"Dad, why does Mom frequently go to your office lately?" tanong ni Bree.Bonding time kasi nilang mag-ama ngayon.
Every second Saturday of the month from 2:00pm to 6:00pm ay bonding time nilang dalawa ni Bree. Si Gwen naman ang kasama niya ng 2:00pm to 6:00pm ng every 1st Saturday of the month at sina Milly and Drew naman on third and fourth Saturday of the month respectively. Si Shayla naman ay nakikipag-bonding sa mga bata tuwing weekdays. They made it a point to have an exclusive bonding time with their kids. Tuwing umaga naman ng weekend ay bonding time ng buong pamilya. At para sa kanilang mag-asawa naman ang Friday night.
Nakagawian na nila ni Bree na kumain ng ice cream sa paborito nitong puntahan na hotel outside of Tagaytay. Duon kasi sa hotel na iyon ay malaki ang serving ng ice cream habang nakikinig ng classical music. Ganoon kasi ang hilig ni Bree. Ang tingin nga niya sa anak ay parang matandang na-trap sa katawan ng isang batang babae. Paano naman ang hilig kasi nito ay classical music, encyclopedia, archeology, at UFOs. Sa kanilang mga anak ni Shayla, si Bree ang pinakamahilig sa books na para sa kanya ay minana nito sa kanya. Pero mahiyain si Bree, at sa palagay niya ay minana naman nito ang pagiging mahiyain sa kanyang asawang si Shayla. Pero kahit mahiyain si Bree, ito ang anak niya na magaling ang discernment sa mga bagay bagay. Alam niyang pag ito ang kausap niya ay hindi niya ito maaring kausapin base sa edad nito dahil lalo itong magugguluhan o magtataka dahil nga inquisitive ang anak ito.
Pinag-isipan niya ang kanyang isasagot sa anak. "Well, your mom is going to office because she is preparing for her new job." Sagot niya at kumuha ng Chocolate ice cream sa malaking ice cream bowl na pinaghahatian nilang mag-ama.
"Job? Is Mom going to work? What for, Dad? Is your money not enough for the family?" tanong ng anak.
Napatingin siya sa anak at napangiti sa itinanong ng anak bago siya muling bumaling sa ice cream. "It's not that Dad doesn't have enough money, Bree. Mom just wants to work because..." hindi kaagad nakasagot si Gerard. Sumagi kasi sa isip niya ang tunay na dahilan kung bakit gusto mag-trabaho ni Shayla sa opisina, at ito'y para bantayan si Angela. Pero hindi naman niya ito puwedeng sabihin sa mga anak kaya agad siyang nag-isip ng tamang sasabihin kay Bree. "Mom wants to work for her own development and growth." He replied hoping his daughter would accept that explanation.
Tiningnan niya ang anak na busy na ngayon sa pag-scoop ng ice cream at pagsubo nito sa bibig. Pero kahit busy ito sa pagkuha ng tunaw na ice cream ay nagsalita pa rin ito. "Okay, Dad. Then, we will support Mom!"
"We?" napakunot noo siya. Hindi niya maikubli ang pagkagulat sa sinabi ng anak at nararamdaman na din niyang malapit na niyang hindi mapigilan ang matawa. Alam na niya kung sino ang tinutukoy ni Gwen at hindi siya makapaniwala na sa edad ng mga ito ay nagpupulong na pala ang mga ito na para bang may 'family meeting'.
"Yes, Dad." Simpleng sagot ni Bree. "Gwen, Milly, Drew, and me. We've talked about it, and we've decided that I will ask you. I will just tell them about what we discussed." She beamed just like the way Bree's mom would.
Gerald just nodded his head and tried to hid the smile on his face. Gusto niyang tawagan si Shayla at ikuwento kung ano ang sinabi ng anak, pero pinigilan niya ang sarili. Kapag kasama niya ang mga anak, he tries to detach from his phone dahil kapag hawak niya ang kanyang phone ay hindi niya mapigilan ang sarili na sumagot ng mga business text messages at calls. Pero ang oras na ito ay para sa kanyang anak kaya dinisiplina niya ang sarili na no calls, no text messages, or anything that would take his time from his children, maliban na nga lang kapag may emergency, o kung si Shayla ang tumatawag.
Nang makauwi na sila ay naabutan niya sila Shayla at ang kanyang mga anak na nasa garden. Nasa isang mahabang sako ang mga ito.
"Ready! Set! Go!" Sigaw ni Shayla at tumalon na sinabayan naman nina Gwen, Milly and Drew.
Pero nadapa si Milly kaya mabilis siyang pumunta sa mga ito.
"Are you ok, anak? I'm so sorry," worried na tanong ni Shayla.
Binuhat niya si Milly mula sa sako at pinaupo sa hita niya habang naka-squat siya.
"Are you ok, Milly?" tanong niya.
"Yes, Mommy. Yes, Daddy." Sagot naman ni Milly na naka-akap sa kanya. Si Shayla naman ay hindi mapakali at parang gustong kunin si Milly sa kanya.
Wala naman galos at hindi nasaktan si Milly kaya ibinaba na niya ito at sinabi sa mga bata na maglaro muna, bago hinarap si Shayla.
"Hon, I'm sorry..." nag-aalalang sabi ni Shayla. "Nag-eensayo kasi kami para sa family fun day." Paliwanag nga asawa.
Nagulat siya sa sinabi ni Shayla. Hindi naman kasi ito mahilig magparticipate sa mga ganitong mga events dahil homebuddy nga ito.
"Hindi ka ba makapaniwala?" namumulang tanong ni Shayla. Nahalata pala nito ang pagkagulat sa mukha.
"Nagulat lang ako kasi hindi ka naman mahilig sumali sa mga ganung events at saka... lampa ka diba, hon?" Sa pagsabi niya ng huli ay agad na siyang humawak sa beywang ng asawa na nakaharap sa kanya dahil alam niyang magre-reak ito sa sinabi niya.
"Ganun? Wala ka bang confidence sa'ken?" inirapan siya ni Shayla at lalayo na dapat sa kanya.
Napatawa siya. Kabisado niya talaga ang asawa. "Hindi naman sa ganun, hon!" Hinigpitan niya ang hawak sa bewang ni Shayla na sinusubukan alisin ang pagkhawak niya sa bewang nito. "Yun lang kasi, nagulat ako dahil nga hindi mo naman hilig ang mga sporty activities." Paliwanag niya.
"Eh, sa gusto ko na ngayon eh!" Dahilan naman ni Shayla na namumula pa rin.
"Sa tingin ko may nililihim ka sa'ken e..." sabi niya.
Napatigil si Shayla at napakagat labi. "Fine, sasabihin ko na." Buntong hininga nito. "Kasi sabi ni Gwen sa'ken naroon daw at magpaparticipate si Angela at ang mga pamangkin niya. Sabi ni Gwen, sana daw magparticipate rin daw ako, kaya pumayag ako." Namumulang paliwanag nito.
Napangiti siya sa asawa at tinitigan ito.
"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan. Pa-cute ka talaga kahit kelan!" Irap nito habang nahihiyang iniwas ang mukha sa kanya.
"Hay naku, ang misis ko talaga..." sambit niya at hinawaka si Shayla sa mukha. "Eh kung sasali ka, eh di suportado kita." Sabi niya. "Bukas mag-training na tayo."
"Tayo?" taka niyang tanong.
"Oo." Sagot niya. "Sasali ako." Excited pa niyang sabi, pero nagtaka siya ng walang reaksyon ang asawa. Bumuntong hininga lang ito, sabay sumimangot at tumingin sa sahig.
"Hindi ka daw puwede sumali..." malungkot na sagot ni Shayla. "Kasi ikaw daw ang isa sa mga judges..."

BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
General Fiction#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY