Ilang linggo ng umuuwi ang pamilya ni Shayla sa dalawang hospital suite na kinuha ni Gerard para sa kanila. Dito umuuwi si Gerard mula sa kampanya, pati ang mga bata galing sa iskwela.
Ang isang suite ay para sa kanila ni Gerard, samantalang ang mga bata naman ay may sariling suite. Gabi-gabi, bago sila matulog ng asawa ay dinadala siya ni Gerard sa pamamagitan ng wheel chair, papunta sa mga anak at pinapatulog nila ito. They would read bed time stories, and pray together as a family, especially for Gabriel. Salitan naman sa pag-uwi ang mga body guards ng pamilya upang masigurado ang kaligtasan nila, lalo pa ngayon.
Nahihiya man siya sa abalang dinudulot ng arrangement na ito para sa asawa't mga anak, pinagbigyan siya ni Gerard dahil nagkakaraoon siya ng separation anxiety. Ayaw niyang iwan si Gabriel dito sa ospital. Hindi pa kasi nila maaring madala ang bunsong anak dahil mahina pa ang baga nito.
Gerard anticipated and considered many things in this situation, and he made sure she would not even be stressed out. He has already spoken to the Gabbriel's pedia and her OB because he wanted to protect her from having post-natal depression.
At habang nasa kampanya ito ay mayroon din private nurse na nakabantay sa kanya . May naka-schedule din na counselling para sa kanilang dalawa bilang parents ng isang preemie. Katulad ng dati nang wala pang kaalam alam sa mga babies si Gerard ay bumili ito ng mga libro at nag-research tungkol dito. Ngayon naman ay bumili ito ng sangkatutak na libro tungkol sa mga preemies at kung paano magko-cope ang magulang sa ganitong sitwasyon.
"You're strong Gabby! Be strong for Mommy and Daddy! Be strong for your ates and kuya!" Bulong niya sa anak tuwing dumadalaw. "We love you so much and we're so excited to hold you, hug you... I want you in my arms baby...."
Pagdating sa problema nila laban sa mga gustong sumira sa asawa at sa kanilang pagsasama ay matapang siya. Pero ibang usapin ang kanyang bunsong anak. Mahina siya pagdating sa bunsong anak. Walang araw na hindi niya dinalawa ang bunsong anak sa nursery.
Halos duon siya nagbababad sa tapat ng nursery, kaya kung mawala man siya sa suite ni Gerard ay alam na nito kung saan siya pupuntahan.
Gerard has been busy with his campaign and meetings. Naghahanda ito kasama ng mga lawyers at ng ama para sa pagdepense nito sa korte.
Bago ang araw ng unang paglilitis ay ginabi si Gerard kaya siya na ang nagpatulog sa mga bata. Tumabi siya sa mga anak habang patulog na ang mga ito.
"Mommy, a school mate said Daddy is going to be jailed." Nasambit ni Bree.
Pinamulahan siya ng mukha, at nakaramdam ng kirot sa dibdib. She suddenly had an inner turmoil whether to tell the kids the truth of the situation or make up one.
How would she explain to her kids about the accusation on their father was rape?
Namumuo na ang luha sa kanyang mga mata. Hindi din kasi nakakatulong na nagkakaroon siya ng baby blues, kaya mashado siyang emosyonal ngayon.
Huminga siya ng malalim at pumikit saglit.
"Mommy," naramdaman niya sa boses ni Gwen ang pilit na pinapatatag na sarili dahil ayaw nitong umiyak. "It's not true, right? He's not going to jail." Napaphikbi na si Gwen.
Umiling siya at nagmulat ng mga mata. Pati ang kambal na bunsong anak ay nakaupo na rin malapit sa kanya at lumuluha.
"Mga anak," pinigilan niya ang sarili na lumuha. Pero hindi niya mapagpatuloy ang pagsasalita dahil pakiramdam niya ay mayroon nakabara sa kanyang lalamunan. Lumunok siya at bahagyang pinihit ang sariling katawan upang mas nakaharap siya sa mga bata na nasa kama. "Your dad's not going to jail because he's a good man." Aniya sa mga bata.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
Ficción General#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY