THE BODY GUARDS SUCCESFULLY DISPERSED THE NEWS REPORTERS. Napalabas ang mga ito sa ward ng mga naaksidente ang mga usiserong news reporters na nagiintay ng juicy na eksena para sa kanilang latest na balita.
Siya naman ay parang wala ng nakikita kungdi si Alfred Diokno na gustong gusto na niyang paduguin ang mukha ngayon dahil sa pag-akbay nito sa kanyang asawa.
"Get your hands off my wife, or---" mahina pero mariin niyang banta nang sumabat si Alfred Diokno.
"Or what? Are you threatening me Gerard? Bagito ka pa lang sa politika kaya ingatan mo ang lahat ng sasabihin mo dahil puwedeng puwedeng kong gamitin ito laban sa iyo." Mayabang na sagot ni Alfred Diokno.
"Hon," naramdaman niyang humawak si Shayla sa kanyang braso, pero kahit pa hinawakan siya ng asawa ay hindi na siya nakapagpigil. Iniwas niya si Shayla at inusod sa isang tabi, saka pinalipad ang kanyang kamao sa mukha ng kasalukuyang Vice Mayor.
Agad tumumba ang lalaki, at nagsipuntahan naman ang mga galamay nito upang protektahan ito. Si Gerard naman ay pinigilan na ng mga body guards nila.
"Hon!" Pumigil si Shayla sa kanya.
"Ardy!" Pumigil din si Katniss.
Hindi na niya pinagtuunan ang pansin ang posibleng maging reaksyon ni Shayla sa biglang pagpigil ni Katnis sa kanya, pero batid naman niyang kaya pumigil ang huli ay dahil sa pinoprotektahan nito ang imahe niya bilang tatakbong Vice Mayor.
"Ulitin mo pang lumapit sa asawa ko, Diokno. Hindi lang yang ang ibibigay ko sa'yo." Banta niya saka hinawakan si Shayla sa braso, at inalalayan na lumabas ng ward.
Si Katnis naman ay naiwan sa kinatatayuan nito na nakatitig lamang sa kanya.
"Ikaw na ang bahala dito, Katnis." Bilin niya dito na ang ibig sabihin ay si Katnis na ang bahalang mag-damage control.
"Yes, Ardy." Simpleng sagot lang ni Katnis, at binaling ang tingin sa kanyang asawa na para bang sinasabi nito na kung hindi pumunta si Shayla dito ay hindi magkakaroon ng ganitong ingkwentro sa pagitan niya at sa kalaban niya sa politika na si Alfred Diokno.
Napatingin siya sa asawang kasulukuyan nakayuko at tila halos gustong magtago sa kaniyang likod dahil palabas na sila ngayong ng hospital. Nanlalamig ang kamay nito, at parang halos gusto nitong mawala na parang bula lalo pa't naroon pa rin ang mga nag-aabang na mga news reporter.
Agad na dumating ang kanilang sasakyan at mabilis niyang inalalayan sa loob ng sasakyan ang asawa na tila na-shock sa nangyari kanina.
Tahimik siyang umupo sa tabi nito, at patuloy lang na hinawakan ang nanlalamig nitong kamay.
Saglit silang natahimik, nang binasag ni Shayla ang katahimikan. "Bakit mo ginawa yun?" mahina nitong tanong.
Bumuntong hininga siya. "I don't have to explain myself, hon..." maikli niyang sagot habang pinipilit niyang pahinahunin ang sarili, lalo pa't ayaw niyang makapag-salita sa asawa niyang sigurado niyang makakasakit sa asawa.
"Baka mademanda ka niya," nag-aalala nitong tanong.
"I don't give a fuck!" He suddenly bursted and immediately stopped himself.
Shayla, on the other hand, froze. He immediately felt sorry for his outburst, and didn't intend to frighten his wife, but he just remained staring at the window. He continued to clasp the cold hand of his wife, because he knew that she would just close up again like a clam, every time they would have arguments or fights.
Muli siyang bumuntong hininga at tumingin na lamang sa bintana, nang maramdaman niyang gustong ikalas ni Shayla ang kamay nito sa pagkahawak niya. Mas lalo tuloy niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ng asawa.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
Ficción General#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY