32

3.7K 106 10
                                    

DALAWANG ARAW na namalagi si Shayla sa ospital, at si Gerard ang may kagustuhan non. Gusto nitong makasigurado na maayos na ang kanyang kondisyon at pagbubuntis. Dalawang araw tuloy niyang hindi nakasama ang mga anak dahil may klase ang mga ito.

Kaya naman hindi siya mapakali ngayon. Ang usapan nila ni Gerard ay susunduin siya nito sa hospital ng 10:30am, in time for her check out, pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang kanyang asawa.

Kung mayroon nga lamang siyang dalang cash at mobile phone ay kanina pa niya ito tinawagan upang magpaalala na sunduin siya nito. Baka kasi sa dami ng ginagawa nito ay nakalimutan na siya ng asawa.

Naisip tuloy niya ang kanyang financial situation. Oo nga't may minana siya sa kanyang ama at ina, pero kung tutuusin, naka-asa lamang siya sa Uncle niya at mga pinsan upang palaguin ang naiwang pera sa kanya ng mga magulang. Naka-asa rin lamang siya sa asawa. Kung wala ang mga ito, babalik pa rin siya sa dati. Walang pera. Walang ipon. Wala kahit ano, maliban na ngalang kung maghahati sila ni Gerard sa pera nito kapag dinivorce siya ng asawa.

Divorce? Iiwan na ako ng asawa ko... dahil wala naman talaga akong pakinabang para sa kanya? O dahil ba sa ibang babae?She felt pain at the thought of it, and immediately stopped her negative thoughts.

"Hindi ganuon ang asawa mo!" She reminded herself. "Stop being negative." Sita pa niya.

She was bothered by her own way of thinking nowadays. Tila ba nagiging negatibo siya. Naalala na naman tuloy niya ang pangyayari kamakailan kung saan inaway niya si Gerard at nasampal niya ito.

"Lord, sorry!" Nakagat niya ang labi niya habang nakatingala sa taas. "Hindi ko naman talaga gusto na sampalin ang asawa ko... nabigla lang ako sa galit ko. Pero... alam ko naman na dapat maging submissive ako sa kanya eh... at alam ko naman na dapat naniniwala ako sa sinasabi niya. Pero Lord... di ko mapigilan. Hindi ko na rin maintindihan kung bakit napaka-negative ko. Is it because of hormones, Lord? Dahil ba sa buntis ako? O dahil ba ito sa sobrang exhaustion ko sa dami ng dinadala ko ngayon?"

Napahilamos ng mukha si Shayla. She was not like this in the past. Pero kung tutuusin, malayong malayo naman na talaga ang pagkatao niya noon kung ikukumpara ngayon. At narealize lamang niya ngayon na ang tao pala ay nagbabago base sa kung ano ang sitwasyon. Kung baga, nage-evolve ang tao. Naga-adapt sa changes.

Napakasuwerte na nga lamang niya dahil tapos na ang malagim na kabanata ng buhay niya nang mawala ang kanyang step father. Napakahirap ng pinagdaanan niya noon. At malaki ang pagpapasalamat niya kay Gerard dahil ito ang naging daan para umayos ang kanyang buhay.

Kung tutuusin, wala na nga siyang dapat pang ipag-aalala, dahil alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso na mahal na mahal siya ng asawa. Ngunit, ewan ba niya kung bakit may kaba pa rin siyang nararamdaman. Yung pakiramdam na parang dapat siyang mag-ingat dahil maaring mawala sa kanya si Gerard.

At dahil doon ay napatakip siya sa kanyang mukha na parang batang takot na takot. Isipin pa lang niya na mawala sa kanya ang asawa ay para na siyang kinakapos ng hininga, at parang guguho ang mundo niya. Si Gerard ang parang life support niya.

Batid niya kung bakit ganito na lamang ang pakiramdam niya. Aminado kasi siya na she built her world around Gerard. Si Gerard ang mundo niya. Si Gerard ang buhay niya. At kahit pa siguro pipilitin niyang mabuhay para sa mga anak, hindi na siya kumpleto.

Pero naisip din niya, diba dapat ikaw ang kukumpleto sa sarili mo? Hindi ba dapat hindi magdidepende sa ibang tao kung magsusurvive ka sa kahit ano pa mang problemang susuungin mo? Sabi nga ng kanyang kaibigan na si Rainbow, "Long gone is the age-old myth that we are one piece of a puzzle and, in order to find true happiness, we need to find or create the other piece."

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon