Ilang araw din nag-stay si Shayla sa ospital. Halos duon na nga ito matulog sa isa sa mga hospital suites na kinuha ng Uncle Migoel nito para kay Shayla at sa mga taong gustong bumisita sa ina ni Shayla na kasalukuyang nasa ICU pa din.
Gustuhin man niyang makasama ang asawa ay hindi niya magawa dahil napagdesisyonan nilang mag-asawa na ang mga bata ay sa bahay matutulog, at hindi sa hospital kahit pa malinis ang hospital suite.
"Daddy, I miss mommy." Malungkot na yakap ni Milly sa kanya, habang ang mga anak niya ay lahat nakatabi sa kanya sa customized na kama ng mga ito. Sina Bree at Gwen ay ginawang unan ang kanyang bandang tiyan, habang si Milly ay nasa may bandang kilikili niya nakasiksik.
"Why is Mommy not coming home yet?" tanong ni Drew sa kanya na hindi pa naka-upo sa edge ng bed.
"Mommy is not coming home yet, because she's taking care of Grandma Sara." Paliwanag niya sa anak. "Come sleep, son." Imbita niya dito.
"I miss mommy scratching my head so I could go to sleep." Reklamo naman ng nag-iisang anak na lalaki.
"Come, son, Dad is going to scratch your head." Aniya.
"You would?" excited na tanong ni Drew.
"Yes, son. Come here closer to me so I could reach you." Sabi niya at inintay na lumapit ang anak na lalaki. Sumiksik naman ito sa may bandang kilikili niya, opposite ni Milena na nasa kabilang side niya, at inumpisahan niyang kamutin ang ulo nito.
"Daddy, can you sing lullaby so I could sleep na?" tanong ni Milly.
"Okay, baby." Tugon niya at gumawa ng imbentong tono para ihele ang mga bata.
"No, Dad. That's not what Mommy sings for us." Parang maiiyak na sabi ni Milly. Batid niyang nafu-frustrate ang kanyang anak at sinusumpong dahil inaantok na ito.
"Okay, baby. What does mom sing for you?" tanong niya dito.
"It's like this Dad..." sagot naman ni Bree na tulog na pero sumasagot pa din. "Hush now, quiet now, it's time to lay your sleepy head. Hush now, quiet now, it's time to go to bed..." kanta nito.
"Ah! Yun pala..." aniya. "Hush now, quiet now.. it's time to sleep baby..." kanta niya.
"No, Dad. It should be 'it's time to lay your sleepy head'." Pagtama naman ni Gwen na inaantok na sumagot.
"But I'm not familiar with the song, babies..." paliwanag niya. "Can I sing another song? Like, maybe, Twinkle Twinkle Little Star?" pakiusap niya sa mga bata.
Pati siya ay bahagya ng nafufrustrate dahil mas nararamdaman niya ang pangangailangan ng mga anak niya sa ina ng mga ito, lalo na sa ganitong sitwasyon na may pinapakanta sa kanya ang mga anak na hindi niya makanta dahil hindi naman siya pamilyar pang-hele ni Shayla sa mga bata.
Nagsimulang humikbi si Milly, na sinundan naman nina Bree at Gwen. Nasambit ng mga ito na namimiss na nila ang Mommy nila.
"Dad," ani Drew. "I'll just be the one to sing for my sisters." Sabi nito. "Hush now, quiet now, it's time to lay your sleepy head... Hush now quiet now, it's time to go to bed..." pero habang kumakanta ito ay napapaiyak na rin ito. "I'm sorry Daddy I'm crying!" Itinago nito ang mukha sa may bandang kili kili niya. "I miss Mommy, too!" He said in muffled words.
Parang pati tuloy siya ay napapaluha sa frustration dahil kung tutuusin, first time nilang lima na mapahiwalay kay Shayla, and he felt so lonely. He didn't expect that a week away from Shayla would make them this sad.
Napaisip siya, and reached out for his mobile fon which was on the side table, and he dialed Shayla's number. Ayawa na sana niyang maistorbo si Shayla pero kailangan nilang pare-parehong marining ang boses nito.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
General Fiction#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY