44

3.3K 114 13
                                    


HINDI PA PALA NAKAKAPWAGWITHDRAW NG PERA SI SHAYLA. Napalunok siya at napatingin kay Gerard na taimtim lang siyang pinapanood, na tila ba parang hinahayaan lang siya nito sa trip niya at susunod na lang ito kung ano ang maibigan niya.

Kahit wala pa siyang sinasabi o ginagawa ay pasimpleng naglabas ng wallet si Gerard at kumuha ng P 1,000.00 bill. Iniligay pa ito ng asawa sa bill tab at binigay ito sa waiter, na tila ba alam na nito ang problema niya kung bakit hindi pa siya naglalabas ng pera.

Pahiya ako dun, ah? Umiwas siya ng tingn sa asawa at napakagat labi. Nag-cross arms na lang siya at tumingin na lang sa labas ng salamin ng restaurant. Nang ibigay ang change ni Gerard, nag-iwan ito ng 100.00 as tip, at saka tumayo sa harapan niya.

"Shall we, Mrs. Ponce?" inilahad ni Gerard ang kamay nito like a true gentleman, which she knows he is. But what grabbed her attention was the manner he emphasized on 'Mrs. Ponce'. He said it with an emphasis on his ownership of her, as he gave his hand to assist her.

She was sure that it was his point because she knew him well-that whatever would do, kahit magsusungit pa siya at magtataray kay Gerard, asawa pa rin siya ni Gerard, at hindi magbabago yun. In other words, wala siyang choice kungdi sumama kay Gerard-- unless siguro ayaw na sa kanya ng asawa. Pero the last idea was just hers. She was sure her husband wouldn't be as negative as her, pero gusto lang niyang isipin. Paranoid lang ang peg! Expect the worst thing that can happen para hindi masakit. Haist! Me and my preggy paranoid brain!

Hindi na lang siya sumagot kay Gerard, at hindi rin niya kinuha ang kamay nito. Nagkusa siyang tumayo mag-isa at lumabas ng restaurant habang nakasunod si Gerard sa kaniya.

Muli siyang lumapit sa isang guard at nagtanong kung nasaan may kiosk ng nachos dito, at tinuro naman sila sa ground floor.

Excited siyang lumakad papunta sa escalator at naramdaman niyang si Gerard ay humawak sa kanyang braso para alalayan siya.

Dineadma na lang niya ang asawa, hanggang sa makababa sila sa ground floor at hinanap ang nachos. Nakita ni Gerard kung nasaan ang nachos, at excited naman siyang naglakad papunta doon. Narinig niya sa kanyang bandang likod na nag-ring ang fon ni Gerard.

"Yes?" narinig niyang sagot ni Gerard. "I'll be there probably around 1:00pm. Pls just tell Dad that I'm just attending to something." Anito.

Pagkarinig niya ng 'Dad' ay napaisip siya na baka nadedelay na niya si Gerard, pero kahit naman siguro sabihin niyang mauna na ito ay hindi ito papayag.

Pagbayad niya ng kanyang nachos ay tumungo naman siya sa Cara Mia. Umorder siya ng 2 scoops ng Ferrero and Toffee Almond Roco Harmony. Nang papunta na siya sa cashier ay naroon na si Gerard at binabayaran ang kanyang inorder.

Naalala niyang kulang na nga pala ang kanyang pera dahil 200.00 lang ang nadala niya at nabawasan pa nang bumili siya ng nachos, kaya siguro nagkusa na si Gerard na magbayad para sa kanya.

Kahit hindi pa tapos mag-bayad si Gerard, ay nagsimula na siyang maglakad papalabas ng Cara Mia. Sa isip niya, bahalang humabol si Gerard. Basta magpapakamaldita siya.

Pinilit niyang huwag ma-sweetan sa asawa sa pagkukusa nito kanina pa. Basta panindigan niya ang pagtatampo, dahil hindi pa rin niya makalimutan ang sinabi nito tungkol sa ginawa niyang resignation letter, at nung umaga ay pinagdudahan pa siya nito na nagchi-cheat.

Hmp! Tama. Magdusa siya.Th niya ulit. Pero hindi niya matiis na hindi mapalingon sa asawa, at napansin na busy ito mag-text habang nakasunod sa kanya.

Siguro marami nang naghahanap sa kanya... Naisip niya kaya napagdesisyunan niyang tawagan na si Mang Berto para papuntahin ito sa exit ng mall.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon