MINSAN MAS MABUTI PANG MANAHIMIK MUNA KESA PAG-USAPAN ANG PROBLEMA LALO NA KAPAG PAREHO KAYONG PAGOD. Ito ang isang bagay na nag-apply sa kanilang dalawa ng asawang si Gerard nang gabing malaman niyang may iba pala itong plano ngayon Saturday.
"Mommy," Bree waved at her face. Hindi niya namalayan na nakatulala pala siya at hindi pa inaayos ang zipper sa gilid ng costume ni Bree.
"Ay, sorry anak!" Mabilis niyang sambit at agad na i-ziniper ang damit ng anak. "Ayan, okay na!" Masaya niyang ngiti at sinipat ang princess costume nito. Bumaling siyang susunod sa kambal nitong si Gwen. "Patingin nga baby kung pantay ang wings mo." She tried to be sunny.
"Mom," Gwen crossed her arms. "Are you ok?"
"Ha?" napakunot noo siya at nasorpresa din sa tanong ng anak.
Bakit ba kasi parang mga matatanda na itong mga bulilit na ito kung magtanong? Napaisip siya. Is it possible they could sense my emotion? But I'm trying so hard to hide my sadness.
"Hay," nasambit niya. "Why, anak?"
"You just look pale and you were staring for a long time at nothing." Paliwanag ni Bree.
Napatitig siya sa dalawang anak. She was impressed that her kids could express themselves well, but she was also alarmed that they could already guess her emotion. Nagtaka tuloy siya kung ganuon ba siya ka-transparent na kahit nagpapanggap siyang okay lang siya ay halata pa rin sa mukha niya na hindi? Hindi totoong okay siya. Naisip tuloy niya si Gerard nang matulog sila kagabi.
"Hon, are you sure it's ok for me to have general assemblies with different barangays this weekend?" malambing na tanong ni Gerard habang nagtu-toothbrush siya at nasa likod niya ito.
Gusto niyang ibulalas ang nasa isip. She wanted to say it was not okay. Siyempre hindi okay sa kanya na pati Sunday ay kinuha ni Katniss para sa kampanya. Hindi tuloy niya mapigilan hindi mainis kay Katnis. At may rhyme pa ang pangalan nito sa nararamdaman na parang bang her name is meant to translate to annoyance in her vocabulary.
Grrrr! Saloobin niya. Naiinis siya dahil Katniss could have asked her first about Gerard's schedule. After all, she is his husband's EA, right? Pero hindi! Hindi ginawa ni Katniss iyon, and she bypassed her. Yes, she thought, becoming more convinced that Katniss did that on purpose. Alam siguro ni Katniss na sobrang busy ni Gerard at alam nitong may posibilidad na hindi siya pumayag dahil family day ang Saturday at Sunday.
Saturday and Sunday are family days, and it was sacred for her and Gerard. At least, that was what she believed. Wala sa usapan nilang mag-asawa na pati ang dalawang araw na iyon ay magagamit para sa kampanya. Pero may magagawa pa ba siya? Hindi naman niya puwedeng sabihin kay Gerard na baguhin ang schedule, dahil alam naman niyang siksik na ang schedule ni Gerard hanggang December. Siya nga mismo ay hindi na malaman kung paano pa niya aayusin ang schedule ni Gerard para sa mga susunod na araw. Ang dami, dami, dami, as in dami nitong meeting. Napalaban nga siya ngayon araw na ito kaka-figure out kung ano ang kailang unahin dahil lahat naman sa opisina ay nagsasabing urgent ang kanilang mga meetings dahil hihingin nila ang approval ng asawa bago magtuloy tuloy sa mga plano para sa ikakaunlad ng kompanya.
"Hm?" saglit siyang napatigil sa pagtu-toothbrush at napatingin sa asawa sa salamin. "Uhm... yes!" Nakangiti niyang sagot habang bumubula ang bibig sa toothpaste.
"Sure?" Gerard wrapped his arms to her waist.
Hindi siya tumingin sa asawa. Yumuko lamang siya at nagmumog bago nagsalita. "Oo naman, hon. Nakakahiya sa mga maghihintay sa'yo na mga grupo kung hindi ka sisipot o babaguhin mo pa ang schedule." After she gurgled, Gerard spun her around.

BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
General Fiction#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY