BAGO PA MAN SILA NAGKAKILALA NI GERARD AY SIMPLENG TAO LANG NAMAN SIYA. HINDI SIYA SANAY AT PAMILYAR SA MGA FANCY FINE DINING RESTAURANTS NA PINAGDADALAN SA KANYA NG ASAWA O MGA KAIBIGAN.
And if she had it her way back then, she would rather go to familiar fast food chains like Shakey's or Jollibee. Naiintimidate kasi siya sa mga bonggang lugar, lalo na nung nagsisumula pa lang sila ni Gerard. Naroon yung kailangan pa niya kasi maging pamilyar sa dining etiquette on how to use the napkin, bread and butter, wine, first course, main course, condiments, fruit and cheese, dessert, hot towels, continental style of dining, kailang gagamitin ang maliit na kubyertos sa malaking kubyertos, at kung anu-ano pa na pasimpleng itinuturo sa kaniya ng asawa kapag dinadala siya nito sa mga fine dining restaurants o social gatherings. Mabuti na lamang at matiyaga si Gerard, at ni minsan ay hindi pinaramdam sa kanya ang malaking pinagkaiba ng antas nila sa buhay. Nagbago na nga lamang ang sitwasyon niya nang makilala niya si Gerard, at dahil rin sa asawa ay nakilala niya ang kanyang uncle Migoel at mga pinsang lalaking kung turingin na rin niya ay kanyang mga nakakatandang kapatid. Alam niya, malaki ang utang na loob niya kay Gerard, at masuwerte siya sa asawa. Pero ngayon, mageemote muna siya.
"Hon, saan tayo kakain?" tanong ni Gerard na sinasabayan siya maglakad sa loob ng mall. "If you want to eat variety of food, why not we just go to Heat, Summer Palace, Sambokojin, or even Vikings?" suhestiyon nito habang umiikot ang mata sa paligid dahil unang beses pa lamang nito papasok sa mall na iyon.
Tumigil siya sa paglalakad at nag-cross arms. "Invited ba kita sa food trip ko?"
Gerard placed his hands inside his pocket and gave her a stern look.
Laserbeam activate! Terententen-ten-ten! Parang umaalingawngaw ito sa tenga niya na tila mula sa isang palabas na hindi na niya maalala.
Umirap na lang siya sa asawa para ipakita dito na hindi sa magba-back down. Pero ang totoo'y kinakabahan din siya sa ginagawa niya. Ayaw naman talaga niya makipag-away kay Gerard. At namimiss na nga niya ito. Dagdagan pa na first time nilang pumasok sa mall na ito. She was excited to walk in the mall with him na holding hands while walking. Hindi pa kasi nila na-eexperience na mag-date sa mall, na hindi kasama ang mga bata. At usually, sa Edsa Shangrila, Robinsons Magnolia, ATC, o Makati sila nagpupunta na kadalasan ay karay din nila ang mga yaya at body guards. Hindi pa sila nakaka-experience ng pagmo-malling na silang dalawa lang at may mga bodyguards lang na naka-civilian clothes, at bahagyang malayo sa kanila para sa kanilang proteksyon.
Noong una pa nga ay naiilang siya sa ganuong set up, pero she just forced herself to get used to having an entourage. At kadalasan naman na silang dalawa lamang ang magka-date ay hindi naman siya dinadala nito sa simpleng lugard kung sa mga fine dining restaurant. Hindi pa nila nasusubukan na mag-date sa mall katulad ng mga regular na couple.
Hmm, kumo-couple ka na ngayon, Shayla? Mag-malling na ngayon ang isa sa mga relationship goals mo? Sita niya sa sarili, nang maramdaman na may nag-slide na mga daliri sa kanyang kanang daliri.
"Ay! Malling goals!" Nagulat siya at iniwas ang kamay, but Gerard tightly clasped her hand, and even faced her to hold her by the waist.
"Relationship goals?" napakunot noo si Gerard sa kanya, na parang nangingiti.
Humilourd! Wag ka maglalabas ng dimples, kungdi makakalimutan kong may pinaglalaban ako! Oo, merun eh... teka... anu nga ba ulit yun?
"Did it work?" umiiling na nakangiting sabi ni Gerard, with his dimples showing.
She poked his dimples. "Pak! Pak! Para sa ekonomiya..." nasambit niya pero tila natauhan siya sa nasabi at sinubukang kumalasa sa asawang nakahawak na sa bewang niya. She had to move away from him or else she would feel something with the way he was caressing her waist. She knew he was trying to manipulate her by using his charms on her. Ngunti napatingin siya sa paligid at napansin na nagtitinginan ang mga nagdadaang tao sa mall.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
Ficción General#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY