KUMATOK SIYA SA PINTUAN NI PERCIVAL BAGO PUMASOK AT HINDI SINASADYANG MAKITA NA NAGHAHALIKAN SINA PERCIVAL AT RORI SA LOOB.
"Oops, sorry!" Paumanhin niya at muling isasara ang pintuan ng CEO's office.
"No, it's okay Ardy! I'm about to leave na," nakangiting sabi ni Rori sa kanya at lumakad papunta ng pintuan na bilugan ang tiyan. Ika-anim na buwan na kasing buntis ni Rori sa pang-apat nitong anak nila Percival. At ang balita niya ay lalaki ulit ang magiging anak ng mga ito.
"Bye," aniya sa cousin-in-law na bumeso sa kanya.
Si Percival naman ay nakasunod sa asawang buntis. "Hatid ko lang." Nakangiti nitong sinabi at hinatid si Rori sa may elevator.
Siya naman ay naupo na sa swivel chair katapat ng desk ni Percival at nagtext sa asawa.
Hon, let's have breakfast meeting outside the office with Peachy later as we discuss with her your new role. Love you. See you in a while. :)
Pinadala niya ang text message sa asawa, nang bumalik na si Percival.
"Anung atin, insan?" tanong nito at umupo sa katapat na swivel chair nito.
"Shayla and I agreed that she's going to be my EA, instead of her being an Account Executive for Pizzo Non-Life Insurance Company." Paliwanag ni Gerard. "And Peachy, will be her EA."
"Okay, I think that's a good idea, para mai-manage ninyo mabuti ang schedule mo, lalo na tatakbo ka sa politics." Suportadong sabi ni Percival, na humikab. Batid niyang napuyat ito kagabi dahil sa pagcheck nito ng site kagabi, habang siya naman ay umalis kaagad upang tingnan naman ang mga naaksidente. Laking gulat na nga lamang niya nang papunta na siya sa hospital, dahil tinawagan siya ni Katniss na naroon na ospital, na pumunta din pala doon si Shayla. Halos atakihin siya sa puso nang malaman ito at nang kontakin pa niya ang asawa ay hindi ito sumasagot. At nagdilim pa ang kanyang paningin nang makita niyang naka-akbay si Alfred Diokno sa kanyang asawa. Hindi tuloy niya napagilan ang sarili at sinuntok niya sa mukha ang pobreng kalaban sa politika. Alam niyang mali ang kanyang ginawa. Dapat hindi siya napikon, pero pagdating kasi kay Shayla, hindi niya makontrol ang emosyon. Pati tuloy si Shayla ay nasungitan niya kagabi. Mabuti na nga lamang at nagkaayos silang mag-asawa, kungdi ay baka masakit ang ulo niya ngayon sa kakaisip dito.
Inisip na rin niya kung ano ang gagawin kay Alfred Diokno kung sakaling balikan siya nito. Dalawang bagay lang naman ang naiisip niyang gagawin nito. Una, puwede siyang idemanda ni Alfred Diokno. Pangalawa, puwede itong magpa-awa sa media at sa mga tao at palabasin nitong masamang tao siya. Pero Katnis has it covered, she said. She updated him early this morning, when he got back from having coffee with Shayla. Sinabi nitong may pang-counter na sila sa agmaaring gawin ni Alfred Diokno. Magi-issue sila ng statement na nagsasabing nadala lamang siya sa galit dahil sa advances na ginawa ng dirty old man na Alfred Diokno sa kanyang asawa. Naglakap pa ng mga impormasyon si Katnis patungkol sa masasamang bisyo nito katulad ng pagpunta sa mga gambling establishments at paggamit sa mga highend courtesans, samantalang siya naman ay butihing asawa, walang bisyo, mapagmahal sa pamilya, parating nakikita tuwing linggo sa church services kasama ang pamilya, at business savvy.
Sa tingin niya ay magaling talaga si Katnis, pero napansin niya na kung i-describe siya nito ay parang 'perfect' which sa tingin naman niya ay hindi. Alam niyang marami pa siyang kailangan patunayan sa sarili, sa pamilya, sa trabaho, sa paglilingkod sa bayan, at sa relasyon niya kay Lord.
Gayun pa man, hinahayaan na lang niya si Katnis sa diskarte nito bilang campaign manager. Nasabi na rin niya dito na si Shayla na ang magiging EA niya upang makapagpokus mabuti si Katnis sa pagiging campaign manager nito.
Everything was going smooth, and well, and he was thankful to God for it. Masaya niyang binalikan si Percival sa kanilang pag-uusap.
"So, I'm going to talk to HR to officially transfer Shaya to my office." Masaya niyang sinabi kay Percival.
"Okay. I'll ask Corp. Communication to prepare the announcement, and speak with Rafa, as well about it." Sagot naman ni Percival. "Another thing, insan, I heard the news about Vice Mayor Diokno. Totoo ba ang balitang binugbog mo yon kagabi?"
"Sinuntok ko lang," pag-amin niya. "Napikon kasi ako sa kanya," apologetic niyang sabi sa pinsan na best friend niya, at parang kuya na rin kung ituring niya.
"Serves that bastard right. Sana pinadugo mo yung mukha. Pareho pa rin naman ang impact non. Tinodo mo sana," hirit pa ni Percival.
"Pinigilan na ako ni Shayla, e. Buntis pa naman yun. Baka ma-stress." Paliwanag na lang niya.
"Oh, well," kibit balikat ni Percival. "Kung ako lang kasi yun, di lang suntok ginawa ko dun." Anito.
Napailing at napatawa si Gerard sa pinsan na parating nakasuporta sa kanya. Alam niyang kahit anong mangyari, mali man siguro siya o tama, parati itong naka-back up para sa kanya. Masuwerte siya at mayroon siyang pinsan na parang kapatid na rin niya. Naalala pa tuloy niya ang nadagdag sa kanyang pamilya na mga pinsan ng kanyang asawa—ang mga Pontes boys. Kung siguro narito ang mga iyon sa Pilipinas, hindi niya mapipigilan ang mga iyon na gumawa ng kalokohan na siguradong lalong ikalala ng away nila ngayon ni Alfred Diokno.
"Anyway, I'll go ahead. I'll go back to my office. Shayla and I will have lunch with Peachy. Alam mo na, para smooth transition." Aniya at tumayo sa kinauupuan.
"O sige, insan. By the way, magaling si Katnis ah." Banggit ni Percival saka tumayo na rin. "Nabasa ko ang counter statement niya sa media. She's good, and mean." Percival had to give Katnis the credit.
"Yes, she means business." Gerard agreed.
BUMALIK NA SIYA SA KANYANG OFFICE NANG TUMAYO SI PEACHY SA DESK NITO AT PUMASOK SA KANYANG KUWARTO.
"Si Shayla?" taka niyang tanong kay Peachy.
"Sir, si Ma'am Shayla po pala umalis po." Balita nito. "Kasama po si Sir Rafa kasi may imi-meet po silang isang big client. Si Mr. Sanders po ng Sanders Shipping Company."
Nagtangis ang kanyang mga bagang, at napansin ito ni Peachy. "Sir, gusto niyo po ba ng coffee, water, or tea?" may pag-aalala sa mukha nito.
"No, thanks. I'll just make a call." Aniya, at saka isinara ang pinto, nang makalabas na si Peachy sa kanyang kuwarto.
Kinuha niya ang kanyang mobile phone, at napansin na may text message si Shayla sa kanya.
"Hon, pasensya na hindi ako nakapag-paalam. Si Sir Rafa kasi nagmamadali dahil si Utt Sanders daw interesado na kumuha ng insurance from us. He personally requested daw kasi na ako ang mag-present sa kaniya. Balak din kasi daw mag-invest ni Utt sa Ponce Group of Companies. Sayang naman kung hindi natin ito makuha, hon. Lalo na ngayon na may issue pa tungkol sa sumabog na condo unit. Kapag nakuha natin ang investment ni Utt Sanders, sa tingin ko makakatulong din ito sa image ng company na kahit pa may nangyaring insidente, may nagtitiwala pa rin sa atin na investors, diba? Ang haba na ng text ko. Halata bang naguiguilty ako? Sorry ha, hon? Pasensya na. Bibilisan ko ang presentation para makabalik kami kaagad. Love you, honey. Pls huwag kang magalit sa'kin?"
Nag-init na naman ang ulo niya. Agad niyang tinawagan si Percival.
"Pyke," inis niyang sabi.
"Bakit, insan?" taka nitong tanong.
"Yang Rafa na yan namumuro na sa'kin!" Galit niyang sabi. "Kilala mo si Utt Sanders diba?"
"Oo. Bakit?"
"Saan opisina niyan? Pupuntahan ko."
"Ha? Why?"
"Shayla's there because he personally asked my wife to present to him. If he was interested to invest on us, why didnt he just talk to you? Why did he have to ask for my wife?" galit niyang tanong.
"Easy," sabi ni Percival. "I'm not sure why Utt didn't just meet with me, but if you want to go to his office, I'll go with you."
"Tara. Meet me at the basement." Galit niyang sabi saka inend ang call, at mabilis na lumabas sa kuwarto. "Peachy, pls cancel my appointments this morning."

BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
General Fiction#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY