4

9.6K 121 14
                                    

"Kids let's go!" Aya ni Gerard sa mga anak na naka-fall in line sa likod nito dahil nakikipaglaro ito ng 'follow the leader' game with their children.  Ginagaya itong maglakad, kumembot, tumakbo, tumalon, mag-hop, lumakad ng pa-side view at parang mga sundalong nagmamartsa at umaasinta sa kawalan na parang nasa giyera.  Tuwang tuwa naman ang mga bata kaya kahit hindi pa rin pinapansin ni Shayla si Gerard ay napapangiti na rin si Shayla.

Siya naman ay sumunod lang sa bandang likod bitbit ang kanyang bag. Unang binuksan ni Gerard ang pintuan ng passenger's seat para sa kanya habang nakahilera ang mga bata at naka-saludo sa kanya.

Normal naman kay Gerard na maging gentleman at pagbuksan siya ng pintuan katulad pa rin nung nagsisumula silang dalawa bilang mag-asawa. Pero may extra effort ito ngayon dahil sinusuyo siya nito. Nagulat siya na awtomatikong pumila ang mga anak nila sa tabi ng passenger's seat na parang mga sundalo at sumaludo sa kanya as she walked towards the door of the coaster. Coaster talaga ang ginagamit nilang mag-anak kapag magkakasama sila dahil very convenient ito para sa mga bata, especially that mayroon itong sariling comfort room.   

"Who is the fairest among all?" Sigaw ni Gerard na ikinagulat niya.

"Sir, Mommy, Sir!" Sigaw naman ng mga bata at nagbubungisngisan.

"Who is Daddy's only love?" Sigaw ni Gerard.

"Sir, Mommy, Sir!" Sigaw ulit ng mga bata.

"Who is Daddy's boss?" Mabilis na tanong ni Gerard.

"Sir, Mommy, Sir!" Mabilis naman na sigaw ng mga bata habang wala na sa pila dahil si Andrew ay tumatalon, si Milena naman ay nilalaro ang Barbie Doll na kunwari ay ito ang sumasagot sa tanong ni Gerard. Si Bree at Gwen lang ang nakatayo pa rin sa pila.

"Who will Daddy follow?"

"Sir, Mommy, Sir!" Tili ng mga bata.

"And who should Daddy say sorry to for being impulsive and excited to bring you to Disneyland and Ocean Park?"

"Sir, Mommy, Sir!" Tiling sagot ng mga bata.

"Sorry Mommy!" Masuyong sabi ni Gerard at lumuhod sa harapan niya bago nagbigya ng isang tangkay ng gumamela na galing sa garden nila.

"Sir, Mommy, Sir!" Awtomatikong sagot naman ng mga bata.

Napatawa naman siya sa sagot ng mga bata bago binalingan si Gerard na hindi pa rin tumatayo.

"Kung anu ano ang pinapagawa mo sa mga bata... at sisirain mo pa yun halaman ni Mang Ambo." Komento lang niya at tinanggap ang bulaklak, bako mabilis na tumalikod sa asawa dahil alam niyang namula ang kanyang mukha.

"Am I forgiven?"  Tumayo na si Gerard at pinaharap siya.

"Pag-iisipan ko."

Kumamot ng ulo si Gerard bago mabilis na pumunta sa pintuan ng kanilang puting coaster at inalalayan siyang umakyat ng passenger's seat. At katulad pa rin ng dating gawi, Gerard buckled her seatbelt then he closed the door for her. Tapos, pumunta ito sa backseat para naman i-check ang mga seatbelt ng mga bata bago ito pumunta sa driver's seat. Siya naman ay chinechek din ang mga bata dahil nga malilikot ang mga ito, lalo na si Drew.

"Mommy, I want to stay in front." Hiling ni Milena dahil naiinis ito sa malikot na kapatid na si Drew.

"Come, baby." Aniya tinanggal ang kanyang seatbelt bago inalalayan pumunta ang bunsong babaeng anak para ikandong niya. Tinulungan siya ni Gerard na ilagay ang seatbelt sa kanila ni Milena. Ang tatlong anak naman nila ay nasa likod ng coaster kasama ang mga yaya. Si Gwen at naglalaro ng make up game sa tablet nito. Si Bree naman at nanonood ng cartoons sa sarili nitong tablet. At si Drew naman at palipat lipat ng puwesto habang pine-play ang Despicable Me sa tv screen ng coaster.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon