2

11.2K 134 9
                                    

♫♩♬ "Hush now, quiet now, it's time to lay your sleepy head. Hush now, quiet now, it's time to go to bed. Drifting off to sleep, exciting day behind you. Drifing, off to sleep, let the joy of dream land find you! Hush now, quiet now, it's time to lay your sleepy head. Hush now, quiet now, it's time to go to bed. Hush now, quiet now, close your sleepy eyes. Hush now, quiet now, my, how time sure flies. Hush now, quiet now, lay your sleepy head. Hush now, quiet now, it's time to go to bed..."♪♫♩♬kanta ni Shayla sa mga anak habang lahat sila ay nasa iisang customized na kama na may rails. Kulay white ang kulay ng kama at ang bed sheet ay kulay White din. Nagkaiba lamang ang mga kulay ng punda ng unan at kanya-kanyang kumot ang mga bata.

Ang punda ng unan at kumot ni Gwenavir ay kulay Purple. Para naman kay Sabrina ay Pink. Si Milena naman ay kulay Yellow. At ang punda ng unan at kumot naman ni Andrew ay Minion design. Ang buong kuwarto ng magkakapatid ay mayroong malaki at mahabang installed na cabinet na naglalaman ng mga laruan ng mga anak. Sa magkabilang gilid ng mahabang cabinet ay may hagdan paakyat sa tuktok nito, kung saan may customized na bahay-bahayan na kastilyo ang disenyo. Sa loob ng kastilyo ay mayroong laruan na kitchen set, refrigerator, at dining set. Meroon din foldable couches.

Nakahiga ang mga anak niya sa kanyang mga braso. Sa magkabilang side sina Andrew at Milena. Sa magkabilang dulo naman sina Gwenavir at Sabrina. Nakatulugan na ng mga ito ang paghele sa kanila ni Shayla, nang marahang pumasok si Gerard sa kuwarto ng mga bata. Kahit mukhang pagod ang asawa, hindi pa rin niya maiwasan ma-appreciate ang kaguwapuhan nito. Kahit yata sako ang ipa-suot dito sa mister niya, guwapo at ang bango bango pa rin tingnan! Nakakakilig na nakakainis! Nakaka-insecure tuloy! At dahil sa pakiramdam niyang yaon, inirapan niya ang asawa.

Si Gerard naman ay binigyan siya ng inosenteng ngiti bago humawak sa headboard at rail ng kama para maabot siya at hinalikan sa labi. Tapos bumaling ito sa mga anak at humalik rin sa mga ito. Dahan dahan at isa isa nitong binuhat at inihiga ang mga anak sa mga assigned nitong puwesto sa malaking kama.

Siya naman ay tumayo sa taas ng kama at inilalayan siya ni Gerard habang dahandahan siyang lumalakad papunta sa paanan ng kama. Ibababa pa lamang niya ang isang paa sa sahig nang bigla siyang kargahin ng bridal style ni Gerard. Bahagya tuloy siyang nagulat.

"Ay! Honey naman! Ang takot ko naman na madaganan ko yun' mga bata!" Mahina niyang reklamo.

"I'll always be there to catch you when you fall, honey. Ako pa!" Kindat ni Gerard.

Siya naman ay napatitig sa mukha ng asawa. Kahit limang taon na sila mag-asawa, kinikilig pa din siya dito. Sa isip niya, habang lumilipas ang panahon ay mas nagiging guwapo ang asawa niya, tapos siya naman ay parang losyang na! Bakit ba parang siya lang yata ang tumatanda sa kanilang dalawa? 

Dahil sa tinititigan niya ang asawa ay nahuli siya nito at ngumiti sa kanya. At dahil sa na- conscious siya, sinamaan niya ng tingin si Gerard at saka inirapan. Si Gerard naman ay napatawa sa kanya.

"Sungit ng misis ko, a! Buntis ka ba ha?" Tanong nito at mabilis itong humalik sa pisngi niya, habang karga siya palabas ng kuwarto. Siya naman ang marahang nagsara ng pintuan ng mga bata habang karga siya ni Gerard. Siya rin ang nagbukas ng pintuan ng kuwarto nila.

"Sus, dinadaan mo ko sa ganyan honey! Palibhasa may kasalanan ka! Drawing ka kasi! Hindi mo kami sinipot ng mga anak mo sa movie date natin!" Hindi na niya napigilan humirit dahil nagtatampo nga siya sa asawa, at alam niyang alam iyon ni Gerard. Pero parang sa kanilang mag-iina, siya nga yata ang mas nagtatampo kesa sa mga anak nila. Usapan kasi nilang mag-asawa na sasama si Gerard manood ng Despicable Me 2 with the kids, pero hindi ito nakasipot dahil hindi pa tapos ang meeting nito kanina.

"Sabi mo pa naman if we don't keep our promises to our children, we are teaching them not to trust us. We disappoint them. We make them feel unimportant. We make them disrespect us because we are not showing integrity, and we are not being role models, dahil kung ano ang ginagawa ng matanda, ginagaya ng bata." Aniya.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon