18

6.7K 165 34
                                    

Nagdilim na ang paningin ni Gerard. His jaw and fists clenched.

Hinahamon ba'ko nitong g*g*ng 'to?Sa isip niya.Gusto na niyang sapakin at tadyakan si Rafa sa kinatatayuan nito. Nakuha pa kasi nitong magbiro na para bang hindi halata sa mukha niya ang matinding init ng ulo. Pakiramdam nga niya'y pati butas ng ilong niya ay umuusok sa galit.

Nahalata siguro siya ng asawang si Shayla, kaya ito napatayo sa kinauupuan nito. Alam niyang ninerbyos ang asawa sa reaksyon niya kaya agad itong pumunta sa tabi niya at humawak sa kanyang braso.

"Honey, nandito ka pala!" Sabi ni Shayla at inabot ang mukha niya para halikan siya sa pisngi. In usual occasions, Shayla would have been shy to kiss him publicly. Pero siguro dahil natense ito sa kanya, at alam nitong pag nilalambing siya nito ay nawawala ang inis niya ay humalik ito sa kanya.  Siya naman ay parang saglit na nawala ang galit nang halikan siya ng asawa, pero nasa harap pa rin kasi niya ang nakaasar na si Rafa kaya hindi pa rin mawala ang init ng ulo niya. 

Tinitigan pa niya ng masama si Rafa. Nakita niyang nag-twitch ng bahagya ang mukha nito sa paghalik ng asawa sa kanya.

"In your face!" Gusto niyang asarin, pero nanahimik na lang siya.

Alam niyang para siyang bata, pero pag ganitong sutil din ang kalaban niya na katulad ni Rafa, papatulan talaga niya ito, kahit magsapakan pa sila.

Napatingin siya kay Shayla na parang hinihila siya palayo kay Rafa, kaya napatingin siya rito. Nakita niya ang pag-aalala sa mga mata ni Shayla, at parang nakikiusap na huwag siyang gagawa ng gulo.

Muli niyang tinitigan si Rafa, at nag-isip. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili dahil narito sila sa restaurant nina Malik at Jackie. At isa pa, bakas na niya sa mukha ng asawa na natatakot na ito sa reaksyon niya at sa kung anong maari niyang magawa kapag nagseselos siya. 

Napahilamos siya ng mukha at sinulyapan ang asawa. Kung hindi lang dahil sa'yo, honey, sasapakan ko itong g*g*ng 'to! Naisip niya at inakbayan si Shayla to assure her that he would try not to do anything.

Pero hindi pa rin niya napigilan hindi maging matalim ang tingin kay Rafa, kaya binalingan na lang niya si Shayla at ang komento nito kanina na nagulat ito sa pagdating niya.

"I followed you to show support, hon." Aniya kay Shayla, pero poker face pa rin. "Alam ko kasi na this is your first time." Sabi niya na may emphasis sa saling 'first time', bago bumaling kay Rafa. "Kaya naman nagulat ako na sinabak ka kaagad ni Rafa sa trabaho." Aniya na poker face pa rin. "Buti na lang dito ka muna magpe-present kina Malik at Jackie."

Alam niyang nakaramdam ng awkwardness si Shayla sa sitwasyon at lumapit na sina Malik at Jackie dahil alam rin ng mga ito na galit na siya.

"Why not we all have lunch together?" sabi ni Malik, at nagbigay ng signal sa mga waiter na mag-serve na ng pagkain sa table number 8. It was already past 2:00pm kaya available na rin naman sina Malik at Jackie.

"Sure, that'd better." Si Jackie na ang sumagot na hawak na ang lunch box na dala niya kanina.  Ibinigay ni Jackie ang lunch bag kay Shayla.

Nilabas naman ni Shayla ang dalang baon, at ni-request sa waiter na iinit ang ulam na binaon ng asawa niya para sa kanilang dalawa.

Uupo na sana siya sa pagitan nina Shayla at Rafa, pero si Shayla ay sumingit sa gitna at i-uupo na ang puwetan sa silya na dapat ay uupuan niya.

Si Rafa naman na nakikipagkuwentuhan kina Malik at Jackie, ay napansin na paupo na si Shayla sa silya kaya mabilis itong tumayo para alalayan si Shayla na maupo sa silya, at inusod pa nito ang silya ng kanyang asawa papalapit sa lamesa. Hindi siya nakakibo at nakatayo lamang habang pinanood ang ginawa ni Rafa.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon