Chapter 18

101 7 6
                                        


PAWIS na dumidikit sa braso ko galing sa kung kani-kaninong nakakasalubong ko. Init ng katawan ng mga tao. Maingay na lugar. Parang gusto ko nalang biglang mahimatay para makalabas sa lugar na 'to na tinatawag na Divisoria.


Hinigpitan ko ang hawak ko sa braso ni Ikoy, kung maraming tao sa Quiapo kanina, parang mas doble pa no'n ang nandito ngayon sa Divisoria. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito, at kung bakit pa ako pumayag sa aya niya.


Malay mo naman ba kasing ganito dito.


"Ikoy..." tawag ko sa kanya. Matagal bago siya lumingon. "Uwi na tayo." nakasimangot na ako. Ayoko na talaga.


Pero parang hindi naman niya ako narinig. Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad. Pinisil ko ang braso niya.


"Ikoy ano ba?"


"Kung ngayon palang nagrereklamo ka na, hindi ka na dapat umasa na papayagan kitang magtrabaho." hinila niya ako sa isang sulok, sa pagitan ng isang stall at isa pang stall. "kasi hindi ka tatagal."


Hindi ko alam kung iirap o sisimangot. Hindi ko rin alam kung mangangatwiran pa ba o mananahimik nalang.


"Ano, uuwi na ba tayo?" tanong niya. Nakasimangot na umiling ako. "O ba't nakasimangot? Ano ba talaga?"


Napatingin ako sa kanya. "Nagagalit ka na ba sa'kin?" sa tono kasi ng pananalita niya ay parang naiirita na siya. Nakakagulo ba ako sa oras niya? Dapat kasi ay wala naman talaga kami dito ngayon. Dapat ay nagtatrabaho siya at ako ay nasa bahay at nagbabantay. Pero hindi, nandito kami dahil ginusto ko 'to. Tapos ako ang nagrereklamo ngayon. "I'm sorry." napaiwas ako ng tingin. Pero binalik ko uli ang tingin sa kanya nang hindi siya magsalita.


Nakakunot ang noo niya at animo'y nagtataka.


"Anong sinasabi mo?"


"Kung nagagalit ka na, I'm sorry then. Accept that because I seldom say sorry to anyone." I crossed my arms at umiwas ng tingin para pagtakpan ang hiya ko.


I heard him chuckled. Lumipat siya ng pwesto sa likod ko at hinawakan ang magkabilang braso ko.


"Siraulo ka kung minsan ano." bahagya niya akong tinulak para maglakad.


"What?" I snap. Pinilit kong humarap sa kanya pero pinipigilan niya ko, hinihigpitan niya ang hawak sa braso ko.


"Wag mo 'kong idinadaan sa wat sa twing hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko. Hindi ako mag-iingles para lang maintindihan mo 'ko."


"Naintindihan ko ang sinabi mo, moron. Sabi mo siraulo ako, how dare you!" napalakas ang pagkakasabi ko no'n at nilingon ako ng ilang tao.


"Ba't alam mo ba ang ibig sabihin no'n?"


Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon