INALALAYAN NI GERARD LUMAKAD PALABAS NG ELEVATOR SI MALIK, NANG MAKITA SILA NINA PERCIVAL, MATTEO, AT UTT.
Napatingin siya sa kanyang gilid kung nasaan napansin niyang unang tumingin si Utt, bago pasimpleng bumaling ng tingin kay Malik. Tiningnan ni Utt si Shayla.
Isang iglap ay naisip niya kung gaano niya gustong bitawan si Malik, at tadyakan ang pagmumuka ng lalaking tumitingin sa asawa niya. Alam niyang may ibig sabihin ang tingin na yon, dahil lalaki siya. Alam niyang na-excite si Utt na makita si Shayla.
Muli niyang binaling ang mga mata kay Shayla. He wanted to point out to her how Utt was looking at her with loving eyes.
But, he noticed Shayla was staring at someone towards Utt's direction. Mabilis niyang sinundan ng tingin ang tiningnan ng asawa bago ito nag-iwas ng tingin. He felt his heart beat fast, and clenched his jaw. Shayla was looking at Katniss who was just a few inches away from Utt.
Mula sa likod ng mga ito ay naaninag naman nilang dalawa ang pinsan nitong si Matteo.
"Matteo!" Nagulat na sambit ni Shayla habang nakasunod sa kanila ng lasing nitong pinsan. Nakita naman niyang nakasunod sa mga lalaki ang mga buntis na sina Rori at Tanya.
"Goodness! What happened?" palapit na tanong ni Rori.
"I'm fine, guys!" Sabi ni Malik. "Inom pa tayo!" Aya pa nito.
"Love," si Tanya ito na tinawag ang asawang si Matteo. "Painumin ninyo ng kape para kahit papaano mawala ang kalasingan niya."
"Tanya!" Excited naman lumapit dito ang kanyang asawa na si Shayla.
Medyo malapit kay Tanya sina Utt at Kantniss na nakaabang lamang kung kailangan ng tulong sa pagbuhat kay Malik.
He saw Shayla had second thoughts of approaching her best friend. Pero siya na ang nagkusang i-encourage ang asawa na lumapit kay Tanya. "Go to Tanya, hon. Baka mabagsakan ka pa ni Malik." Aniya.
Napatingin si Shayla sa kanya na tila ba nagpapasalamat. He just nodded his head in recognition. Excited naman na lumampit ito sa pinsang si Tanya.
"I missed you!" Yapos nito sa pinsan.
"I missed you too!" Masayang akap ni Tanya kay Shayla.
"Oh, me too! Me too!" Excited naman na lumapit si Rori sa mga kabarkada at yumapos din. "Kulang na lang sina Pinkie, Rain, at Jackie and we're so complete! I missed you so much, ladies!" Rori sobbed.
"Awwww," Tanya was close to tears. "I missed you all too!"
"Ako din!" Shayla tried to suppress a sob.
"Hey, ladies. We are here to have some fun!" Akma namang lalapit sa kanila ang lasing na lasing na si Malik, pero pinigilan ito nina Percival at Matteo.
"Malik!" Ani Percival. "Tara na! Samahan ka namin iinom. Ilabas mo na yang sama ng loob mo, para mamaya masarap ang tulog!"
"Ang galing mo talaga, Pyke!" Pumatol naman ng biro si Malik.
"Siyempre! Iba tayo, e!" Sagot naman ni Percival na sinasakyan ang kalasingan ni Malik. "Tara na." Aya nito na sadyang iniiwas si Malik sa mga babaeng buntis. "Matt," senyas nito kay Matteo upang alalayan ang kapatid nito na maglakad patungo sa bar. Siya naman ay umalalay na rin kay Matteo at Malik dahil bahagyang nadadapa si Malik sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
Fiction générale#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY