Hindi makapag-concentrate si Gerard habang nasa meeting kasama si Percival at ang board members ng Ponce Group of Companies.
Hindi kasi mawaglit sa isip niya ang hitsura kanina ng Rafa Yuchengco na yon na kung tumingin kay Shayla ay parang binatilyong nakita ang crush nito. At dahil sa naiisip ay nakaramdam na naman siya ng pagseselos. Kung bakit pa kasi lalaki ang naging boss ng asawa!
Napasimangot tuloy siya, na napansin pala ng kanyang pinsan na si Percival.
"Insan, puwede bang kahit mag-pretend ka na lang na nakikinig ka? Malapit na mag-lunch time! Makikita mo naman ulit si Shayla!" Bulong ni Percival sa kanya.
"Easy for you to say..." ismid na bulong ni Gerard sa pinsan. "Bakit mo kasi tinanggap yung Rafa na yon?" pabulong niyang tanong.
"I hired Rafa first before I even learned that Shayla was going to work for him."
"Haist!" Asar na inirapan ni Gerard ang pinsan, samantalang si Percival naman ay pinipilit na huwag matawa sa kanya.
"Kapag may lalaking nagkagusto din kay Rori dito sa opisina, ganito rin ang mararamdaman mo!" Bulong na sabi ni Gerard sa pinsan.
"Well," mayabang na sambit ni Percival. "Ano pa't naging CEO ako kung hindi ko kayang gawan ng paraan iyon, diba?" sabi naman nito.
Napatitig siya sa pinsan. Nagkaroon kasi siya ng ideya kung ano ang gagawin kay Rafa. Pero nakuha ng pinsan ang naiisip niya.
"Ardy, hindi mo puwedeng gawin yan!" Bulong naman ni Percival.
"Who says?" maangas na tanong ni Gerard.
"Ako." Si Percival. "Magaling sa sales si Rafa, Ardy. We need skillful people like him, for the company."
Tinitigan niya ng masama si Percival, habang natatawa pa rin ang pinsan niya sa kanya.
"Fine! Ganito na lang. I'll give him 6 months. Kapag hindi ko nagustuhan ang performance niya, I'll do something about it." Pangako ni Percival.
Si Gerard naman na kanina pa masama ang mukha ay binalingan si Percival. "Just make sure of that." Parang threat na sabi ni Gerard sa pinsan. "
"Oo nga." Si Percival iyon na inilapit ang kamao sa kanya, at nag-secret handshake sila.
Masaya na siyang nagtext kay Shayla. "I MISS YOU, HON!"
"Naks naman ang pinsan ko. Nagpapaka-mushy!" Biro ni Percival sa kanya.
"Parang yung isa dito, hindi, a?" pang-aasar niya sa pinsan.
Ang pinsan naman niyang si Percival ay inilabas ang fon at nakitang may text message ang asawa nitong si Rori kaya agad nitong sinagot ang message.
Sinilip niya ang text ni Percival sa asawa at nakitang may kiss emoticon na inilagay ang pinsan sa message nito.
"Yun, o! May pakiss-kiss pa!" Pang-aasar niyang bulong, at iniwas naman ni Percival ang mobile phone nito sa kanya.
Biglang tumunog ang mobile phone niya. Mabilis na sumagot ang asawa. "MISS YOU MORE, HON. SEE YOU NG LUNCH TIME. LOVE YOU SO MUCH!"
At dahil sa text na iyon ng asawa ay nakampante na siya at bahagyang nakapag-pokus na sa meeting. Pagpatak ng 12:00pm, ay sinigurado niyang siya na ang nag-adjourn ng meeting, at mabilis na lumabas ng boardroom.
Habang naglalakad ay inayos na niya ang kanyang suit, at tinawagan nang asawa.
"Hon, tapos na ba ang orientation ninyo?" tanong niya habang pasakay ng elevator going up.

BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
Genel Kurgu#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY