55

3.2K 100 11
                                    

PINALIWANAG KAY SHAYLA NG ASAWA KUNG ANO ANG NANGYARI. Noong una ay hindi niya mapigilan na magalit pareho kina Angela at Katniss. Magkakilala pala ang dalawa, at inutusan pala ni Angela si Katniss na sirain silang mag-asawa, para maagaw ni Angela ang asawa sa kanya.

"Nagagalit talaga ako!" Naiiyak niyang bulyaw sa asawang mabilis na yumapos sa kanya. "Umalis ka nga sa harapan ko! Alis!" 

"Hon naman e..." masuyong sabi ni Gerard na hinaharangan siya. [Photo up. Share ko lang how I see it in my head, pero yung background kasi hindi swimming pool.]

"Yan Angela na yan..." hikbi niya. "Sobra na siya! Gusto ko talaga siyang sabunutan, sampalin, palapa sa aso, buhusan ng asido... ng kumukulong tubig, baliin ng buto, sunugin, ibuhos ang abo at i-flush sa toilet!" Nanggagalaiti niyang sabi, habang ang asawa ay nakikinig sa kanya, at parang pigil ang pagngiti.

"Morbid mo naman, hon..." hindi na nito napigilan magkomento.

"Kasi siya eh!" Inis niyang pinunasan ang kanyang naghahabulang mga luha. "Huwag talaga siya magpapakita sa'ken, kungdi gagawin ko talaga yun sa kanya! Sobra na siya! Sobra na talaga!" Pumipiyok at paos pa niyang sigaw.

"I don't think magpapakita pa iyon sa atin." He tried to assure her as he helped her wipe her tears away with the handkerchief he took out from his pocket.

"Grabe talaga siya," hikbi niya. "At grabe yang Katniss na yan!" Paos niyang sigaw. "Sabi ko na sa'yo, eh! May nararamdaman akong iba sa kanya! At tama ako! May gusto siya sa'yo!" Naiiyak na naman siya. "Tapos ayaw mo pa siyang alisin!" Bulyaw pa niya sa asawang kalmado lang na nakatitig sa mukha niya at abala sa pagpunas ng mga luha niya. "Tigilan mo nga yan! Hindi titigila ang pagluha ng mga mata ko dahil masama ang loob ko sa'yo!" Iyak niya.

"Sorry..." malambing at masuyong pinunasan ni Gerard ang luha niya, matapos ay humalik ito sa noo niya, papunta sa ilong, at sa labi.

"Sorry- sorry ka diyan! Ayaw mo kasing maniwala sa'ken!" Bulyaw niya muli kay Gerard na umakap muli sa kanya.

"Nakikinig naman ako, hon..." malumanay na sambit ni Gerard na nakayapos sa kanya. " I even spoke to Percival about it prior to discovering about Angela and Katniss. We agreed that Katniss will transfer to another group. Pinag-aaralan lang namin kung saan at kung paano dahil may karapatan din si Katniss bilang empleyado..." he explained as he tenderly cupped her face.

"Huwag ka na umiyak. Alam mo ba na kapag umiiyak ka, gusto kong sapakin ang sarili ko?" malungkot na sambit ng asawa. "Ayokong ayoko na umiiyak ka dahil pakiramdam ko, hindi ko ginagawa ng tama ang pagiging asawa ko sa'yo..."

Napatitig siya sa asawang bakas sa mata ang lungkot. Alam niyang sincere ang asawa sa sinabi. Hindi nga lang niya napagtanto na nagagalit pala ang asawa niya sa sarili nito sa tuwing nakikita siya nitong umiiyak.

"Eh anong magagawa ko? Naiiyak ako eh!" Defensive niyang sagot. "P-pero hindi naman ibig sabihin non ikaw ang dahilan ng pag-iyak ko, diba? I mean, puwede naman tears of joy, o dahil emotional ako?" she wasn't sure if she was trying to comfort him, too. Pag dating kasi kay Gerard, all out siya. Mabilis siyang bumigay, basta huwag lang niya masaktan ang asawa. Ngunit isang parte ng sarili niya ay gustong gumanti. Hindi nga lang niya maasinta ng tama kung kanino siya dapat nagsusungit ng ganito. But Gerard felt like the easy target, and she just lashed it all out on him, because she know from the bottom of her heart, that he would understand. Sigurado siya doon. "Yun lang nga sa pagkakataon ito, naiinis ako sa mga babae mo! At saka masama ang loob ko sa'yo dahil... dahil nagseselos ako... at ayaw mong sumunod sa akin... pero alam ko naman may sarili kang desisyon... at dapat respetuhin ko yon... pero kahit na... basta... yun na yon!" Pagrarason niya, kahit batid naman niya sa sarili na parang wala naman coherence ang mga pinagsasabi niya.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon