ALL Gerard wanted to do was drive as fast as he could. It was as if his mind could process, sort out the things that happened in his life by driving fast. As the gust of wind touched his skin, he felt his body started to relax.
Ganuon naman siya parati. Mas nakakapag-isip siya sa tuwing lumalayo siya sa kasalukuyang sitwasyon. Naalala tuloy niya noong sumama ang loob niya sa kaniyang magulang dahil wala itong panahon para sa kanya. There was always something that came up in his busy parents' schedule back when he was in high school. At mas tumindi pa ang sama ng kanyang loob nang hindi siya napuntahan ng mga ito sa mismong graduation niya upang sabitan siya ng medalya bilang Valedictorian ng batch nila.
"Mang Ed," nakatoga na siya at nagmamadaling lumapit sa body guard na itinuring na rin niyang pamilya. Alam na kaagad ni Mang Ed kung ano ang itatanong niya, at nakita niya sa mga mata nito ang lungkot nito para sa kanya.
"Wala pa, Ardy..." malungkot na sagot nito.
"Is everything okay?" tanong ni Bianca Sobel na noon ay nobya niya.
Hindi na niya sinagot ang nobya. He moved a few steps from Biancao who just looked at her, and took out his phone. Ayaw niyang mag-give up. He dialed his father's number.
"Dad," aniya habang nasa baba siya ng stage at kausap ang ama. "Malapit na po akong tawagin. Nasaan na po kayo ni Mom?" nahihiya niyang tanong.
"Anak, pasensya ka na pero nandito pa rin kami sa Quezon. Hindi pa kami makaalis ng Mommy mo dahil sa na-extend ang panayam ko sa mga kababayan nating magsasaka. Nais kong ipadama sa kanila na nakikiisa ako sa hangarin na maibigay ang karapatan na hinihingi nila."
"Pero Dad, graduation ko..." malungkot niyang sagot.
"I know, anak." Saglit na katahimikan. Narinig niyang bumuntong hininga ang kanyang ama. "I'm... I'm sorry, anak. Babawi kami ng mommy mo sa'yo. I just didn't expect that this would take long..." pag-amin ng ama niya.
"Ganiyan naman parati Dad, eh!" Malungkot niyang nasambit. May hinanakit sa kaniyang boses at alam niyang alam ng kanyang ama iyon.
"I'm so sorry, anak. I already asked your uncle to attend your graduation on my behalf. And Pyke, your cousin, will also be with him. Hahabol ako sa celebration mamaya." His father guaranteed.
"How are you going to do that, Dad?" malungkot na tanong nito. "Ang layo ng Quezon."
"I've already arranged for the chopper to pick us up." Paliwanag nito. "I have to go now, son. Congratulations! We love you and we're so proud of you, anak."
"Dad, I'm the Valedictorian!" Naalala niyang pahabol sa ama habang kausap ito sa mobile fon, na tila baga nakikipagnegotiate dito.
"Congratulations, anak!" Batid niya ang saya sa boses ng ama. "I promise I'm going to give you anything you want on our return. At hindi na kita bibiguin anak. I will keep my promise." Pangako pa nito.
Kaya naman nang itanong sa kanya ng kanyang ama kung ano ang gusto niyang hilingin dito, hiniling niya na gusto niyang mag-aral sa Canada. Napagdesisyonan niya na sa Canada na lamang siya mamalagi at mag-aaral ng kolehiyo, dahil masama ang loob niya sa kaniyang magulang. At dahil nangako ang kanyang ama na ibibigay nito ang gusto niya ay pumayag na rin ito na pumunta siya sa Canada at doon mag-aral. Sumunod duon ang dating nobya na si Bianca, at sa Canada ay namuhay sila na parang mag-asawa, ngunit may sarili nga lamang na apartment si Bianca na kailangan nitong uwian tuwing gabi upang hindi magduda ang mga magulang nito. Life was almost perfect for him with who he thought then as the love of his life. Balak na nga niya noon pakasalan si Bianca. Ngunit natuklasan niyang niloloko siya nito noon. Sa galit niya ay napagpasiyahan niyang umalis ng Canada at bumalik dito sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
Ficción General#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY