"Sir Gerard, hindi po kayo puwede dito. Duon po kayo sa judges' area." Nahihiyang paalala ng isa sa mga teachers sa kanya.
"Sige, sige, pupunta na ako." Sagot niya na hindi maikubli ang excitement para sa pagkapanalo ng asawa at kambal niyang panganay para sa unang palaro. Lumapit na rin sina Rainbow at sina Milly and Drew na tuwang tuwa din sa unang panalo nila.
"Hon, pumunta ka na duon sa sa judges' area." Pabulong na paalala ni Shayla sa kanya.
Ayaw pa sana niya umalis pero naghihintay din ang teacher sa kanya na bumalik sa judges' area.
Sa buong araw ng palaro ay hindi siya mapakali sa kanyang puwesto, at hindi niya maikubli ang galak sa bawat contest na mananalo ang kanyang asawa't mga anak katulad na lang ng sack race, at tag of war. Pero natalo sina Shayla at ang mga kagrupo nito sa basketball game sa pool laban kina Angela at kagrupo nito. He regrets na pinasali pa niya si Shayla sa ganitong game dahil nga may pagkalampa ito at sadyang nadadapa at lumulubog ito sa tubig. Pero, bukod duon ay sa tingin niya na may foul play na naganap sa laban, dahil pasikretong nanakit ang grupo ni Angela tulad na nga lamang ng exaggerated nitong pang-aagaw ng bola kay Shayla. Nakalmot ni Angela sa leeg at braso si Shayla, at parang halos lunurin nito ang asawa pag tinatalunan nito sa tubig si Shayla, upang makipag-agawan sa bola. Pinilit niyang hindi maging bias sa asawa, pero sa loob loob niya ay naasar siya dahil nasugatan ito. Kung di nga lamang siya judge ay tumalon na siya sa tubig para i-ahon ang asawa doon at ipatigil ang game.
Pero nang maagawan ni Angela ng bola at tumakbo na sa kabilang dako ng pool ang lahat para habulin ang kabilang grupo, napansin niyang hindi pa rin umaangat si Shayla mula sa tubig. Nang umahon ito ay parang nagpapanic ito at kumakampay na parang nalulunod. Walang mashadong nakapansin kay Shayla dahil nagkakagulo ang lahat manood sa gitgitang ng ibang mga kababaihan sa pool sa kabilang dako kaya tumakbo siya mula sa judges' area at mabilis na tumalon sa tubig para sagipin ang asawa.
Pag dating niya sa ilalim ay nakita niyang nawawalan na ng malay si Shayla sa ilalim ng tubig. Mabilis niyang inahon ang asawa at ipinatong sa may gilid ng swimming pool. Nakita ni Rainbow ang nangyari at patakbo na ito dapat sa kanila, pero sinabi niya ritong ilayo ang mga anak para hindi to matrauma. Agad naman sumunod si Rainbow. Dinala ni Rainbow at ng mga yaya ang mga bata sa isang classroom.
Natigil ang laro dahil sa emergency. Mabilis siyang umahon sa tubig at binuksan ang wetsuit na ni-require niyang isuot ng asawa bukod sa one piece bathing suit sa loob nito. He did CPR on his wife at binigyan ng hangin si Shayla.
"Come on, come on honey," natetensyon niyang sambit habang pinipilit na hindi mag-panic dahil hindi pa rin nagkakamalay ang asawa.
Ilang saglit lang ay lumabas ang tubig sa bibig ni Shayla at napa-ubo ito. Dahan dahan ay nagmulat ito ng mata, at mabilis niya itong niyakap.
Nagpalakpakan naman ang lahat dahil maayos na si Shayla. Dumating ang medic at nilagay sa stretcher si Shayla para dalin sa clinic. Kahit basang basa siya ay nanatili siya sa tabi ng asawa.
"What are you feeling, hon? What happened? Tell me." Alala niyang tanong.
"Wala ito honey. Napulikat lang ako kasi nawala ang balance ko sa tubig." Paliwanag ni Shayla. "Yung mga baya nakita ba nila?" alalang tanong nito.
"I hope they didn't. I asked Rainbow na ilayo ang mga bata sa swimming pool." Sabi niya at hinalikan si Shayla sa noo.
"Thank you, hon." Hinawakan siya sa kamay ni Shayla. "Sorry, ang lampa ko talaga..." nahihiyang sabi nito.
"It's okay, honey. I shouldn't have let you join that in the first place." Malungkot lang niyang sabi. "Sorry, honey kong goddess..."
"Aksidente iyon, honey." Sabi lang ni Shayla.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
Ficção Geral#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY