57

3.4K 100 15
                                    


"AUTHOR JAMES C. COLLINS STATED IN HIS BOOK GOOD TO GREAT, THAT GREAT VISION WITHOUT GREAT PEOPLE IS IRRELEVANT. AND THOSE WHO BUILD GREAT COMPANIES UNDERSTAND THAT THE ULTIMATE THROTTLE ON GROWTH FOR ANY GREAT COMPANY IS NOT MARKETS, OR TECHNOLOGY, OR COMPETION OR PRODUCTS. IT'S ONE THING ABOVE ALL OTHERS, AND THAT IS THE ABILITY TO GET AND KEEP ENOUGH OF THE RIGHT PEOPLE. THE MANAGEMENT TEAM..." ani Professor Grosby. "That's why to the Management Team of organizations from the Philippines, UAE, China, Japan, and US... welcome to this class batch!"

Nagpalakpakan ang lahat kaya naman nakipalakpak na rin siya. Matapos iintroduce ni Professor Grosby ang sarili ay ni-request nito na iintroduce naman nila ang mga sarili nila.

"Oh no!" Napakagat labi siya at napatingin sa asawa. "A-anong sasabihin ko, hon?" Halos mangiyak ngiyak sa gustong ipagawa sa kanila ni Professor Grosby. Ayaw pa naman niya ng mga ganito nung nag-aaral siya. Ayaw niyang tumatayo at ipinakikilala ang sarili.

Agad naman umusod si Gerard sa tabi niya. "Hon, don't panic." He held her cold hand, and rubbed it. "Ang sasabihin mo lang, pangalan mo, tapos kung saan kang galing na company at position mo sa company." He said coaching her discreetly.

Isa isa nang tumayo ang mga classmates nila mula sa harap. Mabuti na lang at sa huling row sila naupo. Napanood niya kung paano nag-introduce ng sarili ang mga kasama nila.

Nang si Katniss na ang sumunod ay tumayo ito at hindi na humarap sa likuran katulad ng iba. Kay Professor Grosby lang ito nakatingin. Batid niyang nahihiya itong humarap sa kanila. She also noticed Utt looking intently at her. Something was different with the way Utt looked at Katniss. She examined what she felt at that moment. She thought, if Utt was developing feelings for someone, she was definitely going to be happy. Pero kung Katniss ito nagkakagusto ay hindi naman niya maiwasang mapa-isip, dahil nawala na ang tiwala niya sa dating EA ng asawa.

"I'm Katniss Delano from Utt Sanders Company. I'm an Executive Assistant to the CEO." She said and quietly sat back.

"Just like that, hon." Gerard cut her thoughts. "You just say your name, and the company you belong to, then say your position." He explained.

Nakaramdam siya ng inis dahil ginawang example ni Gerard si Katniss bilang peg niya kung ano ang kanyang sasabihin. Napatingin siya sa asawa at umirap.

"Siya talaga ang peg ko?" tanong niya sa asawa at naghalukipkip. She leaned forward and rested her arms on her arm chair. Nakinig na lamang siya sa ibang mga nagsasalita habang iniisip niya ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya kasi ay kailangan mas maganda ang sasabihin niya kesa kay Katniss.

Natatawang umiling ang kanyang asawa. "Honey kong goddess..." nasambit nito and slouched back on his chair. He discreetly played with her hair and just gently caressed it as he calmly waited for his turn.

Sa tagal ng paghihintay para sa kanyang turn ay nakaramdam siya na naiihi siya. Siguro ay sa naeexcite at kinakabahan din siya. At dahil sa hindi siya mapakali ay napagdesisyunan niyang tumayo habang may nagsasalita. Pagtayo niya ay sakto namang upo ng nagsalita. Napansin tuloy siy ni Professor Grosby.

"Yes? Would you like to go on next?" nakangiting tanong ni Professor Grosby.

"H-ha?" nanlaki ang mga mata niya at napatigil sa paghinga. Batid niyang namutla siya, at nakaramdam ng nerbyos lalo pa't nagsitinginan ang mga nakaupo sa unang mga silay. "I mean, uhm," napalunok siya at napatingin sa asawa.

"Go on, hon," mahinang engganyo ng asawa.

"S-sure," sinagot na lamang niya. "I'm...Shayla Milena Pontes... I mean Pontes- Ponce, from the Philippines..." napiyok niyang sabi sabay malamyang kumpas ng kampay na parang nagbi-beauty pageant. She immediately clasped her hands together, as everyone giggled. Napatingin siya sa tabi kung saan kalmado lamang nakatingin ang kanyang asawa, na tila ba ini-encourage siya to he herself.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon