SHAYLA AND THE GROUP ARRIVED CENTRO HOTEL AROUND 4:00 PM. Matapos makapag-check in sa family suite ay nag-aya ang mga bata na maglaro sa play room, kung nasaan ang mga pinsan ng mga ito na sina Perci at Yunna at mga kaibigang bata nito.
"Kailan nga pala darating sina Matteo at Tanya?" naalala niyang tanungin si Rori dahil imbitado din ng mag-asawang sina Percival at Rori ang mga pinsan niya sa Pontes side, at ang iba nilang mga barkada na napangasawa ang mga pinsan niya.
"Matteo and Tanya confirmed and said they will arrive tonight with Timothy. And, the great news is Tanya is already two months pregnant!" Masayang balita ni Rori.
"Praise God!" Masaya niyang nasambit. "Matagal tagal na nilang sinusubukan na mabuntis ulit si Tanya after niyang makunan diba?" natutuwa niyang nasabi.
"Yes, indeed! Praise God talaga, lalo na kailangan nilang kumota." Rori naughtily said.
"Anung komota?" nalito niyang tanong.
"Matteo wants ten children, remember?"
"Juzko! Kinakarir ba nila maabot yun?" natatawa niyang tanong. "Unbelievable din iyong pinsan kong iyon eh!" Napa-iling siya. "I don't think may idea si Tanya kung gaano kahirap mag-alaga ng bata. Well, mahirap na masaya, pero nakakaloka. Diba Rori?" aniya.
"True! But let's be clear about it," ani Rori at tumoro sa kanilang mga tiyan. "Baka marinig ng mga babies natin at sabihin nilang ayaw natin sa kanila." Anito at hinimas ang malaki at bilugang tiyan nito.
Naintindihan niya ang ibig sabihin ni Rori. "Ay!" Napakagat labi siya. "Hindi naman sa ganun mga babies!" Kinausap niya ang tiyan niya at saka ang tiyan ni Rori. "We're so excited to see you soon and we love you so much!" Bawi niya."Yes, babies! We love you!" Sang-ayon naman ni Rori, nang lumapit ang anak nitong si Perci na 4 years old.
"Mommy, why are you talking to Ninang Shay's tummy?" tanong nito.
"I was just talking to your cousin who's inside Ninang Shay's tummy, and your baby brother who's inside Mommy's tummy because they can already hear us. Do you wanna say I love you to your cousin and brother?"
"Yes," Perci said. Inilapat nito ang mukha sa tiyan ni Rori at nagsalita ito. "I love you baby Ross!" Anito saka lumapit sa kanya at inilapat ang mukha sa may bandang tiyan niya na bahagya niyang ikinakiliti pero tiniis na lamang niya. Ang kyut kyut kasi ni Perci. "I love you baby..." napatigil ito at napakamot sa ulo. "What's your baby's name ninang?" tanong nito sa kanya.
"Uhm," napaisip siya. "I don't know yet kasi kung girl or boy ang baby namin eh..." paliwanag niya sa kyut na pamangkin.
"If you don't know yet, maybe you can name it where you made your baby with Ninong Ardy." Inosenteng suhestiyon ni Perci. Nagkatinginan silang dalawa ni Rori at napanganga si Rori. Siya naman ay namula pero napabungisngis sa sinabi ng pamangkin.
"Oh my veggies! Where did you bloody know that? May I remind you young man that you-are-only- four years old?" Rori flushed as she was about to give Perci some scolding.
"It's okay, Rori." Aniya. "Nakakatawa nga si Perci eh!" Natatawa niyang pigil sa kaibigan. "Come to think of it naman kasi, maganda ang idea ni Perci." Aniya at saka bahagyang yumuko para kausapin si Perci.
"My classmate Xochimilco said her name was taken from Mexico where her parents created her." Paliwanag ni Perci sa kanya. "Is that a bad thing, Mommy?" inosenteng tanong ni Perci sa ina nito.
Napakagat labi na lang si Rori at batid niyang humupa na ang pagkapahiya nito.
"No," Rori said. "Come here you cute little boy!" Pinalapit ni Rori ang anak at niyakap ito.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
General Fiction#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY