15

6.1K 159 3
                                    

Nakuha ni Shayla ang ibig sabihin ni Gerard sa tanong nito, kaya hindi niya tuloy alam kung ano ang isasagot dito lalo pa't naroon si Percival, at naroon din ang magiging boss niyang si Rafa Yuchengco. 

Alam niyang seloso si Gerard. Nakita na niya ito noon magselos noong nasa Brazil pa sila. Kaya alam niyang kapag nagsabi siyang determinado siyang magtrabaho ay agad itong magpoprotesta o kokontra, lalo pa't kung makatitig yung magiging boss niya ay parang wala sa bokubolaryo nito ang salitang 'kurap'. Talagang magseselos si Gerard dito kung ganito ito kumilos.

Pero ano naman ang gagawin niya? Isipin pa lang niya kung ano ang kayang gawin ni Angela, kumukulo na ang dugo niya dito at kinakabahan na siya.

Alam naman niyang hindi tamang motivation si Angela para magtrabaho siya sa opisina, pero kung hindi naman niya ito gagawin, baka kung ano pang mangyari sa relasyon nilang mag-asawa.

"Perfect si Shayla sa team ko! I'm very sure we'd be able to convince many businessmen if Shayla would be the one to talk to them!" Masayang sabi ni Rafa Yuchengco na ikinaputol ng pag-iisip niya.

Lumakad ito papunta sa kanya para i-abot ang kamay nito. "Have you had experience in sales, Shayla?" Makikipag-kamay ata ito sa kanya, pero agad na tumayo si Gerard at ito ang nakipag-kamay kay Rafa.

"No!" Napalakas ang pagsabi ni Gerard ng no, at mabilis pang napatayo. Humarang ito sa pagitan nila ni Rafa at ito ang tumanggap ng kamay ni Rafa.  "Shayla, my wife, doesn't have experience in sales, Rafa." Anito na hawak na ang kamay ni Rafa.

Napatingin si Rafa sa kamay ni Gerard at napansin din ito ni Percival.

Gerard started to shake Rafa's hand, and slowly said, "Welcome to Ponce Group of Companies."

"Ah..." parang napapaisip si Rafa. "Thanks..." sagot naman nito na napapatingin sa kamay ni Gerard na nakahawak sa kamay nito.

Napatingin din siya sa kamay ng dalawa at parang napansin niyang mahigpit ang pakikipag-kamay ni Gerard kay Rafa.

Napansin rin pala ito ni Percival at lumapit sa dalawang lalaki.

"Rafa and Shayla should better get going, for the orientation." Sabi ni Percival at pasimpleng hinila ang braso ng kanyang asawa.

Napansin naman ni Shayla ang mabilis na pagtalikod ni Rafa na winiwisik ang kamay nito na para bang nasaktan ito sa pakikipagkamay ni Gerard.

"Shall we?" tanong naman ni Percival na bumalik sa tabi ni Rafa at inaya na rin siyang maglakad papalabas ng opisina ni Gerard.

"Wait, Pyke." ani Gerard at saka humawak sa kamay niya.

Napalingon naman si Percival sa direksyon nila, at saka tumango, bago inaya si Rafa na lumabas ng kuwarto.

"Are you sure you want to do this, honey?" tanong ni Gerard sa kanya.

"Yes," mahina niyang sagot. "I guess..."

"Are you sure you want to leave our kids at home?" muling tanong ni Gerard, cupping her face with both hands.

Napahawak tuloy siya sa mga kamay ng asawa. "Honey,  kung ayaw mong ituloy ko ito, susunod ako sa'yo..." marahan niyang sabi.

Nakatitig pa rin si Gerard sa kanya at parang may binabasa sa mata niya, bago bumongtong hininga.

"Alright," sambit ni Gerard, and released her. "Ok lang kung mag-work ka..." parang balisang sabi nito.

"Sure ka ba talaga, honey?" marahan niyang tanong na hawak ang mga kamay ni Gerard na ngayon ay nasa balikat na niya.

Tahimik lang si Gerard, at nag-isip, habang siya naman ay naghihintay ng sagot nito.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon