"I can't believe it! Ardy almost poured gravy on Rafa? That is so hilarious!" Natatawang sabi ng cousin in law at isa sa mga best friend ni Shayla na si Rori. Nag-uusap sila over the mobile phone habang papunta siya sa kuwarto ng mga bata. Kagagaling lang nila ni Gerard sa opisina at na-late sila ng uwi dahil inintay niya si Gerard na matapos sa late meeting nito.
"Anong nakakatuwa dun, Rori? Nakakahiya kaya kina Malik at Jackie!" Pabulong na sabi ni Shayla habang dahang dahang inaayos ang kumot ng mga bata. 9:00pm pa lang kasi ay tulog na ang mga ito dahil sinanay talaga niya ang mga anak na ganitong oras ang tulog.
"Although I know na mahirap talaga kapag nagseselos yang mga Ponce boys na yan, I still find it cute that he reacted that way. Diba ang sweet lang?"
"Sweet nga pero nakakaloka pa rin!" Komento niya. "Katulad nga ngayong linggong ito, may conference pala sa Singapore tungkol sa Risk Management and Non-Life Insurance industry, tapos kasama pala ako. Hindi ko pa nasasabi kay Ardy ang tungkol doon..." napakagat labi niyang confession sa matalik na kaibigan. "Yun din yung reason kung bakit ako napatawag sa'yo. Bilang may ari ng Pizzo Non-life Group of Companies, baka naman puwedeng magawan mo ng paraan na hindi ko na kailangan sumama doon..."
"Well, best friend, bilang malakas ka sa akin, I will try my best na hindi ka na kailangan sumama. Pero sa nakikita ko, parang kailangan mo talagang sumama kasi you will learn a lot, meet a lot of people in the non-life industry. But, I've got news for you... I'll be there! We'll get to go shopping!"
"Wow! Good news yan! At least hindi na magseselos si honey kasi kasama naman kita. Baka payagan na niya akong pumunta sa Singapore!" Excited niyang nasambit.
"Aha! So si Ardy pala ang rason kung bakit naghahanap ka ng paraan ma-excuse sa non-life convention." Sabi ni Rori.
"Eh...oo, pero bukod doon, siyempre naiisip ko din yung mga bata..." paliwanag niya habang nakahawak sa pisngi at napabuntong hininga. "First time kong mawawalay sa mga bata ng ilang araw..." alala niyang tanong. "Hay! Nakaka-stress naman yung ganito. Hindi pa nga ako nagpapaalam kay Ardy, tapos maiiwan ko yung mga bata ng ilang araw."
"Kung sabagay ako din nagkakaroon ng anxiety attack kapag napapalayo ako sa kanila, kaya let's arrange na lang something for the kids." Sabi nito at saglit na natahimik. "Oh, I know na!" Masayang sabi ni Rori. "How about... we bring them to Singapore?" Excited na suhestiyon nito.
"Pasensya ka na ha Rori... pati ikaw tuloy nag-iisip ng paraan para mag-work ang ganitong set up para sa 'ken..." nahihiya niyang paumanhin.
"Oh, don't say that, best friend. It's just totally A-okay! Let me just think for a minute while I put lip balm." Sabi nito. "There. I'm all set. Now, here's my solution. What if we ask the school that the kids will take a leave for a day? For a day lang naman yun eh. Friday."
"Pero may classes yung mga bata..." napasuklay siya sa buhok habang nawawalan na ng pag-asa kung ano ang gagawin solusyon sa concern niya.
"It's just 1 day. We will leave Thursday evening and we will be in Singapore by Friday morning. Then we'll come back by Sunday evening."
"Pero sa Thursday ang start ng convention. Male-late tayo ng isang araw?"
"Oh, not to worry, darling! I've checked with baby absy Pykie's secretary and she said that Thursday morning will be the arrival of the participants, introduction on the organizers and welcome to the participants then acquaintance party. So, it's just ok if we don't have to be there on the 1st day. The important part is on the 2nd day because that's the actual conference part." Paliwanag ni Rori.
Pero hindi pa rin siya kumbinsido dahil first time na mangayayari ito na sila ng mga anak ang aalis at maiiwan si Gerard sa Pilipinas.
"Naku, baka hindi pumayag si Ardy..." alinlangan niyang sagot.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
Fiction générale#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY