"AYOKO PUMUNTA DON." Shayla crossed her arms as she met his sullen gaze.
Hindi nagsalita si Gerard at tumitig lamang sa kanya. Napalunok siya Kapag ganito ang asawa na walang reaksyon, alam na niyang something was brewing inside. At alam na din niyang hindi maganda ang tumatakbo sa isip nito, lalo na kapag galit ito.
She felt a tinge of fear, and felt her heart beat fast. Hindi niya kayang makipagtitigan ng matagalan sa asawa kaya napatingin na lang siya sa sahig. "Ayokong pumunta don." She repeated.
"I already said yes to Pyke." Matipid nitong sagot, saka marahang humawak sa kanyang braso. "And you haven't eaten dinner." He simply said. She felt the concern there, but she was still clueless if she could convince him not to go, because she didn't want to cause trouble especially that Utt and Katniss were in the party. Alam niyang baka magkaroon ng selosan na maganap. Nakakahiya sa mag-asawang host at hostess na sina Percival at Rori.
Umiling siya upang tumutol, pero hindi pumayag si Gerard. "Bawal sa buntis ang magutom." Sa pagsabi nito noon sakto naman nilang parehong narinig ang pagkulo ng kanyang tiyan na tila ba nagrereklamo ito. Napakagat labi siya at namula. Sa normal na pagkakataon ay baka natawa pa ito at inasar na siya sa narinig, ngunit wala pa rin itong reaksyon.
"Let's go," sabi nito, at hinawakan siya sa likod. Wala siyang nagawa kungdi sumunod na lang kay Gerard.
Habang tahimik na naglalakad sa hallway ay muling tumawag si Percival at sinabi nitong lumipat sila from Serendipity Restaurant sa ground floor ng hotel to Centro Beach Bar. It was part of Centro Hotel's private beach area where there was an outdoor pool and a view of the sea.
Gerard pressed the elevator button, as they remained quiet. The elevator was still going up, and so they had to wait a little longer. She couldn't stand being this quiet with Gerard so she initiated.
"I'm still mad at you," hindi siya nakatiis. Kahit naisip niyang hindi naman nagtatanong ang asawa kung ano ang state of mind niya ay sinabi pa rin niya ito.
She watched Gerard's reaction but he was straight faced and staring at the elevator.
"I know," maikling sagot ni Gerard. Nakaramdam siya ng kirot sa puso dahil iyon lang ang sinagot ng asawa.
Iniintay niyang sabihin nitong gagawan nito ng paraan ang hiling niya, pero wala man lang itong sinabi. Napabuntong hininga siya at inaabangan na lang na bumukas ang elevator.
Batid niya na malabo ang hinihiling niya kay Gerard, lalo pa't ang ama nito at si Percival ang nag-hire kay Katniss, pero alam din niyang kayang kaya gawan ni Gerard ng paraan na palitan ang campaign manager nito. Hindi naman niya hinihiling na mapaalis si Katniss. Ang gusto laman niya ay maiba na lang sana ang trabaho nito. Pero kung anong trabaho ang puwedeng i-assign dito ay hindi rin niya alam. Basta ang alam lang niya ay dapat mapalayo si Katniss sa asawa niya.
Call it being possessive, she thought, but she really didn't care. She just wanted Katniss far away from her husband, because she could sense a making of an "Angela" on her.
Bumukas ang elevator. "What a coincidence! Going up?" she heard a familiar voice.
Napatingin siya sa loob ng elevator at nakita si Angela.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Gerard as he pressed the button para hindi magsara ang elevator.
Tumingin si Angela sa mga bagahe nito na nasa luggage cart. Kasabay nito ang isang bell boy na magtutulak ng luggage cart nito.
"What do you think I'm here for? To stalk you?" Angela crossed her arms. "Come on Ardy, I've moved on. Haven't you?"
"Excuse me?" hindi na niya mapigilang hindi sumagot. "Huwag kang feeling na hinahabol ka ng asawa ko. Sa'ken lang bagay yon, hindi sa'yo!" Mataray niyang sabi. "Hon, let go of the button, dahil hindi ko ma-take ang pagmumukha ng babaeng yan. Baka mapaglihihan ko pa. Ayokong magmukhang pathetic ang magiging anak ko!"
She knew Gerard was stunned with her reaction, and so was Angela. Alam niyang hindi sanay ang mga ito na palaban siya, pero pakiramdam kasi niya sobra na ang tine-take in niya.
Una, si Katniss. Ngayon naman nadagdagan ng Angela! Hanuba? Buti na lang hanggang Sunday evening lang kami dito! Naisip niya.
Gerard let go of the Up button, and the elevator closed.
She bid her goodbye to Angela like in a beauty queen pageant, and she could see Angela turned crimson in anger. She could even hear her scream in annoyance as the elevator door closed.
Napatingin sa kanya si Gerard.
"Oh, baket?" inirapan niya ito.
Si Gerard naman ay napailing. "Never thought you had that side in you..." he said poker faced.
"Lumalabas lang yan pag nate-threaten na ang pamilya ko." Sinagot lang niya. Sakto naman na ang kabilang elevator ay nagbukas at pababa na ito. Nauna siyang maglakad patungo duon at laking gulat niya nang makita niya ang pinsan na si Malik.
"Malik! Anong ginagawa mo dito? Akala ko hindi ka pupunta. At nasaan si Jackie?" tanong niya habang papasok sa elevator, at nakasunod naman si Gerard sa kanya.
"She's busy preparing for her wedding." He immediately hugged her and cried. She could smell that he was drunk, and she felt bothered by it because Malik would rarely get drunk, and by himself.
"Lasing ka na," nasambit niya at niyakap ang pinsan.
"Dude," inalalayan sila ni Gerard dahil pa-sway sway sila sa bigat ni Malik habang mahigpit na nakaakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
Ficción General#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY