"Hon?" tawag ni Gerard kay Shayla na nasa walk in closet pa rin. Sinusubukan niyang ayusin ang bow tie niya at iniintay si Shayla para ayusin ito dahil bumabaliko pa rin ito. "Honey kong goddess?" Marahan niyang tawag ulit habang hinihintay ang asawa na lumabas sa walk in closet. "Pag hindi ka pa lumabas diyan, ako na ang papasok, honey. Papasok talaga ako, honey... If you know what your husband means! Pinapasabik mo ko!" Pilyo pa niyang hirit.
"Eto na, honey, lalabas na..." sagot ni Shayla. Napatawa siya. Alam kasi ni Shayla na wala pa rin naman siyang pinagbago kahit na limang taon na silang kasal. Aminado naman siyang pilyo siya. At sa limang taon nilang pagsasama, kilalang kilala na niya ang asawa. Alam niyang mahiyain at nerbyosa pa rin ang asawa, lalo na sa big crowd. Sa beauty contests lang naman ito hindi nagpapakita ng nerbyos pero dahil ito sa pagba-block out daw nito sa audience, at dahil sa gipit na gipit at wala daw itong choice noon. But life changed for Shayla, for the better. She feels safe and happier. Yun nga lang, nasanay si Shayla na mga kamag-anak at kaibigan lamang ang nakakasalamuha. Halos hindi rin ito lumalabas ng bahay kungdi nga lamang ito mag-gogrocery o magsha-shopping para sa mga bata. At kadalasan, lalabas lang ito ng bahay kung maga-out of town or country trip silang pamilya.
He knew Shayla felt awkward about attending the company serviam ball, where the tenured employees would be given awards for their years of service and loyalty to the company. Ang mga aawardan kasi ay ang mga 5, 10, 15, at 30 years na nagtatrabaho sa kumpanya.
Since Gerard is the president of the family company, it was only but natural for him to bring Shayla and be acquainted with the employees. Lalo na hindi pa nakikita ng personal ng mga empleyado ng kumpanya si Shayla. First time din rin lang kasi ng kumpanya na may aabot na ng 30 years sa kanilang kumpanya, at marami rami na din sila.
Pero, knowing Shayla, alam ni Gerard na hanggat maari ay mas gugustuhin pa ng mahiyaing asawa ang pumirmi na lang sa bahay at magpaka-housewife at mag-alaga ng mga anak.
It's been so long since he saw his beautiful wife wearing a cocktail dress again. It was just that the last time he saw his wife wearing a cocktail dress or gown was in their wedding day, kaya naman excited siya.
"Honey kong goddess? Susunduin na ba kita diyan sa walk in closet?" malambing niyang tanong.
"Ito na, honey. Lalabas na..." sagot naman ni Shayla.
Narinig niyang naglakad palabas si Shayla sa closet room dahil wood ang flooring, kaya minabuti niyang salubungin na ito.
Pagharap niya sa pintuan ay nakita niya ang asawang nakayuko. Saglit siyang napatulala sa hitsura ng asawa at napatingin from head to toe.
Napatingin na rin si Shayla sa kanya at napakagat labi. "Panget ba?"
Hindi kaagad nakapagsalita si Gerard. It felt like the first time he saw her. Tumibok ang puso niya habang nakatitig sa asawa.
Nanibago siya dito. Madalas kasi ay nakapusod ang buhok ni Shayla at nakikita niya lamang itong maglugay ng buhok kapag maliligo na sila ng sabay o di kaya'y matutulog. Pero this time ay nakalugay ang buhok nito. Hindi din ito nagme-make up. Madalas lang itong mag-lipstick. Hindi rin ito madalas magsuot ng hapit na damit. Kadalasan ay naka-duster ito o kaya'y t-shirt at shorts. Magbibihis lamang ito ng dress or blouse at Capri pants o jeans kapag may lakad sila. Kadalasan din ay nakikita lang niya ang hubog ng katawan ng asawa kapag naliligo sila, o kaya'y pag matutulog na at magla-love making sila.
Kaya naman napangiti siya sa ayos ng maganda at simpleng asawa. Naka-make up ito na nakapag-enhance pa lalo ng magandang mukha ni Shayla. Nakalugay din ang buhok nito. Nakasuot ito ng puting cocktail dress na fit sa katawan at bahagyang kita ang cleavage.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
General Fiction#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY