"Kaano-ano po kayo ng patient?"
Nurse asked Ikoy, kaming tatlo nina Abby ang nagtakbo kay Anitha sa ospital habang naiwan sina Ina para bantayan ang mas nakakabata nilang mga kapatid.
"Kapatid ko po." sagot niya, to say that he's worried is an understatement, kulang nalang ay magkulay papel ang mukha niya sa kaba niya ngayon.
Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko.
Tinignan kaming dalawa ni Abby ng nurse saka niya binalik ang tingin kay Ikoy.
"Wala ba kayong parent na kasama?"
"Kami ang guardian nung pasyente, wag ka nang maghanap ng iba, nurse. Kumusta ang kapatid ko?" iritadong tanong ni Ikoy. Gusto ko siyang sawayin sa rude na pakikipag-usap niya sa nurse na mukhang intern sa emergency na 'to pero mas gusto ko na agad na marinig ang sagot ng nurse sa tanong niya.
"A-Ah sir, maya maya po ay pupuntahan kayo dito ni doc, siya na po ang magsasabi sa inyo ng condition ng kapatid niyo. For now ay paki-fill up-an nalang po ito."
May inabot siyang papel at ballpen kay Ikoy. Inabot ni Ikoy kay Abby iyon kasama ng ballpen. Si Abby ang nag-fill up ng necessary infos sa papel. Nanginginig ang kamay niya habang nagsusulat. Gusto ko saang akuin ang bagay na 'yon pero payuko ko sa kamay ko, nanginginig din iyon.
Pare-pareho kaming nag-aalala para kay Anitha.
Chineck ko si Anitha na ngayon ay kinakabitan ng swero. Pagdating namin ay may nag-assist naman agad sa kanya at nagcheck ng kondisyon niya. May nurse ring lumapit at nagtanong ng nangyari at kung bakit namin siya sinugod sa ospital.
Maya-maya ay pedia na ang tumingin sa kanya, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil pinauwi kami ni Ikoy, pinapunta na raw niya si Gab sa ospital at pinauwi na rin si Intoy para may makasama sina Ina sa court. Mariin kaming tumatanggi ni Abby pero hindi siya nakinig. Gusto kong magmatigas at magpa-iwan pero nang makita kong pagod na rin siya, hindi na ako nagmatigas at pinursuade nalang si Abby na umuwi na. Marami nang problema si Ikoy at kahit man lang sa pamamagitan ng pagsunod nalang sa sasabihin niya ay makabawas kami sa isipin niya.
Mga bata lang ata ang nakatulog nang gabing 'yon. Hindi ko alam kung anong iisipin buong magdamag, hindi ko man kapatid si Anitha biologically pero I love and care for her in all aspects.
Pareho kaming lutang ni Abby habang nasa pwesto kinabukasan pero kahit ganoon ay pinilit naming gawin ng maayos ang trabaho namin dahil kailangan naming kumita.
We both can't wait to have the day done. Gusto na naming makauwi para makibalita kung ano nang nangyari sa ospital. Wala kaming means para macontact sila. Phones lang nina Ikoy at Gab ang nakaligtas, ang kay Abby at Ina ay kasamang nasunog.
6pm nang magdecide kaming magsara na. Hindi pa ubos ang paninda pero dinala nalang namin 'yon para pangmerienda ng mga bata.
![](https://img.wattpad.com/cover/42000281-288-k202267.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...