13

6.6K 118 14
                                    

Shayla woke up earlier than her usual. Napaginipan kasi niya ang nangyari kamakailan nung nalunod siya. Napatitig siya sa mahimbing na natutulog na asawa.  Pinagmasdan niya ang mukha nito at marahang hinawi ang buhok na bahagyang nakatakip sa nakapikit na mga mata nito.

After she almost lost her life kamakailan, at matapos niyang makita ang pag-iyak ng mga anak at pag-aalala ng asawa, mas lalo na niya ngayon pinahalagahan ang buhay. Hindi siya puwedeng gumive up sa buhay, dahil maliliit pa ang mga anak niya, at hindi niya gustong masaktan ang asawa. 

Nakaramdam nga siya ng pagka-guiilty dahil nang nalulunod siya ay mabilis siyang gumive up. Sa isip niya, habang nagdidilim ang paningin niya, nagtatanong na ang isip niya kung gaano kasarap at kapayapa ang pumunta sa heaven.

May naalala siya na animo'y pag-uusap nila ng yumaong ama. Alam naman niya na malabong mangyari yun dahil hindi pa nga siya naisisilang ng ina nang pumanaw ang kanyang ama na si Manoel Pontes.

Huni ng ibon.Ito ang unang narinig ni Shayla nang magkamalay siya. Na-realize niya na nasa may gazebo siya ng bahay na ito Ang gazebo ang pinaka-paborito niyang parte ng bahay nila ng di maalalang pangalan ng kabiyak. Ang gazebo kasi ang lugar kung saan niya muling nakilala ang kabiyak... ang kanayng pinakamamahal na si... Hindi niya matandaan yun' pangalan. Pero kilala niya ito. Pakiramdam nga niya, kilala na niya ito noong sinaunang panahon pa. 

Naputol ang pag-iisip niya tungkol sa pinakamamahal dahil may nagsalita.

"Mabuti't gising ka na." sabi ng guwapong matandang lalaki na nakaputing polo shirt at pantalon.

Akala niya ang ama-amahan niyang si Papai Migoel ang kanyang kausap.

"Kayo po pala..." sagot niya at paupo na sana mula sa hinigaang upuan sa gazebo. Pero na-realize niya na hindi nga pala marunong mag-tagalog ang kanyang kausap na inakala niyang si Papai Migoel kaya nagtaka siya kung bakit ito nagtatagalog. 

Saglit siyang napatigil sa pagbangon sa upuan at napatingin ulit sa kausap. "Marunong na po kayo magtagalog?" nagtataka niyang tanong at nilapitan ang kausap.

Tumawa ito. "Nagulat ka ba na marunong ako mag-tagalog, anak?" Inaya siya maupo sa tabi nito. "Halika nga rito sa tabi ko," anito na nakatawa pa rin.

Sumunod naman siya at bahagya itong humarap sa kanya.

"Ako ang iyong ama." Pakilala pa nito sa kanya.

Pakiramdam niya, parang nangyari na ito dati pero di lang niya maalala. Parang deja vu. Parang sabi rang ng kaibuturan ng kanyang puso na this is a rare moment at kailangan niyang i-grab ang oppportunity while it lasts.  Kaya naman lubos ang tuwa niya sa sinabing iyon ng matandang lalaki at yumakap siya rito.

"Sinusundo mo na po ba'ko? Patay na po ba ako?"

"Hindi pa, anak, kaya  lumaban ka..."

"Pero masarap na makapiling ko na Siya. Hindi ba't dun naman po patungo ang lahat? Patungko sa kanya?"

Napatawa ang kanyang ama at tumango tango. "Totoo. Tama ka. Duon naman talaga tayo lahat patungo kung tinatanggap natin siya bilang ating Diyos at humingi tayo ng tawad sa mga mali nating ginawa ng buong puso. Pero..."

"Pero ano po?" nalito niyang tanong.

 "Maliit pa ang mga anak mo at kailangan ka ng iyong kabiyak.  Mahal mo sila, diba?"

"Sina... " pinipilit niyang alalahanin ang pangalan ng kabiyak at mga anak.

"Oo, sila nga..." nakangiting sang-ayon ng ama. "Mahal mo sila diba?"

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon