Jericho De Guzman
Kapag laki ka sa lansangan, kabisado mo na bawat galaw ng mga tao. Isang pasada lang sa mukha nila, masasabi mo na kung paano ang likaw ng bituka no'n.
Parang iyong lalaking nakabunggo sa akin kakatakbo, sigurado pa sa pusta ko sa sabong, magnanakaw ang isang 'yon.
At itong babaeng kasabay kong bumagsak sa lupa, malamang sa malamang, siya ang kawawang nanakawan.
Sanay na ako sa gano'ng tagpo. Hindi na bago sa paningin ko ang ganitong senaryo. Kinalakihan ko na ang kalsada at kinasanayan ang maduduming gawain dito. Kaya kahit mukhang walang muwang 'tong babaeng nakadapa sa harap ko, ni hindi man lang ako nakaramdam ng kaunting awa sa kanya.
Mas dapat akong maawa sa sarili ko dahil sa sobrang hirap ko, wala akong silbi kahit sa manggagantso.
"Nanakawan ako kuya!" Sigaw niya sa mukha ko na para bang hindi ko alam ang bagay na 'yon.
Eh kaso, anong gusto niyang gawin ko? Habulin ko 'yong magnanakaw para sa kanya? Lul. Ako ang madadale no'n kapag nagkataon. Siguradong sa oras na tulungan ko 'to, babalikan ako nung gago.
Hindi ko siya matutulungang mabawi ang gamit niya pero may kung ano sa babaeng 'to na napa-oo ako na tulungan siya sa ibang paraan.
***
"Kuya, tignan mo 'to."
Nagpapalamig ako sandali sa isang tabi dahil sobrang init ng panahon at nakapila pa naman ang jeep na ipapasada ko nang lapitan ako ni Intoy tangay ang isang selpon.
Napaayos ako ng tayo saka tiningnan siya ng masama.
"Hoy saan galing 'yan?"
"Tang... hindi ko tinakbo 'to, kuya! Kay Balong 'to." Depensa agad niya sa sarili.
Medyo nakahinga ako ng maluwag. May tiwala naman ako sa kanya pero may mga kaibigan din kasi siyang kung hindi estapador eh snatcher, ano bang malay ko na sa kakasama niya sa mga 'yon eh naimpluwensiyahan na siya. Wala pa naman siyang matinong selpon.
"O, anong meron dyan ngayon?" Tanong ko kasabay ng pagpapaikot ng twalya sa kamay ko para magkaroon ng hangin kahit papaano.
Kapag ako yumaman ipapa-erkon ko buong Pilipinas. Ang init, kingina.
Mag-aalas dos palang at bukod sa napaka-init, mabagal ang usad ng pila ng jeep dahil hindi pa rush hour at iilan pa lang ang mga nagsisipag-uwian na estudyante, nataon pang Sabado.
"Eto nga, tinanong kasi ako kung sino ba daw 'yong kasama ni Baging sa pwesto na babae, edi sinabi ko pangalan ni ate Alex, maya-maya pinakita sa'kin 'to. Tignan mo dali."
Tiningnan ko na rin kung ano ba 'yon at sandaling naningkit ang mata ko bago maayos na nakita kung ano ang nasa selpon.
BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...