7

8.3K 128 23
                                    

MARCH 27, FRIDAY

RITZ CARLTON, HONG KONG


After everyone's settled in their own rooms, naglagi pa muna ang bunsong kambal sa kuwarto nina Gerard at Shayla, samantalang sina Gwen at Bree ay namasyal muna sa iba't ibang floors kasama ang kanilang mga nannies. Naging habit na kasi ng dalawang bata ang maki-usyoso sa bawat floors ng hotel, lalo na kapag nasa hotel ito ng kanilang Uncle Pyke sa Palawan tuwing summer.

Siya naman ay dumirecho na sa master's bedroom at umikot ang mata sa kabuuan ng kuwarto. Napakagat labi siya at nagpameywang habang iniikot ang buong kuwarto.  Hindi niya mapigilang mag-wonder kung magkano ang nagastos ni Gerard dito. Ayaw man niyang kontrahin ang mga choices ni Gerard, hindi pa rin niya maitago sa asawa ang pag-aalala na baka over sa napag-usapan nilang budget ang gastos ni Gerard, lalo na sa 'di planadong Hong Kong trip.

Alam niya maraming pera si Gerard, pero sa palagay niya dapat kontrolin din ni Gerard ang paggastos.  Yun nga lang, nahihiya na siyang paulit ulit na magsabi sa asawa ng kanyang opinyon, dahil parang hindi naman ito nakikinig. Panay lang ang sabi nito na ito ang bahala. Ayaw rin niya n magpa-ulit ulit ng pagsabi sa asawa kasi pera naman iyon ni Gerard. Ever since naman na naging sila ni Gerard, wala itong reklamo sa pag-gastos sa kanya at hindi naman niya kinuwestyon ang mga desisyon nito. Kaya naman ngayon na hindi naman siya nagta-trabaho at si Gerard ang kumikita ng pera para sa pamilya, nahihiya rin siyang magsabi dito na pigilan ang sarili na gumastos ng gumastos. Alam niyang wala naman silang problema sa pera, pero ayaw din naman niya na umabot pa sa puntong wala na silang pera.  Naranasan na niya kung paanong magipit, kulangin sa pera, at magtiis sa gutom. Ayaw niyang sapitin ng mga anak niya yoon. Pero come to think of it, sa awa ng Diyos, buo ang kaniyang pamilya, at kahit anong mangyari, alam niya na hindi sasapitin ng kanyang mga anak ang nangyari sa kanya noon.

Napatingin siya sa bunsong lalakeng anak na tumayo on top of the king size bed ng double room suite. 

"Drew, pls stop jumping on the bed." Pakiusap niya, habang inaayos ang hinila niyang maleta mula kay Gerard kanina.

Nahuli si Gerard ng pagpunta sa suite dahil kinausap pa ito ng Managing Director ng hotel, nang malaman ng huli na high profile pala ang bagong guest ng kanilang hotel, at ito ay ang anak ng Presidente ng Pilipinas. Nang palapit na nga ito kay Gerard ay agad siyang sumimpleng umiwas, kahit na hinigpitan pa ni Gerard ang hawak nito sa kamay niya para mag-stay siya.

Hindi naman kasi niya carry ang makipagchikahan katulad ng asawa na kayang-kaya makipagsabayan ng inglisan at sosyalan sa mga high profile din na mga tao. Unfortunately for her, ang crowd na iniikutin ng kanyang asawa ay mga high profile din, sosyal, mayayayaman, at hindi simpleng mamamayan katulad niya.   At sa palagay niya, hindi naman siya high profile, dahil kung ano naman siya noon, ganuon pa rin siya ngayon. Yun nga lang, hindi na siya namomroblema sa pera dahil kay Gerard, at sa pinamana sa kanya ng yumaong ama. Pero ang mana naman niya ang ginagamit niyang panggastos para sa pagpapagamot ng kanyang ina na ngayon ay may cancer.

Which reminds me, tatawagan ko nga pala si Mommy para i-check ko ang kalagayan niya. Paalala niya sa sarili. She dialed her mother's number on her phone, while telling Drew to stop jumping on the bed.

"I'm going to tell your Dad na hindi mo na naman ako sinusunod, Andrew." Banta niya sa anak.

Mabilis na tumigil si Andrew sa pagtalon sa magalulong kama at naupo. Ayaw na ayaw ni Andrew na dini- disappoint ang ama because their son looks up to Gerard so much. Lahat ng sabihin ni Gerard ay sumusunod si Andrew kaya kadalasan, ito ang sinasabi niya kay Andrew kapag ayaw nitong sumunod sa kanya.

"What is it, hon?" narinig naman niyang sabi ni Gerard, making his presence known, dahil narinig nito na sinisita na naman niya ang makulit at nag-iisa nilang lalakeng anak.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon