26

4.8K 127 5
                                    

Nagising si Shayla na wala na sa tabi niya si Gerard. Dahan dahan siyang bumangon at hinanap ang alarm clock. She checked on the time and it was already 8:00am. Nagtaka siya kung bakit hindi siya ginising ng mga anak lalo pa't pag naunang magising ang mga ito ay pinupuntahan siya kaagad ng mga ito sa kanyang kuwarto upang gisingin. Marahil ay sinabihan ang mga ito ni Gerard na huwag siyang gisingin dahil gusto ni Gerard na makapagpahinga siya. Naalala tuloy niya ang pag make love nila kaninang madaling araw. It was one of the best they ever shared lalo na simula nang parang nag-create siya nang nagluksa siya sa pagkawala ng kanyang ina. Pagka-isip sa ina ay kaagad niya itong na-picture sa kanyang isip at nakaramdam ng kirot sa puso. Napakagat labi siya at agad na mariing ipinikit ang mga mata. She reminded herself to control her emotions, and the passing of her mom is a reality in life that she must accept.

Death is inevitable.She reminded herself. At kahit masakit, Mommy is in a better place now. Hindi na siya mahihirapan. Hindi na siya masasaktan. She's happy with Daddy now. And most of all, kasama na niya si Papa God, where we all truly belong.Kumbinsi ni Shayla sa kanyang sarili.

Sige na Shayla.Pakiusap pa niya sa sarili. You have to pull yourself together! Tama na ang pagbe-break down. Alalahanin mo ang baby mo na nasa sinapupunan mo. Malay mo yang nasa sinapupunan mo na pala ang future scientist na magdidiscover ng lunas para sa cancer. Bongga! Matutuwa pa si Mommy niyan sa heaven! She tried to humor herself.

Huminga siya ng malalim bago tumayo ng kama. Saka lang niya na-realize na wala pala siyang saplot na suot. Awtomatikong napatakip siya ng sarili, at dali daling pumunta sa bathroom. Isinara niya ito at napasandal sa pintuan, dahil nakaramdam siya ng pagkahilo. Hindi niya mawari kung dahil ba ito sa kanyang pagbubuntis o dahil sa kulang siya sa tulog.

Saglit niyang hinintay na humupa ang pagkahilo, bago pumunta sa tub para maligo. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang towel at saka namili ng isusuot.

Weekday ba o weekend? Napaisip siya kung ano na nga bang petsa ngayon. Kinuha niya ang kanyang mobile fon na ilang araw na rin niyang hindi tinitingnan at nakitang may 35 messages siya sa inbox. Napakagat labi siya. Sigurado siyang sa mga kaibigan at pinsan niya galing ang mga messages na iyon dahil sa tuwing dadalaw ang mga ito ay sinasabi niyang hindi niya kayang lumabas ng kuwarto. Ayaw niya kasi makipag-usap kahit kanino, kahit pa ang mga kaibigan na mismo ang pumupunta sa kuwarto niya. Matamlay lang niyang kakausapin saglit ang mga ito kaya nagdedesisyon din ang mga ito na umuwi na. Para siyang na-twilight zone dahil tumigil ang mundo niya ng matagal dahil sa pagluluksa niya.

Hindi lang naman mga pinsan at kaibigang matatalik ang shinut out niya. Pati si Gerard at ang mga anak ay hindi niya napagtuunan ng pansin dahil sa pagluluksa niya.  Ngayon ay nakakaramdam siya ng pagka-guilty.

Bumuntong hininga siya sa naramdaman. Pakiramdam niya ay kailangan niyang bumawi sa pamilya.   

Pinindot niya ang icon ng kalendaryo sa kanyang mobile phone upang malaman ang araw ngayon, at nalaman na Sabado ngayon. Katulad ng dati, tuwing fourth Saturday of the month ay may bonding time ang mag-ama from 2:00pm to 6:00pm. Sa umaga naman ang bonding time ng buong pamilya.

She wondered what Gerard and the kids were probably doing by now, and she felt a tinge of sadness. It's been a while since they bonded as a family, dahil mas madalas nga ay nagkukulong siya sa kuwarto at nasa kama lang. It was actually good for her according to her OB since she was undergoing stress, and having contractions, so parang naka-bed rest din siya for that reason... well, aside from the fact that she was depressed and did not want to go out of the bed.  Pero ngayon ay pipilitin niyang ma-normalize ulit ang buhay nila ng kanyang pamilya. Tuwing Sabado ay lumalabas sila ng pamilya. Kung dati ay ito ang araw na bumibisita sila sa kanyang ina at kay Uncle Migoel sa bahay ng mga ito at iniimbitahan ang mga ito na kumain sa labas, ngayon naman ay plano sana niyang dalawin ang ina sa puntod nito, bago pumunta kay Uncle Migoel para imbitahan ito kumain sa labas kasama ni Gerard at ng mga bata.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon