58

2.8K 96 7
                                        

"Hon..." nag-aalalang hinawakan ni Gerard ang kamay ng asawa habang nakahiga ito sa emergency bed, at ihahatid na sa operating room. "Everything's going to be fine." He comforted her.

Pumatak ang luha ni Shayla sa gilid ng mata nito habang nakatingin sa kanya. "Totoo ba?" mahina nitong bigkas.

"No," iling niya na naiiyak. "Hell, no!" He looked straight into her eyes as he followed the hospital bed while holding her hand tight. "You know I wouldn't do such thing, and I'm going to prove you that, hon."

Umiling naman si Shayla at pumikit. "You don't have to prove anything." Tugon nito, bago muling nagmulat ng mata at tumitig sa kanya. "I believe you."

Pagkasabi ni Shayla nun ay pinigilan na siya ng operating room staff na sumunod pa sa loob. Mabilis niyang hinalikan ni Shayla bago ito binitawan.

Nang magsara ang operating room ay napahawak siya sa pintuan nito. Parang hinigop ang kanyang lakas nang maghiwalay silang mag-asawa. Nanginginig at nanghihina ang kanyang buong katawan sa magkahalong takot at pag-aalala. Sinabi kasi ng duktor sa kanila na ooperahan na si Shayla dahil manganganak na ito ng wala sa oras.

It was only her seventh month, and there was a possibility that their baby might not make it. At si Shayla naman ay mabilis na nawawalan ng dugo. Everything was going wrong.

Naiiyak na siya. Hindi niya matanggap na nangyayari ito ngayon sa kanila. May banta sa buhay ng kanyang mag-ina, at inaakusahan siya na ng rape. Bukod pa ito sa nalaman niya kanina lamang na ang pagsabog na nangyari sa isa sa mga properties nila ay gawa din ng kanyang kalaban na dinadamay din ang kanilang negosyo upang pabagsakin siya.

He never wanted any of this to happen, and wanted it to end.

"Ardy," naramdaman niya ang marahang tapik sa kanyang braso. It was Katniss. Nakasuot ito ng cap at jacket na para bang ayaw nitong may ibang makakilala dito. His anger rose. Naisip kasi niya na maaring accomplice ni Angela si Katniss sa mga nangyari ngayon.

Hinawakan niya ito ng mahigpit sa magkabilang braso. "Wala ba kayong konsensya?" nanggigil niyang sambit.

"Ardy, nasasaktan ako!" Nagulat na sambit ni Katniss.

"Hindi kita bibitawan! Ipapakulong kita kasama ni Angela!" He threatened.

"Ardy! Please... hindi ko alam na iyon ang plano niya. She just asked me if you were going to be away that night."

"That night?" napakunot noo niyang tanong.

"Y-yes, Ardy. I... I think it was the night that we left for Palawan." Natatakot na sabi ni Katniss. "Please huwag mo akong ipakulong..."

Saglit siyang napaisip, bago binalingan si Katniss. "Hindi kita ipapakulong kung magtetestify ka na hindi totoo ang nasa video."

"I... I will. Magtetestify ako, pero kailangan ko magtago dahil sigurado akong gagawa ng paraan si Angela para patahimikin ako. I fear for my life. I can't die. Inaasahan ako ng lola ko na naka-life support. She's the only I've got." Nanginginig na sabi ni Katniss.

Binitiwan na niya si Katniss at napasandal sa dingding. "I'm going to do everything I can to protect you, Katniss." He said.

Napahilamos siya sa mukha habang nag-iisip ng plano, nang lumabas ang duktor at ipinaalam sa kanila na lalaki ang anak ni Shayla. Halos matuwa siya at mapalundag na malaman lalaki pala ang pinagbubuntis ng asawa pero hindi niya magawa dahil sinakloban siya ng pangamba kung ano ang masamang balitang ihahatid ng duktor. Sinabihan siya nito na 50/50 ang chansa ng baby na mabuhay dahil sa premature pa nga ito at kulang pa sa oras upang magdevelop ang body system ng maayos. Wika nito na maaring maka-experience ng difficulty sa paghinga, regulating body temprerature and digesting food, at hindi pa fully functional ang liver nito. Pinaliwanag din nito kung paano ite-treat ang kaniyang anak. The doctor said they will place his son inside an incubator to maintain his body temperature, and will be provided with oxygen that will be placed in his nostrils. His baby will have IV to deliver fluids, nutrients, and medicines.

Nagpaalam na si Katniss sa kanya at ibinigay nito ang bago nitong number. Sinabi nitong kasalukuyan siyang nagtatago sa bahay ni Utt dahil maraming guwardiya sa bahay ng huli.

"Do you think you would be safe there?" alalang tanong niya dahil hindi pa rin niya maipagkatiwala ang kaligtasan ni Katniss kay Utt. Importante si Katniss para magtestify laban kay Angela.

"Ardy, kahit na iisa lang ang mahal niyo ni Utt, mabait na tao naman si Utt. I hope someday ay magkasundo rin kayo." Katniss said and left.

Siya naman ay tinungo ang lugar kung saan mas naso-sort out niya ang kanyang emosyon at lumilinaw ang kanyang isip.

Lumuhod siya sa harap ng altar sa chapel. He bowed down his head in prayer and humility.

"Lord, I know you will not judge me as I ask you this. Bakit nangyayari sa'min ito ngayon? In one of the stories in your holy book, Daniel was captured by Nebuchadnezzar and brought to his kingdom. But you let it happen for a bigger purpose. I may not understand our situation now, but I have faith that you know better than me. You have a plan, and I will trust you that you are going to take care of our family. But if I may request, Lord, please... please save my wife and son." Pumatak ang luha niya habang bumubulong ng kanyang dasal. "Our Father, who art in heaven, holy be your name, your kingdom come. Your will be done on earth as it is heaven. Give us today our daily bread, and forgive us our sins as we forgive those who sinned against us..." at sa puntong ito ay napatigil siya. He felt convicted with the thought that he has to forgive those who have sinned or perhaps sinning against them. The images of his enemies came to his thoughts. How much he wanted to hurt them, but perhaps this was what God was telling him--- to learn to forgive... to learn to have a heart for those don't know what they are doing. He felt his tears once more. "Ang hirap, Lord!" Naiiyak niyang sambit. "Pero gagawin ko po. Gagawin ko po iyon. Susunod po ako sa kalooban ninyo. Pero please Lord, ang mag ina ko po, huwag ninyo po silang pabayaan."

Paglabas niya ng chapel ay sinalubong siya ng kanyang mga magulang, at agad siyang yumakap sa mga ito.

"The doctor said Shayla is safe." His father said. "Tinatanong din ng nurse kung ano ang ipapangalan ninyo ni Shayla sa bago kong apo." He tried to make the situation somehow light.

"Kakausapin ko muna po si Shayla." Aniya.

Shayla was brought to her room, and he waited for her to wake up. As soon as she did ay agad niya itong niyakap.

"Praise God you're ok." Nasambit niya.

"Hon, yung anak natin?" nag-aalalang tanong ng nanghihinang si Shayla.

"Hon, lalaki anak natin." Masaya niyang balita.

"Talaga?" naiiyak na tanong ni Shayla. "Pero kamusta na siya?"

Hindi kaagad siya nakapagsalita. Paano ba niya sasabihin sa asawa ang sitwasyon ng bunso nilang anak? Pinilit na lang niyang maging positibo sa sitwasyon.

"He's going to be ok. I know he's going to be ok. God is making him strong." He said with faith.

Tumango si Shayla kahit naiiyak. "Yes, hon. God will take care of our baby."

"The doctor is asking for our baby's name." Aniya, making it sound exciting for them.

"I want to name him Gabriel." Sabi ni Shayla. "Katulad sa pangalan mo. Nagsisimula sa 'G'."

"Then Gabriel it is." He replied. "Our little Gab."



Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon