TININGNAN NI GERARD ANG KANYANG RELO. It was already 6:45 pm, but they were not yet done with the meeting. In fact, they were even going to extend the meeting.
According to his Dad, it was the opportune time, since it was a challenge to find a common schedule for all-- that included him and Percival.
Napabuntong hininga siya dahil naisip niya si Shayla na naghihintay sa kanya sa opisina. He immediately sent her a text message to tell her that the meeting would extend till evening.
Agad na sumagot si Shayla sa text message niya.
"Okay lang, hon. Para hindi ka na mag-alala sa akin, mauuna na akong umuwi. Gusto ko na rin kasi makita ang mga bata. Namimiss ko na sila. Okay lang ba sa'yo, hon?"
Agad naman naman siyang sumagot sa text message nito. " Wait for me. I'll step out for a while from my meeting. Ihahatid kita sa basement one."
Sumagot si Shayla. "'Wag na, hon. Itetext ko si Mang Ed na pababa na ako para i-ready nila yung sasakyan. Balak ko rin sana pumunta ng grocery. Mamimili ng kaunti para sa stock sa ref at sa snack box ng mga bata. See you at home. Love you."
Binasa niya ang text message at agad na sumagot. "Are you sure honey, kaya mo?"
"Oo nga, honey kong makulit. Huwag ka na mag-worry at saka gusto okay din na mauna na ako para mapakapaghanda din ako sa bahay... alam mo na yun...Hihi! Love you. ;-* " Sagot naman ng asawa sa text message.
Nakuha niya ang ibig sabihin ng asawa na paghahandaan nito ang napag-usapan nila kanina. He stopped himself from smiling. He realized that sometimes it would be good that they plan out when they would have their honey time together. It preps them psychologically, and makes them anticipate and excited for that time to come.
"Don't tease me, honey, kungdi iiwanan ko 'tong meeting na'to. Wala ng meeting meeting!" He jokingly answered back.
"He-he-he! Pa-hopia ka talaga, honey!" Sagot naman ni Shayla sa text.
"Pa-hopia?" nagkunot ang noo niya. Hindi niya naintindihan ang text message ng asawa kaya muli siyang nagtext back dito. "What do you mean hopia? Naglilihi ka ba sa hopia?"
Inabangan niya ang sagot ng asawa, nang marinig niyang tinawag ng kanyang ama ang kanyang pangalan.
"Gerard! Percival!" Sita ng kaniyang daddy na patriarch ng pamilya. Nahalata siguro nito na abala siya sa kanyang mobile phone.
Napatigil siya ng ginagawa at bumaling kay Percival na katabi lamang niya. Parang katulad ng mga bata pa sila at kung mapapagalitan ng daddy niya o daddy ni Percival ay kay Percival siya umaasa ng alibi o palusot. Ngunit napansin niya na ito rin pala ay abala sa sarili nitong mobile phone, kaya sila sinita ng ama.
"Nagre-report na ba kayo sa mga asawa ninyo na gagabihin kayo?" seryosong tanong nito ngunit batid nilang may himig pagbibiro ang tanong ni Pres. Ponce sa kanilang dalawa.
"Opo, tito." Percival answered sheepishly.
"Good," poker face na sagot ni Pres. Ponce. "How about you, Ardy?" baling nito sa kanya.
"Yes, Dad." He answered feeling uneasy as all eyes were focused on him and Percival.
"Good." Poker face naman nitong sagot. "Mahirap na, baka ma-outside de kulambo kayo mamaya." Sabi pa nito. "Oo nga pala, ako din magrerepot muna kay First Lady." Pabirong sagot ni Pres. Ponce at bahagyang inayos ang salamin sa mata habang nagtetext ito. Habang nagtetext pa nga ito ay pinaparinig pa nito ang sinasabi sa text message para sa asawa. "Irog... ga..ga..bi..hin ako. Huwag... mo na... akong... hintayin maligo... este... matulog. Miss... na... kita. Muah..."
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
Ficción General#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY