Chapter 24

75 6 1
                                        


KUMILOS ako nang wala sa sarili. Right at the moment, pakiramdam ko ang lapit lapit ko lang sa bahay ko... sa Laguna. At dahil iyon sa nakakita ako ng taong pamilyar sa'kin. Maulap ang isip ko dahil sa nangyari kani-kanina lang. Pinipilit kong umakto ng normal para hindi ako mahalata ng mga kasama ko pero ang hirap panindigan ng pagiging normal lalo na't twing may kumpol ng students ang dadaan ay kung hindi napapatalikod ay yumuyuko ako... at sa mata ng makakakita sa'kin, walang dahilan para bigla kong gawin ang mga 'yon.


Ang awkward ko tuloy tignan.


"Mag-ayos na tayo." si Gab maya maya.


"Tingin ko rin, kaunti nalang ang tao eh oh."


Sa wakas! I shouted mentally. Kasi kung tatagal pa kami dito ay baka bigla na akong ma-heart attack, hindi matigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko twing may lalaking madadaanan sa pwesto namin, pakiramdam ko lahat iyon si Myco. 


"Tara na." aya ko at kumilos na kami para magligpit. Yumuko ako at pinulot ang mga basura sa gilid katulad ng empty bottles, banana cue sticks at plastics na hindi maayos na nailagay sa garbage bag. Ang sabi kasi ng guard samin kanina ay wag mag-iwan ng bakas.


Naramdaman ko nang may taong tumigil sa gilid ko, sa peripheral vision ko ay may binti akong nakita. 


"Ay wala na kayong banana cue?" tanong ng boses mula sa likod ko. Ang balak kong pagtayo ay biglang naudlot.


Natigilan ako sa pwesto ko.


"Ay ate ganda wala na po." sagot ni Abby.


"I told you, Coleen. Nakita nang nagliligpit na sila."


Parang dinaganan ng mabigat na bagay ang dibdib ko, bigla ay nanlambot ang tuhod ko pero hindi naman ako makakilos dahil kilala ko ang mga nasa likod ko, at hindi ko gustong makita nila ako.


"Ay ganon, sige thank you nalang."


Naramdaman ko ang pag-alis nila, hindi ko na hinintay na makalayo sila bago tumayo. Napatukod ang kamay ko sa lamesa nang maramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko.


"Ate Alex nakita mo ba sila? Hala ang gaganda, nakakainggit... ate Alex?" hindi ko nagawang lingunin si Abby. "Huy namumutla ka?"


Hindi ko sigurado kung sino pero may humawak sa braso ko.


"May sakit ka ata, kanina ka pa eh. Tara, uwi na tayo."


Nakaramdam ako ng mahinang hila sa braso ko, napalingon ako sa may hawak no'n. Si Gab. Pinigil ko siya, kunot noong tumingin siya sa'kin.


"Ano..." magaan kong inalis ang kamay niya sa'kin. "Tingin ko kaya ko nang umuwi mag-isa..." nilingon ko si Abby, sa'min siya nakatingin, bahagyang nakakunot ang noo pero halatang nag-aalala. Ngumiti ako sa kanya bago binalik ang tingin kay Gab. "Kaya ko na, tulungan mo nalang si Abby."

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon