Chapter 14

122 6 1
                                        


August 09, Wednesday.


Nagising ako dahil sa mahinang tapik sa binti ko. Pagmulat ko ng mata ay nakaupo sa gilid ko si Abbi. Nag-quiet sign siya saka tinuro si Aliana na may hawak na plato, hindi ko alam ang laman no'n, may hawak din siyang lighter at hindi ko alam ang gagawin niya doon.


Napaupo ako.


"Ano 'yan?" pabulong kong tanong kay Abbi na nakatingin sa cupcakes pala na nasa plate. 


"Birthday ni Aydi." nakangiti niyang sagot. Saka ako napatingin kay Heidie na tulog na tulog pa. Anong oras pa lang naman ata kasi, kahit ako ay inaantok pa.


"Baging ikaw nga, hindi ko masindihan." si Ina kay Abbi. Dahan dahan silang nagpalit ng pwesto para hindi magising ang isa man kina Anitha at Heidie.


Nasa tabi ko na ngayon si Ina, si Abbi naman ang sumubok na sindihan ang 9 candles na nakatusok sa 9 cupcakes. 'Yung candles na ginamit nila is yung special candle na pangcupcake talaga.


"Taon taon kahit papaano lagi namin 'tong ginagawa sa mga bata..." si Ina maya-maya. Nakatingin siya kay Heidie. "Para kahit papaano maramdaman nilang bata sila. Syempre ang mga bata mahilig sa sorpresa di'ba?" tumango nalang ako, unable to say something. "Ikaw ba ate taon taon kung magselebra ng birthday?"


"Ako?" napaisip ako, saka tumango. "Oo. Pero most of the time I am celebrating it alone."


"Ha? Edi malungkot 'yon?" singit ni Abbi na nakatingin na rin sa'kin.


"Hindi na rin naman, nasanay na eh."


Hindi na sila nakasagot nang masindihan na ni Abbi lahat ng kandila. Pumwesto siya sa gilid ni Heidie, si Ina naman sa paanan. Ako nanatili lang sa pwesto ko sa higaan. Ginising nila ang bata at ilang sandali pa ay pupungas-pungas na itong umupo.


Nagsimulang kumanta ng Happy Birthday song sina Ina at Abbi. Napako ang tingin ng gulat na si Heidie sa candles ng cupcakes niya. Ngumiti siya ng malaki habang nakatingin doon at ang liwanag ng kandila nagrireflect sa mata niya. 


Her eyes are so alive.


Kung may camera lang ako sa tabi ko ngayon, baka kinuhanan ko na siya ng picture, ang mata niya ang ipo-focus ko. 


Natapos ang kanta, blinow ni Heidie ang candle, sandali siyang nagwish bago gawin iyon. Nakangiting nanonood lang ako sa kanila.


Naisip ko, kung may kapatid ba ako mararanasan ko rin ang ganyan?


I dismissed the question in my mind.


"Happy birthday, Heidie." pabulong kong bati katulad nila, iniiwasan kasi naming magising si Anitha. Maya maya pa ay sumilip si Ikoy at Intoy sa kwarto namin, binati at hinalikan nila si Heidie sa ulo bago sila umalis para magtrabaho.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon