PAPASOK NA SIYA NG ELEVATOR NANG INILUWAL NAMAN NG KABILANG ELEVATOR SI KATNIS.
"Ardy!" Nagtatakang lapit ni Katnis sa kanya. "Where are you going? I thought we have a meeting?" She was wearing an immaculate 2 pc suit at nakapusod ang buhok. Very professional ang dating at confident. Natutuwa siya sa kanyang campaign manager, at nagwa-wonder nga ito kung mayroon ba itong buhay outside of the work dahil napakasipag at napaka-professional nito. Mabilis kumilos, at cunning pagdating sa pagprotekta nito sa kanya bilang kandidato.
"I cancelled my appointments," maikli lang niyang sagot at pumasok na sa elevator. Sumunod naman ito sa kanya.
"Is there a problem?" mahina nitong tanong sa kanya.
Napabaling ang tingin niya dito, at napa-isip. Pati ba buhay mag-asawa ay aayusin nito kung magka-problema siya? Naisip niya at napailing.
"I'm going to USC, with Percival."
"May I know why?" usisa nito.
"Why do you ask?" tanong niya.
"Because we've got a lot of things to do, and I want to know how I can adjust everything." Prangkang sagot nito.
Umiling siya. "I'll tell you when we're in the car." Sabi na lang niya. Nang makarating sila sa basement one ay wala pa si Percival.
"Sir, may lakad po tayo?" tanong ni Berto, isa sa mga body guards niya.
"Oo, Bert." Sagot niya. "Pakihanda na yung sasakyan."
Iniluwal naman ng elevator si Percival na naka-shades na.
"Hi Katnis." Bati ni Percival na batid niya ay mataas ang respeto sa campaign manager niya.
"Sir Percival, hi." Bati rin ni Katnis.
"Sa auto ko na lang ako sasakay." Ani Percival, at sakto naman dumating na ang Lamborghini nito na naka-valet.
"May lakad ka ba mamaya?" tanong niya sa pinsan dahil nakamagarang sasakyan ito.
"Yeah, later tonight. I promised Rori we will have dinner together." Nakangiting sabi ni Percival.
Dumating naman ang Alphard niya at sumakay na siya sa likod. Si Katnis naman ay sumakay na rin sa isang silyang kapantay ng upuan niya.
"Shall I brief you now?" tanong ni Katnis sa kanya.
He just nodded his head, while she mentioned the status of the funds that they are raising from his fellow businessmen that would support his campaign, and the progress of the paraphernalia that they would use for the campaign period, as well as his platform to present. Sinabi rin nitong nakakuha ito ng impormasyon tungkol sa platapormang ihahain ni Vice Mayor Diokno sa kampanya.
"That's good," he just nodded his head, but his mind was somewhere else.
Sinundan nila ang sasakyan ni Percival at nakarating sila sa USC Building.
Nagpark sila ng mga sasakyan at umakyat sa 40th floor kung nasaan ang opisina ni Utt at ang boardroom.
"I'm Percival Ponce, CEO of Ponce Group of Companies, and a personal friend of Utt Sanders. I believe there's an ongoing presentation right now of our company to Utt, and we are going to join the meeting." Sabi ni Percival sa secretary ni Utt Sanders. Sila naman ni Katnis ay nakasunod lamang.
"Oh! This way, Sir." Ani ng secretary na napangiti kay Percival at sa kanya. "Sir Gerard is also familiar too." Dagdaga pa nito. "You are the son of Pres. Ponce, right?" Sabi nito, at kumamay sa kanya.
"Yes," matipid niyang sagot at nakipagkamay sa secretary ni Utt Sanders, bago sila nito dinala sa boardroom.
Kumatok sila, ngunit walang nagbubukas, kaya binuksan na ni Percival ang pintuan. Nakatalikod sa kanila sina Rafa, Utt at Shayla, at nakita niya sa kanilang pagpasok na magka-akap sina Utt at Shayla.

BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
Aktuelle Literatur#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY