Alexi Marie Angeles
Buong araw inalagaan ko si Tinay, sa limang araw kong pagtira dito, kahit papano natutunan ko na ang mag alaga ng bata. Mahirap at hindi pa nasasanay ang katawan ko kaya naman gabi gabi nanakit ang braso ko dala ng buong araw na pagkakarga. Siguro ilang araw pa at kusa nang masasanay ang katawan ko.
But right now I need a whole body massage, badly want to have one.
Sunday morning. Nagising ako dahil sa kakaibang amoy ng parang prito. Tumayo ako just to find out that I overslept. Okay lang naman siguro since it's sunday today at walang pasok sina Ina. Lumabas ako at sandali pang nanibago dahil lahat sila nandito sa bahay. When I said 'lahat', I'm referring to the siblings. Kumpleto sila kahit na sina Ikoy at Intoy.
"Morning."
Mabilis akong napalingon sa kaliwa ko, nandoon si Ikoy. Alangan akong nag-greet back.
"Wala kayong pasok?"
"Linggo kaya pahinga muna. Tara kain na." nauna siyang maglakad pa-lamesa.
Sumunod ako at nadaanan ko sina Ina sa sala, bihis na bihis sila.
"Saan kayo pupunta?"
"Magsisimba. Sama ka, 'te?"
Umiling ako at ngumiti. I don't do churchgoing. Hindi namin nakasanayan though Catholic kami.
"Alex, almusal na." tawag ni Ikoy kaya lumapit na ako sa lamesa, tinawag niya ako eh.
Doon may fried rice and...
"Kumakain ka ng tuyo?" tanong niya nang mapansin na nakatingin ako sa payat na isda. "Tuyo 'yan, alam mo 'yon?" tanong pa niya.
Tumango ako. Alam ko naman ang tuyo, hindi ko lang alam na ganyan pala ang itsura no'n sa personal. Payat siya. Kumuha ako ng isa at sinubukang kurutin 'to. May kaliskis pa pero bukod doon halos wala akong makurot.
"Anong ginagawa mo?" napatingin ako kay Ikoy na nakakunot ang noo habang nakatingala sa'kin.
Saglit ko rin siyang tinignan.
Dahil sa eye contact na 'yon in day broadlight, napansin ko ang mata niya. Itim na itim iyon, bagay na ngayon ko lang napansin.
Ilang sandali pa at nag-iwas ako ng tingin. Umupo ako sa upuang nasa harap niya saka kinuha ang bunot ng isda saka inangat, "Alam mo matagal na akong napapaisip dito eh," bahagyang umarko ang kilay niya habang nakatingin sa gagawin ko, "Anong nakukuha niyo sa isdang 'to? I mean, bukod sa kaliskis at tinik, ano pang meron dito?"
Tinignan ko ang magiging reaksyon niya. Expected ko nang maooffend siya pero hindi, ngumisi lang siya saka kinuha ang ulam sa daliri ko.

BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...