EARLIER THAT DAY
"OK, let's go for a bladder break." Sabi ng HR Manager na si Lana na nago-orient kina Shayla at Rafa.
Napagdesisyonan ni Shayla na umalis muna sa room dahil halata naman niya na na nakikipag-flirt si Lana kay Rafa. Hindi rin naman niya masisisi si Lana kung makipag-flirt ito kay Rafa because he is the exact definition of tall, dark, and handsome. Not to mention, single pa!
"Push mo yan, 'te!" Pabulong niyang sambit sa sarili dahil nagpapa-sweet at umaarteng mahinhin itong si Lana kay Rafa, na obvious rin naman na sumasakay sa pangfi-flirt ni Lana.
Alam naman niyang dapat hindi siya maki-alam o maapektuhan dito, pero hindi niya maiwasan hindi mapansin ang pangfiflirt ni Lana, because she reminded her of someone she knows— si Angela. Yung bang pasimple kung lumandi?
Palihim siyang napa-iling sa sarili. Kasi naman kung anu ano ang napupuna niya. She feels guilty when she does that kasi naniniwala siya na bago siya mamintas ng iba, dapat tingnan muna niya ang sarili niyang mga kapintasan at itama ang mga ito.
"Saka nasa Bible din yun eh. Huwag kang mangja-judge ng kapwa mo." Paalala pa niya sa sarili.
Tumayo na lang siya sa kanyang upuan at nag-excuse sa mga ito. Ayaw na niyang panoorin ang mga kasama dahil natutukso lang siyang mangpuna ng kapwa. Nag-excuse siya kay Lana at kay Rafa, tapos lumabas siya ng meeting room at hinanap ang rest room sa floor na iyon.
Nang makita niya ang female rest room sign ay nagmadali siyang pumunta doon at gumamit ng isa sa mga cubicles. Pagkatapos niyang gumamit ng bidet ay hinanap niya ang tissue and wiped herself.
As she did that, she only realized that her underwear was already spoilt kakamadali nila ni Gerard kaninang umaga. She looked for her panty liner from her toiletry kit in her bag, and used it.
She made a mental note to herself na dapat yata sa susunod ay magdadala na siya ng extra underwear, dahil kapag humiling si Gerard ay hindi naman niya ito matanggihan. Ewan ba niya pero she has this feeling na nakakahiyang tumanggi sa asawa. Isa pa, kapag inumpisahan siya ni Gerard, parang naga-awtomatiko rin ang pakirdamdam niya to make love with her husband. Kapag naiisip nga niya iyon ay napapa-iling na lang siya. She couldn't understand why she feels so passionate with her husband. Yung tumutugon siya parati sa lahat ng gawin o sabihin nito. Pero, alam din naman niya ang sagot. Ganuon niya kasi kamahal si Gerard.
Mabuti na lang si Gerard ay hindi naman abusado. Pagdating lang sa pakikipag-make love sa kanya ito abusado... "Actually," she thought. "Hindi naman talaga ganoon ka-abusado. Super spoiled lang!"
Napapatawa siya sa kanyang sariling naisip. "Hay! Namiss ko tuloy 'tong si honey!" Mahina niyang nasambit, nang biglang tumunog ang mobile phone niya.
Kinuha niya ang mobile phone at tiningnan kung sino ang nagtext. Napangiti siya ng mabasa niya na galing iyon sa asawa. Sinabi nitong namimiss na raw siya nito. Agad naman siyang sumagot at kinikilig kilig pa siya habang nagtatatype ng message.
"MISS YOU MORE, HON. SEE YOU NG LUNCH TIME. LOVE YOU SO MUCH!" Sabi niya sa text at pinadala ito. "All caps pa yan para super-super miss you and love you, hon!" Nasambit niya sa sarili na animo'y kausap ang asawa, habang nagsusway sway sa kilig.
Ibabalik na niya dapat ang mobile phone sa bag na nakasabit sa pintuan ng cubicle. Kinuha na niya ang bag, at aalisin na sa pagka-lock ang pintuan, nang may marinig siyang papasok na mga babae.
"Uy, girls! Narinig ninyo na ba ang balita na nandito na raw yung beauty queen na asawa ni Sir GSP?" Narinig niyang sabi ng isa, kaya naman imbis na lumabas ng cubicle ay umatras siya at dahan dahan ulit ini-lock ang pinto.

BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
General Fiction#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY