59

3.1K 122 11
                                    

Panandaliang iniwan ni Gerard si Shayla na natutulog sa kuwarto nito. Lumabas siya sa sala ng hospital suite upang tumawag sa bahay para ihanda ang mga bata at pumunta dito sa ospital upang dalawin si Shayla, dahil tiyak niyang ikatutuwa ito ng asawa.

Mabigat man ang dalahin niya ngayon, sinusubukan niyang maging magaan ang sitwasyon para sa asawa. Naawa na siya kay Shayla. Sa sobrang stressed nito ay napaanak ito ng wala sa oras. Mabuti na lang at ligtas na si Shayla ngayon.

Ang aalalahanin na lamang niya ay ang anak na si Gabriel. He looked like Andrew. Tiyak siyang matutuwa ito kapag nalaman na may kapatid na itong lalaki.

Natutuwa din siya at excited na mahawakan ang bunsong anak na lalaki. Naisip nga niya kung maari pa ngang makapag-anak ang kanyang asawa ay gusto pa niyang maka-dalawa pang lalaki. Pero naisip din niya ang kalagayan ng asawa. Ang pagkakaroon ng dalawa pang anak ay pangarap lang naman. Saka na lamang niya kakausapin ang asawa tungkol dito. Sa ngayon ay kailangan niyang intindihin kung paano mapo-protektahan ang asawa at mga anak sa mga balitang kumakalat tungkol sa kanya. He thought of sending them to Palawan first, or perhaps send them out of the country. Pero batid din niyang kailangan niyang kausapin si Shayla tungkol dito, lalo pa't hindi pa maaring ilabas si Gabriel sa ospital.

Napahilamos siya ng mukha, at saka muling bumaling sa silid ng asawa matapos nitong magbilin sa kanilang bahay.

He carefully and quietly entered the room, making sure Shayla would not be awaken. Mababaw kasi ang tulog ni Shayla. Kahit hindi ito mashadong umiimik ay batid niya ang tumatakbo sa isip ng asawa. She was shielding him too of her anxiety and sadness, because she knew that he was already stressed as it is. All the more na nagi-guilty siya at naawaa para sa asawang pilit na nagpapakatatag para sa kanya.

He resigned himself in one chair beside Shayla's bed, and gently held her hand. He softly kissed the knuckle of her hand, at ipinahinga ang ulo sa gilid ng kama, habang ang kamay ni Shayla ay iniligay niya sa may bandang pisngi niya.

Hind na niya mapigilan na tumulo ang luha niya. He felt weak. Pakiramdam niya ay gusto na lang niyang sumuko at i-give up ang pagtakbo sa halalan dahil ito naman ang dahilan kung bakit pinipilit siyang sirain ng kalaban. Nagsisisi na rin siya sa kagustuhan niyang ma-involve si Shayla sa kompanya to develop herself dahil pakiramdam niya ay ito ang isa sa mga dahilan kung bakit na-stress ang asawa, at siguro ay mashadong natagtag. It was him who drove his wife to be passionate about something, and to aim to be better than who she was. He could have taken it as a sign na hindi kunin si Angela, noong una pa lang na nagselos ang asawa dito. Hindi siguro sila aabot sa ganitong sitwasyon kung noong una pa lang na nakitaan niya ng reluctance si Shayla na sumali siya sa politika ay nag-take heed na siya sa instinct niya. Kung ang pinagtuunan na lang niya ay ang pagbigay ng oras sa pamilya ay wala siyang problema ngayon. At hindi malalagay sa panganib ang bunso niyang Gabriel.

Hindi niya naiwasang manginig sa tahimik na panglulumo at pag-iyak.

"Hon," Shayla caressed his hair softly.

Bahagya siyang nagulat at pasimpleng nagpunas ng luha bago hinarap si Shayla.

"Hon," aniya at saka muling humalik sa kamay ni Shayla.

Pinilit niyang huwag maging emosyonal sa pagharap sa asawa, pero naramdaman niyang nangilid ang mga luha niya nang makita ang masuyong tingin ni Shayla sa kanya.

Tahimik siyang pinagmasdan nito na animo'y tumatagos sa buo niyang pagktao. Tiila ba binabasa nito ang isip at saloobin niya. He wanted to fake his smile, but he knew deep inside that it was no use. He knew to himself that he could not lie to his wife, as much as she couldn't lie to him. There was a connection between them that he could not explain, but they knew each other well like the back of their own hands.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon