22

4.4K 129 3
                                    

Napatili si Shayla sa pagtalon sa kanya ni Gerard. He swirled around her, and wrapped his arm around her waist and held her behind as they fell down together. Mariin niyang ipinikit ang mga mata dahil alam niyang babagsak siya sa damuhan. Inaabangan na niya ang sakit na mararamdaman sa kanyang likod sa kanyang pagbagsak, ngunit naramdaman na lamang niya ang kanyang pagdagan sa katawan ng asawa.  Iminulat niya ang kanyang mga mata, at natagpuang nakangiti si Gerard behind his face goggles, habang nakahiga ito sa damuhan. She never missed seeing those evident dimples that she loves the most about Gerard.

"Honey, parang bumigat ka yata ng .99 pound." Hirit nito, habang siya naman ay naka-side view  while on top of him.  Hinampas niya sa dibdib ang asawa while she felt him possessively held her behind and thigh as she was sprawled on top of him. Gayunpaman, ramdam naman niyang nakaalalay si Gerard habang nakahawak sa kanyang hita at inayos pa nito ang kanyang palda upang hindi siya makitaan.

"Oh my vegetables! My ensemble is ruined!" Narinig nilang tila ni Rori.

"Naku, I'm so sorry, sweetheart." Ani Lee na nauna nang lumapit kay Rori humawak sa beywang nito.

"Are you alright, Shayla?" worried naman na lapit ni Utt sa kanilang dalawa ni Gerard. He seemed to ignore that Gerard was there.

"Yes, Shayla is alright. I won't let anyone happen to her." Sagot naman ni Gerard.

Nakaramdam si Shayla ng kaba sa dalawang lalaki, at mabilis na nag-isip kung ano ang gagawin. Tuminging siya kay Rori at Percival para humingi sana ng saklolo, pero napansin niyang may sarili rin itong kinakaharap na namumuong away. Nakita niya kasi na magkasalubong ang kilay na lumapit si Percival kay Rori na ngayon ay hawak ni Lee sa bewang at parang sinisipat ang katawan nitong natamaan ng paintball. Siya mismo ay nailang sa ginawa ni Lee dahil parang pasimple nitong sinisipat ang kabuuan ni Rori, habang itong si Rori naman ay oblivious sa ginagawa ni Lee dahil nakatuon ang pansin nito sa nadumihang kasuotan.

Agad na hinila ni Percival si Rori mula kay Lee at tinulak ang lalaki. Agad naman humarang sa pagitan nina Percival at Lee si Rafa. Napatumba si Lee sa damuhan, at sinunggaban naman ito ni Percival.

Mabilis silang tumayo ni Gerard at tinakbo ni Gerard ang pinsan. Sina Lee at Utt naman ay pumigil din sa mga ito.

"Hey! Hey! Easy!" Sigaw ni Gerard habang halos yapos na nito si Percival  at pasugod pa rin kay Lee.

"Don't touch my wife!" Sigaw ni Percival at dinuro pa si Lee.

"I was just worried about her ensemble!" Galit na rason ni Lee.

"Will you both bloody calm down?" pakiusap ni Rori na naasar na sa dalawang gustong magsuguran. Pumagitna ito sa dalawang lalaking pilit na gustong magka-abot at magbunuan. "I'm sorry I got panicked. I can make a new ensemble so there is nothing to quarrel about!"

"That's not the point, Rori. He was touching you!" Galit na sabi ni Percival.

"Oh!" Namula si Rori at saglit na napa-isip. "I thought you were worried about my creation. So it's really about your ego pala that some guy is touching me, right?"  May bahid pagtatampong sabi ni Rori.

Si Shayla naman ay bahagya nang nalito kung ano na ba ang point ng diskusyon ng mga ito.

"Okay," parang napahiyang sabi ni Rori, at nag-walk out. Tumigil na sa pagsugod si Percival dahil pati ito ay parang nagulat sa naging reaksyon ni Rori.

"Baby!" Tawag ni Percival sa asawang nag-walk out habang humikbi. Napatingin ito sa kanila ni Gerard na parang nagpapaalam na susundan nito ang nag-walk out na asawa. Tumango lang si Gerard na parang naintindihan si Percival.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon