"Sir, naka-set na po ang lamesa. Sabi ni Ma'am Shayla, lunch is ready na po." Sinabi ng isa sa kanilang mga kasambahay kay Gerard. Narinig naman iyon ng kanyang Daddy at ito na ang nag-aya sa mga kasama.
Gerard and his father guided the guests to the dining room. He was the last to enter the room, and heard their guests complimenting the dining room and it's Victorian designed chandeliers, Red walls, and glass table and chairs with touch of Gold. Ito ang isa sa mga pina-renovate na kuwarto ni Gerard last year dahil regalo niya ito kay Shayla na mahilig sa mga Victorian at vintage na mga bagay.
Mas lalong napa- wow ang mga guests nila nang makita nito ang inihandang set up ni Shayla na parang pang-hotel, with matching soft instrumental musical surrounding the room. Para silang nasa hotel.
He just noticed that it seemed Shayla was making an effort to impress their guests, and he appreciated it. But he thought that it was not necessary, dahil ayaw niya itong napapagod, lalo pa't buntis ito ngayon. Bukod duon ay bahagya pang maputla ang asawa. Alam niyang hindi pa ito nakakabawi sa lahat ng stress na pinagdaanan nito nang mga nakaraang linggo.
Napa- wow pa lalo ang kanilang mga politician na guests sa nakahandang pagkain sa hapag kainan.
Napansin niyang nabago ang menu na nakahanda sa mesa. Naroon pa rin ang dalawang platter ng crispy pata kasama ng sawsawan nito, pero mayroon ng lumpiang sariwa na sigurado niyang inorder ni Shayla sa isa sa mga restaurants malapit sa Tagaytay Highlands, inihaw na puset na may kamatis at sibuyas, Chicken Chopsuey, a choice of curry rice and tinapa rice in different platters, piniritong hipon, at oyster omelette with sweet and sour sauce.
Napatingin siya kay Shayla na ngayon ay nakabistida na, nakalugay ang buhok, at naka-blush on at light Pink na lip gloss.
Napangiti siya dahil nagandahan siya sa asawa, pero nagtaka rin siya dahil hindi naman ito dating pala-ayos sa tuwing may mga bisita sila. Kadalasan pa nga ay nakapusod ang buhok nito, at naka-tshirt at pants lang.
Lumapit siya kay Shayla at umakap mula sa likod.
"Ang bango ng asawa ko, ah. Parang bagong ligo." Bulong niya mula sa likod nito. "Baka mapasma ka..." alala niyang dagdag.
"Maupo ka na nga." Matipid na sagot ni Shayla sa kanya. Alam niyang parang nainis ang asawa sa huling sinabi niya dahil sadyang naligo ito at nag-ayos. At alam niya kung bakit. Dahil ito kay Angela. Marahil ay nahiya ang asawa kanina sa hitsura nito.
Naisip niya tuloy na dapat ay alam na ng asawa niya na para sa kanya ay wala ng mas gaganda pa kaysa dito.
Ngunit, dumaan din sa isip niya that, perhaps, it wasn't really about him. Perhaps Shayla was doing it for herelf, which was what he wanted for her too. Sa tingin niya, Shayla also needed to do that for her own self, because she wanted to feel good about herself, at suportado niya ang asawa rito. It's just that he wanted her to always be her best self, not because of other people, but because she wanted to, and because she was happy looking beautiful, feeling beautiful, and thinking that she is truly beautiful, not only outward but inward too.
Hindi nga lamang niya mawari kung bakit malungkot si Shayla at sinusubukan nitong ikubli ang nararamdaman sa kanya. At sa kanyang palagay ay baka nahihiya itong ipaalam sa kanya ang saloobin nito tungkol kay Angela lalo pa't maaring alam nito na kapag hindi nito gustong magkasama sila ni Angela sa planning ng pagtakbo niya sa eleksyo, ay susunod siya ayon sa kagustuhan ni Shayla. Siguardong tatanggihan niya ang alok ni Angela na pagboluntaryo bilang kasapi sa partido, kahit pa maganda ang lahat ng mga suhestiyon at ideya nito.
NAUPO na ang kanyang ama sa dulo ng oblong na lamesa na may puting table linen at old Gold colored na place mat, at puting table setting. Nagsisunuran naman ang kanilang mga bisita. Si Shayla ay naupo sa dulo, malapit sa kanyang daddy, at siya naman ay tumabi sa asawa upang pagitnaan nila ito ng kanyang ama. Tumabi naman siya kay Angela na medyo ikinagulat niya. Hindi sana niya gustong katabi si Angela dahil napansin niya na medyo touchy ito ngayon. The maids served them Spinach and Tofu soup first. It's one of his favorites and he knows Shayla made an effort na maihabol ito sa lunch menu kaya palihim niyang hinawakan ang kamay ng asawa. Napatingin si Shayla sa kanya, at ngumiti siya dito.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
Fiksi Umum#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY