin."


"Ah minsan 'yon. Madalas kay Intoy trabaho 'yon."


"Don't tell me na 'yung trabaho mo iba pa sa trabaho niya?"


"Hindi kami parehas ng trabaho, minsan lang nagkakasama. Katulad sa mga ganitong panahon."


"Tapos malaki rin 'yung kita ni Abbi sa pagtitinda ng pagkain. Wow. Hindi kayo mahirap." nasabi ko. Imagine, him alone may tatlo o higit nang trabaho, I'm sure kumikita siya doon. Si Intoy at Abbi meron din. Hindi sila naghihirap. 


"Mahirap pa rin kami. Kahit gaano pa karami ang trabaho ko, o kahit gaano kalaki ang kinikita namin bawat isa, wala pa rin 'yon sa dami ng gastos at mahal ng mga bilihin."

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon