Unang araw ni Shayla na papasok sa opisina ngayon. Batid ni Gerard ang kaba ni Shayla dahil kanina pa ito hindi lumalabas ng kuwarto at pinauna na siyang bumaba sa hapag kainan upang sabayan ang kanilang mga anak na kumain ng umagahan na inihanda ni Shayla bago nito ginising ang mga anak kanina upang maligo. Hinanda na rin ni Shayla ang mga baon ng mga ito, pati na rin ang para sa kanila ni Gerard.
Kahit alam naman ni Shayla na puwede naman silang kumain sa labas ng asawa, pinili pa rin ni Shayla na magluto ng ulam at kanin para sa kanilang dalawa. Na-touch naman siya sa effort ng kanyang may bahay. Ang totoo, mas gusto niya ang lutong bahay kesa sa kumain sa labas. Sinabi lang niya kagabi kay Shayla na kakain na lang sila sa labas upang hindi na ito mahirapan pa sa paghahanda. Pero ang tooto ay gusto niya ang mga pagkaing gawa ni Shayla. There's something delectable and luscious in eating food prepared by your loved one. Excited na nga siya kumain ng lunch. Nagbaon pa si Shayla para sa kanilang dalawa ng sandwich pang-meryenda nila.
"Daddy, where's mommy? Isn't she going to eat with us?" tanong ni Milly. Sanay kasi ito na nakakandong kay Shayla habang kumakain, pero ang yaya nito ang nagpapakain kay Milly ngayon.
"She's dressing up to go to office." Sagot naman ni Bree.
"You know, Dad, I chose Mommy's clothes for today. She will wear Pink dress and look exactly like my Barbie!" Excited naman na sabi ni Gwen at ipinakita pa sa kanya ang hawak nitong Barbie na naka-Pink office suit at Pink na shoes.
"I'm sure your Mommy will be very Pink... I mean very pretty in a Pink suit." Sagot niya habang umiinom ng kape na gawa ni Shayla bago ito pumanik sa kuwarto upang maligo at maghanda ng sarili.
Makalipas ang halos 30 minutos ay hindi pa rin lumalabas si Shayla. Kanina pa rin siya hindi nag-uumagahan dahil iniintay niya ito. Mabuti na lang at pinauna na niya ang mga bata na makapag-umagahan.
"Daddy, aren't we going yet?" tanong ni Bree habang hawak ang school book nito at may binabasa.
"Yeah, Daddy. We might be late for school..." sabi naman ni Gwen na sinusuklay ang buhok ng Barbie doll nito.
"Daddy, can I bring my toy to school?" tanong naman ni Drew.
"If Drew can bring his toy, can I bring mine too?" si Milly.
Napatawa si Gerard sa mga anak. Alam niyang naiinip na ang mga ito kaya inubos na niya ang kape at tumayo sa hapag kainan.
"Excuse me, kids. I'll just go check your Mom." Aniya at nagbigay ng instruction sa mga yaya na sipilyuhan na ang mga bata, matapos kumain, at sumakay na sa sasakyan dahil ihahatid nila ni Shayla ang mga bata sa school.
Pumanik na siya sa kuwarto at kumatok sa naka-lock na pintuan. "Hon?"
Narinig niya ang paglalakad ni Shayla mula sa may bandang kanan kung nasaan ang kanilang dresser at binuksan ng kaunti ang pintuan. Pumasok siya sa loob at nakitang may mga nakabalunbon na damit sa kama, at naka-undergarment lang ang asawa pero naka-make up na ito. Hindi pa rin pala ito bihis dahil hindi makapili ng damit na isusuot.
"Hon, sorry..." ani Shayla na nagmamadaling ayusin ang mga kalat nito sa kama. "Hindi kasi ako makapili ng susuutin. Alin ba dito sa mga ito ang okay?" worried na tanong ni Shayla habang pinagteterno terno nito sa kama ang mga iba't ibang kulay ng palda at blusa na pinamili nilang wardrobe nung isang linggo para sa pagpasok ni Shayla sa opisina.
At dahil bakas ni Gerard sa asawa ang pagka-tensed nito ay siya na ang nagdesisyon para dito. He picked the Pink Evan Picone textured pique skirt suit and Manolo Blahnik Tuccio leather pointed-toe pump which he remembered were two of the items he bought for her na ayaw bilin noon ni Shayla dahil namahalan ito sa mga iyon. Pero wala na lang nagawa si Shayla dahil habang nagsusukat ito noon ng mas murang mga damit ay binayaran na niya kaagad ang mga pinili niya para kay Shayla na damit at sapatos.

BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
Ficção Geral#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY