34

3.8K 104 10
                                    

AS soon as Gerard honked his car as they parked in front of their home, nakita nilang excited na tumakbo papalabas ng entrance ang kanilang mga anak.

"Mommy!" Tili ng mga babaeng anak, habang ang nag-iisang lalaki nilang anak ay yumakap naman sa may balakang ni Shayla.

"Anak, dalawang araw pa lang akong nawala, pero pansin ko, parang tumatangkad ka na ha! At mas lalo kang gumagwapo!" Malambing na hinalikan ni Shayla sa pisngi ang bunsong lalaking anak, at isa isa namang binalingan ang tatlong babaeng anak.

"I look like Daddy!" Proud na sabi ni Drew, at nakipag-fist bump pa sa kanya.

Napatawa siya sa kanyang anak, habang si Shayla naman ay napa-crossarms. "Paano naman si Mommy? Hindi ka ba kamukha ni Mommy?" hirit ni Shayla na kunwari ay malungkot.

"You look like Ate Bree, Ate Gwen, and Milly." Nakangiting sagot ni Drew. "You're all beautiful."

Napatawa silang dalawa ni Shayla sa anak. "Ayos yan, anak. Bata ka pa lang, magaling ka ng sumagot." Natatawa niyang sagot bago inaya ang mga bata at si Shayla sa loob ng bahay. "Tara na sa loob para makapagpahinga ang mommy ninyo." Palihim niyang kinindatan ang mga anak, dahil baka mainip ang mga nasa loob.

His children tried to hide their giggles but Shayla noticed. "Merun ba akong hindi alam?" tinanong nito ang mga bata.

"Tara na..." nagmamadaling sabi niya dahil nakakahalata na ang kanyang asawa. Inalalayan niya si Shayla na pumasok sa loob ng bahay, at duon ay nagulat ito nang makitang nakaabang ang lahat ng mga mahal nila sa buhay pagpasok sa pintuan.

"Surprise!" Sigaw ng mga babaeng barkada ni Shayla, bago nagsi-akapan ang mga ito sa asawa niya.

"Ano bang nangyayari?" natutuwa pero gulat na baling ni Shayla sa kanya. "Anong meron?"

Bago pa man niya masagot ang asawa ay lumapit naman ang mga pinsan nitong mga lalaki, at ang kanyang pinsan na si Pyke, upang bumeso sa asawa.

Tuloy tuloy ang kasiyahan simula sa dinner na ang naghanda ay isa sa mga kaibigan nilang si Jackie. They teased each other and reminisced the old times.

Katulad pa din ng dati, pumupunta sila sa function hall na naka-separate sa mansion nila, at duon ay nagkakantahan sila, matapos kumain. Ang mga anak naman ng kanilang mga kaibigan at pinsan ay nakipaglaro sa kanilang mga anak sa play room.

It was a fun night, just like the old times, he thought. And, he hoped that Shayla enjoyed it as much as he did, because it was, after all, for her.

He was the one who organized this simple dinner, and Shayla was so thankful to her. Kumanta pa nga si Shayla para sa kaniya, kahit nahihiya ito. She sung their wedding song na 'Two Words, I do.'

Siya naman ay lumapit sa asawa upang i-sweet dance ito. Kinuha niya ang inalagay niya ang kamay ni Shayla sa leeg niya. Ang isang kamay niya ay inilagay niya sa likod ni Shayla, at ang isa ay pinanghawak niya sa microphone sa pagitan nilang dalawa. Nag-sweet dance sila habang kumakanta si Shayla, habang naghihiyawan naman ang mga kaibigan nila at sumisipol sa sweet dance nila. Matapos ang kanta ay pinalakpakan pa sila ng mga kaibigan at nagtatawanan dahil tinutukso sila ng ibang mga lalaki na honeymoon na raw ang kasunod non. Binaling naman niya ang panunukso sa ibang mga kaibigan na sina Malik at Jackie dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-aaminan ang dalawa sa nararamdaman ng mga ito. Kinantyawan niya si Malik na kantahan naman daw nito si Jackie, at sport namin si Malik. Kumanta nga ito at ang pinili nitong kanta ay 'Stick Around' ng Azure.

"How many times do I day dream about making love to you..." kanta ni Malik at naghiyawan naman ang mga kaibigan at panay ang tukso kina Malik at Jackie.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon