HINDI SIYA MAKAPANIWALA SA REAKSYON NI GERARD. HINDI ITO NANINIWALA NA IT WAS JUST A FRIENDLY HUG.
Ang totoo'y pakiramdam din naman niya na may ibang ibig sabihin ang pagyakap sa kanya ni Utt. Pero naintindihan niya si Utt. He had no bad intention, and he was a good man. She could just feel that he was.
He was just probably reminiscing the feelings he had for her. Yun ang tingin niya.
Kung tama ang pagkakaalala niya, matapos nitong manligaw sa kanya ay hindi na ito muling nanligaw pa ng ibang bababe. He didn't have to, as Percival told Rori, and Rori told her. He was handsome, rich, educated, and business savvy. Hindi imposible para sa isang Utt Sanders na lapitan ng mga babae. Pero minsan lang ito nagkagusto, at siya ang nagustuhan nito. Unfortunately, they were not meant to be. Percival told Rori, and Rori told her, that he was heartbroken when he learned that she got married. Hindi na siya mashadong nag-dwell sa nalaman noon, pero pinagdasal naman niya si Utt na sana ay maka-move on ito, at matagpuan nito ang babaeng nararapat para dito.
Who would have thought that five years later, magkikita pa rin pala sila ni Utt? And who would have thought that even after five years, she could still feel that he still had feelings for her?
She wanted to ignore it. In fact, she wanted to deny it to herself, because it only spelled trouble for her. At ito na nga! Pinag-aawayan na nila ngayon ni Gerard si Utt.
Napabuntong hininga siya habang nakasakay sila ng asawa sa Alphard nito. Hindi man lang siya nito kinikibo. Tahimik lang ito, at tila busy sa pagtetext.
Nang makarating sila sa basement ng Ponce Group of Companies building ay inalalayan lamang siya nito bumaba ng sasakyan at sumakay ng elevator, pero hindi pa rin siya nito kinikibo hanggang sa makarating sila sa opisina. Nagtuloy tuloy lamang ito sa lamesa nito at nagtrabaho sa laptop nito.
Ayaw niya ng nag-aaway silang dalawa ni Gerard, kaya naman ang minarapat na lang niya na huwag ng ituloy ang pagtratrabaho bilang EA ni Gerard. Kung ganito rin naman kasi ang kahahantungan nila sa tuwing magseselos ito ay hindi na lamang nito itutuloy ang pagtratrabaho. Mas mabuti pang nasa bahay na lamang siya. Bahala na kung paano niya mababantayan ang asawa sa mga babaeng haliparot sa paligid nito.
Muli siyang napabuntong hininga at napatingin sa oras. It was 10:30am. Mahaba pa ang araw, at matagal tagal pa din niyang titiisin ang tumunganga sa harap ng asawa habang hindi siya pinapansin nito. Mas mabuti pang umuwi na lang siya ng bahay at matulog at mag-alaga ng mga anak. Tutal, kailangan naman niya iyon dahil napuyat siya kagabi. At saka, buntis siya. Kailangan niya rin magpahinga dahil na-stress siya sa nangyari ngayon araw na'to. Kaya naman nagdesisyon na lamang na mag-type ng resignation letter.
Teka, paano nga ba gumawa ng resignation letter? Naitanong niya sa sarili, at napakagat labi.
"Bahala na!" Mahina niyang nasambit at saka gumawa ng sulat. Matagal tagal din siyang nag-compose ng sulat. Effort kung effort. Nosebleed kung nosebleed.
Muli niyang binasa ang sinulat na resignation letter.
RESIGNATION LETTER
To whom it may concern,
I, Shayla Milena P. Ponce, would like to express my resignation to the position that Mr. Gerard Ponce is offering me, effective today.
Thank you.
Pinaprint niya iyon kay Peach gamit ang shared printer, at pinirmahan ito sa baba, matapos ang salitang 'Thank you.'
Kahit kinakabahan siya ay dinala na niya ang kanyang resignation letter sa nagsusungit na asawa. Kahit na nasa harapan na siya ng lamesa nito ay hindi pa rin siya nito pinapansin kaya inilapag na lamang niya ang papel sa table nito na walang salita.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
General Fiction#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY